Chapter 15

26 0 0
                                    

After nung Valentine's day ay talagang hassle na. Busy na talaga, kasi puro deadline nung projects, puro habol na exams, basta, andami! Tapos may research pa -____- Akalain niyo 'yun kapag minamalas nga naman, dagdag sa trabaho pa 'yun.

Wala naman akong masyadong maikukwento dahil sobra as in sobra sobrang busy this week.  At ang dagdag pa sa stress ang ang rumors. -____- Pero pinapabayaan ko nalang.

Ito na rin ata ang last day ng exams namin, then first week of March ay kailangan na magpass ng requirements ng candidates for honors. Sana nga makasama ulit ako eh.

Sabado na bukas, at, salamat naman ay pahinga na.

Saturday

Walang dota ngayong araw, wala ring laktwatsa pati narin TV o kahit ano, kahit maglaro, text o facebook. Matutulog lang talaga ako buong araw at kakain ng kung anu-ano.

KAIN-TULOG-KAIN-TULOG.

Ganyan ang naging weekend ko. At, -______-

MONDAY. (Start of the 1st week before summer)

Busy pa rin, pero 'di na gaano, follow up projects and checking of exams lang naman this whole week. Buti nga, Medyo pagod pa rin talaga ako eh.

Bale, after Monday, free na ulit kami. Next week, High School Week na. So, wala ulit na mga gagawin, kumbaga, enjoy enjoy na, pero hindi para sa mga Candidates for honors, o ang Top 30 each year level. Pero mag-oorganize pa rin naman kami ng booth ng class para naman may pagka-busyhan 'yung iba na hindi nakasama.

Fortunately o Unfortunately ba ay hindi ako nakasama this year, ayos lang naman sa akin, kasi alam ko namang nakakapagod din, tatlo lang ata sa barkada ang nakapasok sa candidates for honors this year, sina Han, Ree at Kit. Kaya, kaming pito? Mag-eenjoy kami sa HS week. \m/

Actually, Friday na naman ngayon, at syempre, Monday na ang simula ng HS week. Napag-usapan na din naman ng class na isang movie house ang itatayo, para naman medyo malaki ang kita, 'yung short films lang 'yung ipapalabas namin, para naman makarami kami. Tsaka may schedule na din bawat araw kung ano 'yung mga ipapalabas namin.

Saturday. Kailangan namin pumunta ng school para sa pag-aayos ng room para sa Movie House. Scheduled din kaming pito na magbantay ng booth sa last day, kasi hinati na 'yung class, bale kaming pito nalang nagvolunteer sa last day, karamihan kasi ayaw sa last day kasi time nila para mag-enjoy. Kaya, kami nalang tutal horror naman 'yung mga ipapalabas, so okay lang. Ako na rin 'yung magdadala ng laptop, ako na rin nagdownload, gumawa ng add at tickets. Wala naman kasi akong ginagawa, tsaka bihira magtext at magfacebook kaya ako nalang 'yung nagpresenta.

Sunday. Printing na nung adds tsaka tickets. Actually, hindi lang 'yung para sa Friday 'yung adds at tickets na ginawa ko, kundi para sa lahat. Kaya naman nagpasama na ako sa siyam, namiss ko din kasi sila kasama eh.

"Grabe sungit, ang sipag mo naman, ginawa mo lahat yan?"

"..."

"Uy,"

"..."

Damn right, 'di ko siya pinapansin HAHAHAHAHAHA, ang sama ko ba? Kasi naman 'yung walo iniwan kami, may bibilhindaw, ewan ko kung anu-ano 'yung sinabi nila, habang ako todo reklamo kanina, ito namang kasama ko puro naman "Ah sige lang" ang sinasabi -___- di man lang umangal kaya naiwan tuloy akong kasama siya dito sa pinagpapaprintan namin.

Monday. Napag-usapan naming pito na maglibot libot sa campus after nung opening. Yung tatlo kasi nasa principal's office, whole week sila andun, so 'di nila maeenjoy HS week. Sayang nga eh. Panay kain at libot lang kami. Tapos minsan nangtitrip din, kasama namin 'yung tatlong makulit eh.

Tuesday. Ganon pa rin 'yung naging gawain namin. Pero this time, nagsstop over naman kami sa mga booth, halimbawa dun sa Video-oke booth, buong umaga andun kami, parang kami nga lang 'yung nakanta dun, I mean SILA pala. 'Di ako kumakanta. Tapos sa Dedication booth naman, nakikinig kami sa mga pinapasabi, padedicate ng songs para sa mga mahal nila, nangtrip din kami dun, 'yung kunwari "Babe, break na tayo, Juan 'to" tapos pinapasabi namin dun. O kaya naman "Pakihanap po ng puso ko, nahulog kanina nung makita ko si crush." Mga ganung trip.

Wednesday. Kakaiba naman 'yung trip naming ngayong araw, tumulong kasi kami sa pagpapapila sa booth namin nung umaga, tapos nung hapon naman, pinasukan namin lahat ng horror booths na nasa campus ang saya nga eh.

Thursday. Pinuntahan namin ang booth kung saan magpapaharana ka, tapos nagbayad kami dun, at tinuro 'yung terror na teacher namin at pinaharana ito. Nakulong din kami lahat sa jail booth kasi bawal pala 'yung tambay sa canteen, eh tumambay kami dun nung napagod kami, kaya pala kami lang 'yung tao. Nagbayad din kami sa Wedding booth, tsaka nila kinasal 'yung bading naming kaklase sa crush niya. Kilig na kilig naman 'yung baliw!

Friday. Kami na nga 'yung bantay sa booth namin, syempre nakikinuod na din kami, kami nga 'yung mostly maingay sa room namin, kaya todo sigawan din 'yung ibang nanunuod. Nagpadeliver na nga lang kami sa Jollibee ng lunch namin, may 1hour break naman kasi kaming mga tagabantay. Todo tawanan kami habang kumakain. Lagi naman ata ehh. Nung nagproceed na ulit 'yung booth, 2 last movies na lang. Syempre tuwang tuwa kaming nakinuod, libre pa!

Saturday. Pahinga ulit hanggang Sunday. Medyo nakakapagod kasi ang buong week. Andami nga pala naming pictures tapos isama pa 'yung sa photo booth na puro wacky pose lang. Tapos 'yung iba parang nalugi na pose. As in walang seryoso! -____- Inggit na inggit naman 'yung tatlo nung makita nila 'yung pictures na ipinost naman agad ni Cass. May hired na photographer pala ang loka! seryoso. Walang ni isa ang nagpipicture sa amin kaht sa cellphone, pero meron pala siyang hinire na tagasunod -___- Rich kid eh, kaya ayun, puro stolen photos nung kalokohan namin.

Monday. (last week before summer)

Busy na ulit kami. Clearance. Patapos na kasi SY yeah! Hello Summer! \m/

Friday 'yung schedule nung Recognition nila, tuwang tuwa naman kami kasi si Han 'yung first honors. Kahit na hindi nakasama sa Top10 'yung dalawa, lahat naman kami ay masaya.

Friday. Nakinuod din ako, support! \m/ 'Yung iba naman nakakuha nang special awards. Actually lahat naman ata kami nakakuha ng special awards kaya kailangan kami sa Recognition day.

Celebration namin ay sa bahay nina Han.

Tapos. waaaaaaaah! SUMMER NAAAAAA!

-- end of Chapter 15 --

Pasensya po sa update T^T

-- Lovelots <3 :* :)

Love's Journey.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon