Ysabel Cua's POV
Third day na ngayon ng aming summer vacation at medyo naeenjoy ko naman, nakakalimutan ko na rin siya, kahit papano...
Pero inaamin ko, hindi ganun kadali ang lahat... kahit may Red na dumating...
Special si Red para sa akin, pero 'di talaga mapapantayan ang nafifeel ko para kay Matthew. At ayokong gawing rebound si Red, dahil ayoko siyang masaktan... Mabuti na siguro na hindi siya mafall sa akin or madevelop man kung ano man ang nararamdaman niya, kasi naalala ko sabi niya sa akin kahapon, gusto niya daw ako. At malaki ang pagkakaiba ng gusto sa mahal.
Gusto ko rin naman siya... Pero mahal ko si Matthew.
Actually, nasabi ko na sa kanya kanina na gusto ko siya. Pero naisip ko ngayon na siguro mali ang ginawa ko. Mali kasi, gusto ko lang siya.
It's like I'm using him for me to move on. O yun nga kaya ang ginagawa ko?
Naisip ko ring tama, kasi totoo naman eh, gusto ko naman talaga siya... kaso, ang mali ay ang ligawan niya ako.
Pero, ligaw lang naman di'ba? Pero kahit na! >.<
Sa mga ganitong oras, mas masarap mapag-isa kaya, lumabas ako, nagpaalam ako na maglalakad lakad lang, nag-offer pa nga si Red na samahan ako, kaso sinabi ko na gusto kong mapag-isa muna.
Gabi na rin kasi eh, pero 'di naman delikado dito sa resort na'to. SANA KASI, DI KANA LANG UMALIS MATTHEW!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Medyo natatawa nga ako eh, kasi pareho pa 'yung way nung makilala ko silang pareho. Haaaaaaaaaay. Pero iba talaga si Matthew, iba 'yung naramdaman ko kay Matthew, kasi, mahal ko siya. Kahit na napakaliit ng pagitang ng salitang GUSTO sa MAHAL... Iba pa rin ang nararamdaman.
Naalala ko nun, kapag magkatabi kami, parang aalis na sa dibdib ko ang puso ko sa sobrang lakas ng pagkabog... Parang mamamatay ako kapag kinakausap niya ako... Daig ko pa ang isang apple sa sobrang pula kapag kinikilig ako dahil sa kanya... Ibang saya ang nararamdaman ko kapag siya ang kasama ko.
Si Red, parehong saya ang nararamdaman ko sa kanya... kapag kasama ko mga kaibigan ko.
Masyadong magulo ang buhay ko ngayon, ewan ko kung bakit, kung paano... Lahat dahil lang nung umalis siya...
Napatingala ako, asan na kaya siya, noon, abot kamay ko lang siya, pero ngayon, milya milya na ang layo niya sa akin. Naalala ko noon, nung mga oras na kasama ko pa siya, kahit hindi siya past ng barkada, nafifeel ko presence niya. Kapag nagssleep over kami dati, tinitext niya ako na tignan ko daw 'yung stars kasi, isa daw siya dun at binabantayan niya daw ako... Ngayon kaya, ganun pa rin?
Summer nun, bago kami mag-second year, sabi niya, lumapit daw ako sa tubig at yumuko daw, tignan ko daw 'yung lalabas, yun daw 'yung babaeng mahal niya... Ngayon kayang nakatingin ako sa tubig, 'yun pa rin kaya ang mahal niya?
Naalala ko pa dati, sabi niya kapag malungkot daw ako, itext ko daw siya, kasi darating daw agad siya... Ngayon kaya kapag nagtext ako, darating kaya siya?
Masyadong malaki ang naging parte niya sa buhay ko... Wala na akong coach sa math kapag nahihirapan ako, wala nang magjojoke kapag malungkot ako, wala nang makikinig sa mga tulang isinusulat ko, wala nang makikinig sa mga kanta ko, wala nang makulit at papansin sa buhay ko... at higit sa lahat, makapagsulat pa kaya ako ng tula, ngayong wala na akong paglalaanan ng mga ito?
I know, it isn't too late para magbigay ng chance sa iba, pero magmahal pa kaya ang puso ko tulad ng pagmamahal ko sa kanya?
Mahirap magmove on, pero mas mahirap maglet go.
First thing to do is to let him go, in order for me to move on. PERO magawa ko kayang maglet go kung hindi ko alam kung dapat pa ba akong umasa at maghintay o dapat ko na nga kaya talaga siyang kalimutan... HINDI KO ALAM.
"Alam kong iniisip mo na naman siya... 'wag kang mag-alala, hindi kita pinipilit na mahalin ako, dahil alam kong mahal mo siya...Chance, tanging hinihingi ko sa'yo." Tapos tinabihan niya na ako.
"Sorry..." Yan lang nasabi ko...
Paano niya ba nalaman? Haaaaaaaaaaay... Mabuti sana na hindi niya alam eh >.<
"Ysabel, tutulungan kitang magmove on, sana tulungan mo rin ang sarili mong mahalin ako..."
___________________________________________________________________________
Ang korny po ng update sorry much T^T busy lang po talag ako, tsaka waaaaaaaaah >.< di ko feel ang emote, I mean, feel na feel? HAHAHAHAHAHa ewan nga. Basta si author inlove! LOL! Si ano, yieeee <3 si Jay! :P HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA :D
trivia: ginamit kong 'Jay' as name ng main character na boy kasi 'yun yung gusto na name ni Ano, ayaw niya sa name niya, pero NEVER ko pa siyang natatawag na Jay, as in name nya talaga kahit ayaw niya sa name niya xDDD
PS: Papagandahin ko na po update next chappy, PROMISE! Sorry po T^T
-- Lovelots <3 :* :)
BINABASA MO ANG
Love's Journey.
Teen FictionLove is a long journey, are you willing to follow the signs? take the right path, or just go on to what's left? Tao lang po ang nagsusulat nito. And wala pong perfect na tao. I know may mga typo po ito, kaya pasensya na po :)