Inah Gael de Ramos' POV
Naging masaya naman 'yung party namin. Well, except dun sa part na medyo... medyo.. ay ewan! Basta! 'Yun na 'yun! Nakakatuwa pala kapag pinagsama ang pamilya at ang barkada! Feeling ko, nasa akin na ang lahat. :D
Ngayon, Lunes na naman, um-absent na ako kasi pabalik na ulit si mama sa ibang bansa, syempre para sa trabaho. malungkot man, pero, okay lang kasi uuwi naman daw siya kapag 16th birthday ko na, at sunod na uwi niya ay 18th birthday ko. Bale matagal pa naman bago kami magkita ulit ni mama, kaya mamimiss ko talaga siya.
"Anak, mag-iingat ka ha? 'Wag muna magpapaligaw." Pagbibiro ni mama habang nag-aantay kami sa airport.
"Ma naman... Syempre gusto ko kagaya mo, you'd never love another, kaya ako, pagnagmahal ako ma, dapat, siya na talaga 'yung para sa akin, sisiguraduhin kong 'di niya ako iiwan ma." Sa sinabi kong 'yun ay medyo natahimik naman kami.
Ilang minuto pa ay tinawag na ang mga pasahero papunta sa loob. Halos mangiyak-iyak ako, pero pinigilan ko. Ayokong makita ako ni mama na umiiyak ulit sa pag-alis niya, dahil this time, masaya na kami. Wala na 'yung sakit, I guess.
"Ma, ingat ka po dun." Tapos yinakap ko siya. Haaaaaaay, nakakamiss agad, 'di pa nga siya nakakaalis.
"Ikaw din anak, ingat ka ha? I love you."
"I love you too ma." Tapos pumasok na siya doon sa loob.
Pagkatapos nun ay umuwi na rin naman kami. The week went fine. Panibagong Lunes na naman bukas. Sunday na nga ngayon, ang bilis talaga ng oras, sa Friday din ay birthday na ni Han. Nag-invite nga agad siya sa amin, konting salu-salo daw dun sa kanila, bale, kaming siyam lang.
Maayos naman ngayon ang estado ng mga buhay nila. Sina Ken at Kit, mukhang nagkakaminabutihan na nga ng tuluyan, habang si Aira ay masaya kasama ang bestfriend niya, parang sila na rin lang. Si Han naman, pinaparamdaman na ni tsinelas guy, online, 'di bale parang LOL lang, love on line, sina Ysabel at Matthew naman, going strong, botong-boto nga kami kay Matthew para kay Ysabel eh, kaso, 'di naman siya gaanong close sa aming magbabarkada kaya 'di sa amin napapasama. Si Ree naman, joker pa rin, eto pareho kaming single, habang si Cass at Josh naman, uhm, may namumuo, si Jay, ayun gwapo pa rin, este, magaling pa rin kumanta at sikat pa rin, ano ba 'tong pinagsasasabi ko. Inaantok na ata ako, makatulog na nga at maaga pa bukas.
Kinabukasan, inagahan ko talaga ang pagpasok, nakalimutan ko kasing mag-aral para sa quiz namin mamaya sa Algebra.
"Ang sipag mo sungit ahh." Oh great! Ang aga, may bwisit. Inirapan ko siya tsaka nag-aral na lang ulit.
BINABASA MO ANG
Love's Journey.
Teen FictionLove is a long journey, are you willing to follow the signs? take the right path, or just go on to what's left? Tao lang po ang nagsusulat nito. And wala pong perfect na tao. I know may mga typo po ito, kaya pasensya na po :)