Hindi talaga maiiwasan na sa kabila ng kasiyahan ng isang tao... may nasasaktan.
[may video po sa right AHHAHAHAHAHA sakto lang kasi sa pangyayari ;) ]
_________________________________________________________________
Inah Gael de Ramos' POV
Natapos na rin ang tugtugan nina Kent, 'yung dalawa, nag-aayos pa, habang 'yung 'couples' wala eh, nang-iwan na. Naglalakad na ako pabalik ng bahay, kasi matutulog na lang ako. Sabi ko na nga ba eh. OP na naman talaga ako. -____-
Lakad. Lakad. Lakad.
Bigla ko siyang nakita, nakaupo lang sa isang sulok, habang nakatingin, dun, sa malayo.
"Ree, anong ginagawa mo dito?" Tapos, wala siyang reaction.
"Ree, okay ka lang?" Tanong ko ulit sa kanya.
Tapos tinignan niya lang ako, kaya tinabihan ko na lang siya. Tahimik lang siya, actually, madalas naman siyang tahimik kasi, madalas nagbabasa lang 'yan, pero hindi ngayon eh. Tinitignan niya lang talaga... sila.
Pero bakit? Ayun, masaya silang naglalakad sa gilid ng dagat habang... magkahawak kamay.
"Ree, may problema ba?" Tanong ko ulit sa kanya pero wala naman akong natanggap na sagot. Instead, isinanday niya lang 'yung ulo niya sa balikat ko... tahimik lang kami dun hanggang sa...
Naramdaman kong basa na 'yung shirt ko, teka? Umiiyak siya? Pero bakit?
"Ree, may problema ba?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Gael, masakit pala."
"Na ano?"
"Na ayun!" Tapos tinuro niya sila. o.O
"Ha?"
"Na makitang masaya siya kasama ang mahal niya."
"Eh bakit ayaw mo bang masaya siya?"
"Bobo ka ba Gael o ano?"
"Ha?" Wala kasi talaga akong maintindihan.
"Yun, mahal ko 'yun." Tapos tinuro niya si Josh? o.O
"Kelan pa?"
"Noon pa."
"Pero..."
"Wag ka muna magsalita, magkukwento ako." Tapos tumahimik na lang ako.
"Alam mo noon, akala ko hanggang tanaw na lang ako sa kanya. Di ba kasi sa barkada lang ako nag-iingay..."
"Alam mo, sobrang pasalamat ako sa'yo nun kasi, parang ikaw 'yung naging tulay para maging part sila ng barkada natin."
"Nung tila abot kamay ko na siya, ewan parang 'di ko siya magawang lapitan kasi nahihiya ako."
"Akala ko, magiging close na kami, kasi nga nasa iisang grupo na lang kami, pero hindi eh."
"Ngayon, nasasaktan ako, kasi hindi ko alam."
"Nasasaktan ka kasi mahal mo?" Pagsingit ko.
"Shhh. Wag magsasalita sabi eh." Parang nakainom pa ata to eh. Oo, amoy alak, san naman kaya 'to kumuha nun? -____- Tsaka, bobo ko talaga, kung 'di to nakainom, di naman magsasalita 'to. Tapos nun, itinikom ko ulit bibig ko. Siya lang daw magsasalita eh.
BINABASA MO ANG
Love's Journey.
Fiksi RemajaLove is a long journey, are you willing to follow the signs? take the right path, or just go on to what's left? Tao lang po ang nagsusulat nito. And wala pong perfect na tao. I know may mga typo po ito, kaya pasensya na po :)