Mabilis na lumipas ang oras, 'di ko nga namalayan na September na naman. At, ito, palapit na naman ang birthday ko. Excited na nga ako eh. Ewan ko kung bakit, atleast this year 'di ko malimutan ang birthday ko gaya ng dati.
As usual, pumunta ulit sila dito sa amin sa araw ng birthday ko... and yes naging sobrang masaya ako. Busy nga masyado sa school, pero thankful ako sa barkada ko kasi may time sila para sa akin, and yes, iniwan muna nila lahat ng pinagkakabusy-han nila para sa akin. At least hindi lang si pangit 'yung kasama ko sa birthday ko di'ba? :)))
Honestly, nasasaktan pa rin ako ngayon sa tuwing nakikita ko sila na masaya pero, yung magandang part ay 'yung may nagpapasaya na rin sa akin ngayon ;)
Masaya ako dahil sa barkadang meron ako. :) Yun lang! :D o yun nga lang ba? o yun kasi 'yung gusto ko? HAHAHAHAHAHA wala eh! Basta! :)
Dalawang araw na nga pala ang nakalipas mula nung birthday ko, well, wala naman talagang ganoong nangyare masyado nung araw na 'yun ;) hahahaha... Basta naging sobrang masaya ako, ewan ko lang kung bakit.
Ngayon, sobrang pagod na ako, last period na namin, kaso gagabihin na naman ata kami ng uwi. Mahirap pala maging officer kahit sa room lang namin. Nakakapagod.
Buong araw, andami dami naming ginawa. Hay nako! NAKAKAPAGOD. NAKAKA-STRESS pero okay lang! :D
"Coke! uwi na tayo?"
"Teka lang, madali na."
"Sige antayin kita dito sa labas."
"Okay po, coke."
At dahil sa narinig ko, napataas naman ang kilay ko. COKE? What for? And because of curiosity, tinanong ko na si Besfriend.
"Ui Ken, Anong coke?" Nababaliw, este, nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Happiness" Nakangiti niya namang sagot.
"Happiness?"
"Oo. Happiness. Masaya kasi kami."
"Ganun?"
"Oo, bakit bestfriend?"
"Ah eh, wala naman. Okay,"
Nga pala. -____- Nalaman na nang pamilya ko 'yung baliw kong manliligaw. Eh paano ba naman, kinantahan ako nung nasa bahay sila. Tumabi pa sa akin. Sinubuan pa ako nung cake. Edi, alam na, tinanong din kasi siya ng mga kuya ko. Medyo nagalit kasi sila sa inasta niya habang tuwang tuwa naman 'yung barkada ko sa mga ginagawa niya.
Ito 'yung mga nangyare:
Ako: Kuya, wala video-oke daw tayo, request nila! :)
Kuya: O sige, ikakabit ko lang.
After na maikabit ni kuya yung kung anong kinakabit doon, siya agad humawak nung mic -_-
Jay: Ako muna kakanta ha?
Tapos pumili na siya. 'Yung kinanta niya ay 'Queen of my heart'
Tapos, magkalayo naman 'yung upuan namin pero lumapit siya saka kumanta! -____- Dun palang, nakahalata na sina kuya. -____-
Tapos 'yung sa cake naman, kumuha siya at susubuan SANA ako. kaso, ayoko naman! xDDDDD Tapos 'yun palan 'yung mga nangyare nung birthday ko.
Maggagabi na din. Kaya nagdecide kaming umuwi na ngayon, and nauna na pala 'yung iba sa baba, sa second floor pa kasi room namin, and naiwan ako, kasama ang pangit na'to nagpipaint pa kasi siya, habang ako naman 'yung taga-sara ng mga bintana. No choice, siya kasama ko pababa, kesa naman mag-isa ako diyan, ayoko, madilim na!
Habang pababa sa exit, kung bakit ang arte ng school, may entrance at exit pati sa hagdan! -__- Medyo nakakatakot, madilim kasi. Tahimik lang kami pareho, pero ang ikinagulat ko ay nung bigla niya nalang...
HINAWAKAN ANG KAMAY KO! -___-
Pero, ito na ata ang pinakanakakabigla sa lahat, My heart skipped a beat.
-- end of Chapter 29 --
Nakapag-update din! Kaso maikli lang! :)
BINABASA MO ANG
Love's Journey.
Teen FictionLove is a long journey, are you willing to follow the signs? take the right path, or just go on to what's left? Tao lang po ang nagsusulat nito. And wala pong perfect na tao. I know may mga typo po ito, kaya pasensya na po :)