Chapter 17

35 0 0
  • Dedicated kay Genevic Dino
                                    

Second week na ngayon ng aming Summer Class, at, Wednesday na din ngayon, so dalawang araw nang hindi pumapasok si Ysabel. Ano nga kaya ang nangyare?

Sabi ko na nga ba, nung Friday, may problema talaga... Tinitext namin siya at tinatawagan pero wala namang sumasagot. Nag-try din naman kaming pumunta sa bahay nila at ang sabi lang nung katulong, may sakit daw at ayaw magpa-istorbo. Haaaaaaaaaaaay. Ano kayang nangyare talaga sa kanya?

Kung ano man ang problema niya, sigurado, sasabihin niya din naman 'yun sa amin. Siguro, 'di pa ngayon...

Medyo gabi na rin, pero 'di pa ako makatulog...

*Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*

[Ysabel calling....] Yan ang lumabas sa screen kaya agad ko namang sinagot.

Ysabel Cua's POV

Ang sakit. Ang sakit sakit. Sobrang sakit.

'di ko alam kung paano ko sakanila sasabihin 'to. Kaya pala nung mga nakaraang araw, nagiging cold na siya sa akin, 'di niya na ako tinitext, tinatawagan, bihira na din siya mag-online sa facebook. Nainis ako nun, pero sabi ko baka nasa bakasyon lang siya. Pero hindi pala.

Nung friday... 'yun 'yung araw ng pag-alis niya. Hindi man lang siya nagpasabi. 'Dun niya na itutuloy ang pag-aaral niya... Ang sakit, kasi bakit kailangan niyang itago sa akin ang lahat ng 'yon? BAKIT?

Sana, sinabi niyang aalis na siya, hindi 'yung bigla niya na lang akong iiwan, walang kaalam alam, ni hindi man lang nakapagpaalam sa kanya. Kahit ang masilayan siya for the last time... wala. Nakakainis!

Pero naisip ko rin. Sino ba naman ako? 'di hamak na isa lang ako sa mga kaibigan niya. Mahal ko siya... At alam kong alam niya 'yun.

Kung iniisip niya, na sa paraang pag-iwas sa akin at biglaang pag-alis ay makakaiwas na masaktan ako, sa ginawa niya... mas nasaktan ako. Nasabi niya nga sa barkada niya, sa akin 'di niya man lang sinabi, o kahit nagbigay ng ano mang clue. Nakakainis talaga!

Apat na gabi na akong 'di makatulog sa kakaiyak. Ano bang magagawa ng pag-iyak na'to kung 'di naman siya mababalik ng mga luha ko? 'Di ko rin masabi-sabi sa mga kaibigan ko, kasi... baka hindi nila maintindihan...

Naisip ko bigla na tawagan si Gael.

Naalala ko nung araw na ipinakilala niya kami sa nanay niya, lahat ng kwento niya kay Han ay narinig ko, kaya... naisip ko na baka alam niya ang pakiramdam ng naiwan...

 [Hello? Ysabel, ano bang nangyare sa'yo, ha? bakit absent ka? may sakit ka daw? meron ba talaga? ano ba talagang nangyare? kelan ka ulit papa--]

"Chill lang Gael.. Hahaha. para kang baliw, andami mong tanong." natatawa kong sabi sa kanya.

[Eh ikaw kasi, antagal mong nawala namimiss kana namain, tsaka ang weird mo pa. Ano ba kasi talagang nangyare?]

"He left me, Gael..."

[Huh??]

"Iniwan niya na ako... iniwan na ako ni Matthew..."

[Pero bakit, kailan paano? wala akong maintindihan...]

"Gael, pwede patapusin mo muna ako?"

[ah, si-sige.]

"Ganito kasi 'yun... Nung mga nakaraang araw... nagiging cold na siya sa akin... walang text, tawag o kahit chat sa facebook.. wala... Nung magpaalam ako sa inyo nung friday... tinatry namin sana na abutan siya sa airport, pero 'di na namin naabutan pa... umalis na siya."

Love's Journey.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon