Masyado na kaming busy ngayong week. Book week kasi, so English club ang host ng events sa school. Bale, sila bahala sa activities, I mean, kami pala, member kasi ako ng Club.
Busy na busy kami, excused din naman kasi kami sa class. Nagbabantay kasi kami ng booths na itinayo namin, gaya ng Dedication booth, tapos kung anu-ano pa, 'yung iba naman ay busy sa paghohost ng contests. Everyday, iba-ibang contest 'yung hiniheld namin, kaya hassle talaga.
'Di ko na nga sila masyado nakakasama, kasi tuwing lunch, clubmates ko ang kasama ko. Nakakamiss din pero okay lang. Busy na din kasi sila, Last week ng February, final exams na namin.
Text text na lang kami, tsaka facebook.
After 1 week.
First week na nga ng February. At feel na feel na namin ang pressure. Dahil malapit na malapit na ang Final exams, kaya medyo seryoso na muna, stop na muna sa mga sleep overs and everything. Pati ako, stop din muna sa dota.
"Masyado na tayong busy lahat noh?" Tanong ng katabi ko. HAHAHAHAHAHA kahit katabi ko 'to ewan, minsan lang kami mag-usap.
"Oo eh."
"Himala, 'di mo ako sinusungitan ngayon?"
"Ganun talaga, hello! Mapapanis na laway ko, 'di na kasi kami masyadong nag-iingay eh."
"Oo nga noh."
"Uy, bestfriend!" sigaw sa akin ni Ken.
"Oh bakit?"
"Malapit na Valentine's eh."
"oh tapos?"
"Oo nga naman, ano naman kung malapit na Valentine's?" sabat naman ni Jay.
"Wala, papatulong sana ulit ako eh."
"Diyan ka naman magaling, di'ba?" Hala! Anayare sa dalawang 'to?
"Tsss. Tumigil ka nga Jay."
Hala? o.O Magkaaway kaya sila??? Tsaka, as usual -_____- Papatulong na naman siya. Lagi naman eh, ako naman, si mabait na bestfriend, 'di naman makatanggi kahit medyo busy.
Pagkatapos nun eh, umalis naman agad si Ken. Ang gulo naman nila kausap. Oo nga, isang linggo nalang, Valentine's day na, tapos, sa day na 'yan panigurado, walang lessons, bawat class, kanya-kanyang booth, ewan ko lang samen, kung may balak kaming magtayo, pero parang wala naman eh.
Whole week, wala talaga kaming masyadong pagkikita tsaka pag-uusap ng barkada ko. Lahat kami eh busy, buti na lang dumating 'tong araw na 'to. Pahinga na rin, kahit bawal umabsent.
VALENTINE'S DAY
Buti nga at nakapagplano kami last week ng gagawing sorpresa ni Bestfriend. Kaya ngayong araw, imbes na magpalate ako, kailngan maaga kami.
"Bestfriend, buti nga dumating kana. Sinabihan ko na 'yung iba about sa plano, nasa pwesto na nga sila eh." Ayan agad ang sinabi sa'kin ni Ken.
"Ahh, ganun ba? Ito pala 'yung pinabibili mo." Tapos inabot ko na sa kanya 'yung Ferrero Rocher na ipinabili niya sa akin.
"Haaaay, Thank you Bestfriend, the best ka talaga."
"Oo naman, basta ikaw. Dalian niyo na, mag-ayos na kayo, mamaya rin andito na 'yung mga 'yun."
"Sige." Tapos iniayos na nila 'yung mga bagay bagay.
BINABASA MO ANG
Love's Journey.
Teen FictionLove is a long journey, are you willing to follow the signs? take the right path, or just go on to what's left? Tao lang po ang nagsusulat nito. And wala pong perfect na tao. I know may mga typo po ito, kaya pasensya na po :)