Chapter 6

29 0 0
                                    

Inah Gael de Ramos' POV

Ilang araw na din ang lumipas nung gawin ko 'yun at nakikita ko namang maayos na sila bilang bestfriends. Haaaaay, nakapag-usap na rin siguro sila kaya naayos naman agad nila ang lahat. Minsan nga, kapag nakikita ko sila eh sobrang natatawa ako dahil parang chaperon nila si Anne. Sana hiwalayan nalang ni Tom si Anne, pero buhay nila 'yan kaya 'di na ako makikialam.

Wednesday ngayon, at ilang araw na lang ay party na namin. Kaya, nasa unahan na si Mayor para sa class meeting namin. Magpaplano daw about sa party eh.

 "Sino bang assigned sa designs. music and foods?" Tanong sa amin ni Mayor.

"Hatiin nalang natin 'yung class, o kaya pwede din namang by group" suggestion naman ni Jess, 'yung classmate kong nakaupo sa likod ko.

"I prefer by group na lang, since 5 groups, hatiin natin sa 5 comitees." Suggestion naman ng Vice Mayor namin na si Fred.

"Okay, anong gusto niyo, by group na lang?" tanong naman ni Mayor, at ayun nga, sumang-ayon naman ang lahat na gawing by group na lang, so nahahati 'yung class namin, bale, assigned ako sa Group 3, commitee on programs kami, dahil nagbunutan na din kung saang commitee, after nang class meeting ay magkakaroon daw ng meeting ang bawat grupo, tapos class meeting ulit.

"Sige, pumunta na muna sa kanya kanyang group, at mag-plan na ng nakaassign sa grupo niyo."

Since kami 'yung sa program, mag-aasign kami nung maglilead ng prayer, mag-iintermission, magmemessage at kung anu-ano pa.

 Habang busy kami sa pagpaplano ay bigla na lang may dumampi sa ulo ko, isang crumpled paper, tumingin naman ako sa likod ko, at nakita kong nakangiti ang pasaway kong bestfriend na si Ken. Sabi niya basahin ko daw kasi daw importante daw iyon.

So, binasa ko naman.

****

Bestfriend, malapit na birthday niya, patulong naman oh, plano tayo mamaya, susurpresahin ko siya sa party. TY ;)

****

Tungkol saan, I mean, KANINO, pa nga ba 'yang sulat na 'yan? Edi sa nililigawan niyang si Kit. Lagi naman eh. Plano? Wala ako sa mood ngayon mag-isip kung anong pakulo ba ang gagawin namin sa party.

Kaya, tinalikuran ko nalang ulit siya. Panay text niya naman sa akin. Eh sa nakakapagod kayang mag-isip! -___-

Kenneth Agustin's POV

December na ngayon, at ilang buwan ko na ring nililigawan si Kit. Alam ko namang gusto niya 'yung pinsan ni Gael, dahil tinanong ko 'yun sa kanya nung birthday ni Gael. Nakita ko kasi silang nag-uusap nun, at pulang-pula siya nun. Pero 'di naman ako nawalan ng pag-asa dahil dun.

 Kakatapos lang ang meeting namin sa class, ngayon ay group meeting naman, sa commitee on design ako. Malapit lang 'yung grupo nina Gael sa amin kaya ayun, binato ko siya ng papel, binasa niya naman, pero 'di niya naman sinagot o kahit ano, tinalikuran niya lang naman ako.

Ano bang problema nun? o.O

Makapag-isip na nga lang ng gimik sa Party, mauuna kasi party namin kesa birthday ni Kit, kaya plano ko sana na surpresahin nalang siya sa Christmas party namin para sa birthday niya.

*isip*isip*isip*

Panay text ako kay Gael, Jay at Josh, humihingi kasi ako sa kanila ng tulong kung ano bang gagawin ko, si Jay, nagreply na susuportahan niya nalang daw ako sa magiging plano, ganun din si Josh, pero si Gael, wala talaga eh.

-___- Kainis naman 'yang bestfriend ko na 'yan. >.<

Hindi man lang ako sinusuportahana? Baka wala lang load.

mag-iisip nalang ako ng plano dahil susuportahan niya naman ako kapag nakapag-isip na ako eh...

Aaron Jay Suarez's POV

Uwian na namin ngayon, at dahil walang pasok bukas ng umaga, eh niyaya kami ni Ken na matulog sa kanila para sa plano naming surpresa sa Friday. Kasama namin dito si Josh at Gael, pero maya-maya rin ay uuwi na si Gael dahil hindi naman siya pwedeng matulog dito kina Ken, baka mabugbog kami nung apat niyang kuya.

Kami lang pala dito at 'yung katulong nina Ken, nasa ibang bansa kasi mga magulang niya.

"Ah Gael, gusto mong ano--"

"Hindi" Ang sungit niya naman :(

"Ah okay ka lang--"

"Oo." Hala, ba't ang sungit niya sa akin?

"Ano kasi Gael may pro--"

"wala" Ay, badtrip ata 'to. Buti na lang ay dumating na sila Josh at Ken, kung bakit kasi iniwan nila ako dito, nasungitan tuloy niya ako -___-

"Oh, okay lang kayo?" tanong sa amin ni Ken na nakangiti pang nakakaloko.

'Di siya sinagot ni Gael kaya um-oo nalang ako. Ano kayang problema ni Gael? kanina pa 'yan eh, ayaw nga sanang sumama dito pero napilit rin naman ni Ken.

Marami kaming pinag-usapan kung paano namin susorpresahin si Kit, pero si Gael naman, tango lang siya ng tango, nung medyo gabi na, inihatid na namin siya sa kanila.

Ang weird niya, pero kahit ganun....

-- end of Chapter 6 --

hi po! sana may nagbabasa neto. HAHAHAHAHAHA kung wala, edi selftalk ako. xD hmm/ 'yun sana po tangkilikin niyo itong story na ito. Pasensya din po sa medyo maikling update, malungkot si author ngayon eh. 'yun lang.

-- Lovelots :* <3

Love's Journey.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon