Chapter 12

30 0 0
                                    

Hannah Andrea Suarez's POV

Ang saya ng araw na'to! Grabe! Ang saya pala kasama ang pamilya ni Gael, it's almost 4 am, and wala, 'di pa ako makaget-over, tsaka, 'di pa rin kami tulog ni Gael.

Kami ang magkasama ngayon sa kwarto niya, kasama din namin dito 'yung mom niya tsaka si Ysabel, na ayun, tulog na tulog na, pati mom niya tulog na din.

"Gael, bakit pala, ano, 'yung kanina. If you don't mind, bakit ganun nalang reaction mo sa kanta?" Medyo nahirapan akong magtanong, feeling ko kasi napakapersonal nung reason niya eh.

Tahimik lang siya. Wala atang balak na sumagot, pero okay lang, nirerestpeto ko naman ang desisiyon niya. Pero pagtingin ko sa kanya, umiiyak na siya, kaya lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya.

DANCE WITH MY FATHER.

Ang kantang muntik ng magpaluha sa kanya kanina habang nagsasaya kami. Buti na lang ay nagbiro si Tita kanina.

Flashback

"Gael! ikaw na!" sigaw namin habang tuwang-tuwa at sa wakas! Kakanta na rin si Gael. Pero, 'yung mukha niya, 'di maexplain nung tumingin siya sa screen.

DANCE WITH MY FATHER.

Alam kong matagal nang patay ang papa niya... Pero, 'di pa rin kaya siya makaget-over?

Tahimik kami sa una, hanggang sa nag-ingay na, medyo malungkot masyado 'yung song eh... Kaya sinasabayan namin ito, pero tinignan ko si Gael, may mga namumuong luha sa mga mata niya.

"Sometimes I'd listen outside her door

And I'd hear how mama would cry for him

I'd pray for her even more than me

I'd pray for her even more than me"

Medyo natahimik na namin kami sa part na 'yan, medyo, awkward. Hanggang sa...

"Anak! akin na nga 'yan, ang pangit ng boses mo!" Tapos inagaw niya 'yung mic kay Gael. "I-next niyo na nga, ako na kakanta." Tapos after gawin 'yun ni Tita ay, ayun, balik sigla na naman kami. Medyo nagtaka naman kami, pero hinayaan na lang namin. PARTYYYY.

End of Flashback

Ngayon, tuloy tuloy pa rin sa pag-iyak si Gael. Siguro nga 'di pa siya nakakaget-over sa papa niya.

10 minutes later.

Tumahan din siya. Medyo tahimik kami. Naghihintay lang din ako kung magkukwento ba siya o hindi. First time niyang umiyak sa akin. First time kong makita siyang umiyak. Tigasin kasi masyado ang babaeng 'to, tapos isang kanta lang pala, naiiyak na. Pero, naiintindihan ko naman eh.

Nung tumahan siya, nagkwento din siya sa akin. Kwinento niya lahat, lahat-lahat. 'Di ko inieexpect na ganito pala... ang buhay niya. Ibang-iba sa mga ipinapakita niya sa amin. Akala ko si Jay na ang pinakamatatag na taong nakilala ko, 'di pala.

Naiintindihan ko naman kung bakit hindi niya ikinukwento sa amin ang buong buhay niya. Kung ang iba, iisiping, niloloko niya kami, o kaya kung anu-ano pa, para sa akin, naiintindihan ko siya. 'Di naman kasi madali ang nasa sitwasyon niya. Gaya ni Jay, kung 'di ko nga siya pinsan, 'di ko rin malalaman ang kwento niya.

May mga tao talagang 'di ko pa gaanong kilala.

"Alam mo Gael, akala ko, si Jay na ang pinakamatatag na taong kilala ko... may mas pala." Medyo nagulat 'yung reaksyon niya.

"Bakit napasok sa usapan si Jay?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

"Basta, wala ako sa posisiyon para magkwennto,  eventually, malalaman mo rin." Tapos, tumango nalang siya sa sinabi ko.

Nangako naman ako sa kanya na walang ibang makakaalam nung kwento niya.

Kinaumagahan, well, actually hapon na rin 'yon nang magsi-uwian kami, Sunday, dapat nasa bahay. Ngayon ko lang tuloy narealize, ang swerte ko pala kina mama at papa :) pati na rin sa mga kapatid ko. Kaya pagka-uwi ko, niyakap ko agad sila.

"Oh anak, hapon na ahh. Kamusta?" Tanong sa akin ni papa.

"Okay lang po, ang saya nga po namin ehh."

"Oh mabuti naman, malapit na Birthday mo ahh." Sabi naman sa akin ni mama.

"Oo nga anak, anong gusto mo?" Tanong ulit ni papa

"Wala naman po." Sagot ko ulit.

"Ate!!! party tayo!" Masiglang sabi ng kapatid ko.

"Naku, 'wag na baby, masyado namang magastos."

"Bakit ayaw mo anak? Sige na, papuntahin mo dito mga kaibigan mo." Sabi naman ni mama.

"Sige po, kayo po ang bahala. Aakyat po muna ako, maliligo lang po."

Umakyat na ako papunta sa kwarto ko. Kahapon, ang dami-daming nangyare na 'di ko makakalimutan, lalo na ang kwento ni Gael.

-- end of Chapter 12 --

MALAPIT NA MALAPIT NAAAAAAA! :)

-- Lovelots :) :* <3

Love's Journey.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon