Chapter 11

30 0 0
                                    

Inah Gael de Ramos' POV

Ang saya saya ng New Year koooo! 'di kami natulog eh, kwentuhan kami ng kwentuhan, habang sina kuya at tito ay nag-iinuman. Tumawag pa nga si Jay para bumati eh, effort masyado noh? 'Yung iba nagtext lang sa'kin. Tapos si bestfriend naman eh nagpost lang sa facebook.

Haaaaaay. Jan. 3, pasukan na naman -____- Nakakainis! Pero okay lang, malapit na rin naman kasi magtapos eh, sabi last week of February daw ay mag-eexam na kami, eh 'di after nun tambay nalang kami sa school, pwede na daw namin gawin lahat ng gusto namin, kaso kailangan pa rin pumasok kasi 'yung attendance namin.

Bukas, last day na ng bakasyon, haaaaaaaaay, Ano ba 'yan, medyo nakakabitin pero ayos lang!

6pm

'Di ko namalayang gabi na pala. Kaya bumaba na ako, nakita ko naman si Tita na busy sa kusina ang daming niluluto? o.O

"Tita, ano pong meron?" Tanong ko sa kanya.

"Secret, halika, tulungan mo nalang ako."

"Secret? Tita, asan po sina tito?"

"May pinuntahan lang, sige ayusin mo na diyan sa mesa kasi pagbalik nila, kakain na din tayo."

"Okay po." Inayos ko naman 'yung hapagkainan ng medyo naguguluhan. Ano kayang meron?

7pm

Narinig ko nang tumigil na nga 'yung sasakyan ni Tito, kaya diretso naman ako takbo palabas.

"MAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!" Agad na sigaw ko nung makita kong bumababa si mama sa kotse ni Tito! 'Di man lang nagpasabi! -___- Kaya pala 'di tumawag kahapon.

"Naku, ang ingay mo anak!" Tapos binatukan niya pa ako! Si mama talaga! Buti nga nagbalik na 'yung dating siya :)

"Eh kasi, miss na miss na kaya kita! Akala ko matagal ka pang uuwi?"

"Bakit ayaw mo ba?"

"Syempre naman ma, gusto!"

"Oh, maya-maya na kayo magkwentuhan at naghihintay 'yung pagkain sa loob."

"Oh sige ate." sagot naman ni mama.

Pumasok kami sa loob. Grabe, ang saya-saya ng taong 'to! Umuwi si Mama! Yeheeeeey! Last ko ata siyang nakasama is 'nung 9 pa ako? Pero 'di kami ganito dati, na 'yung parang magbarkada lang.

Pero, past is past, ang mahalaga! Yeheeeeeey! Bumalik na talaga ang dating si mama. :))) Ang saya lang talaga, ayun nagkwento naman ako, ng nagkwento. Grabe, nakakamiss si mama, 'dun nga sana siya sa guest room nina tita, sabi ko tabi nalang kami sa kwarto ko! \m/

"Nga pala anak, gusto ko sana makilala 'yung mga kinukwento mo sa'king mga kaibigan mo."

"Ahh sige po ma, sabagay, si Cass palang 'yung kilala mo."

"Oo nga eh, sige maghahanda kami ng tita mo sa Saturday, papuntahin mo sila dito ahh?'

"Isama mo na 'yung manliligaw mo Inah." Katsyaw ni kuya. Tinignan ko naman siya ng Humanda-ka-kuya-papatayin-kita-look. Tapos nagtawanan sila.

"Ma, wala po akong manliligaw! Niloloko lang po kayo nina Kuya."

"Oh, anak, defensive much? Wala pa akong sinasabi ahh."

-____________- Tumahimik nalang ako at lumamon. Tsssk.

Jan. 3 - Monday.

Pasukan na naman -____- Haaaaaaaay, maaga akong umalis sa bahay, hinatid naman ako ni Tito kasama nina kuya.

Ayun boring lang naman, masyadong busy 'yung iba, kwentuhan, kwentuhan. Ako, tahimik lang sa gilid, antok pa kasi ako ehh.

Nagkwentuhan din naman kaming pito, hanggang sa sumali na din sa tatlo 'yung kwentuhan, himala nga, medyo tahimik ngayon si popular guy. Ano kayang nangyari sa kanya? -___- Well, hayaan nalang, binigay din naman sa amin ni Ken 'yung mga pasalubong niya. Key Chain na may mga names namin, ang galing nga kasi metal! Ang ganda *U*

Friday.

Friday na ngayon, parang lumipad lang 'yung oras eh. Kasi, lesson lesson lesson, walang katapusang lesson. -____- Buti nga ay Friday na, so bukas, party party naaaaaaaa! \m/

"oi 'wag niyong kakalimuta bukas ahh?" Paalala ko sa kanila habang papalabas ng room namin, iisang section lang naman kasi kaming sampu ehh. Talagang part na ng barkada 'yung tatlo ehh.

"oo naman yes!" Sagot naman ni Josh, na sobraaaaang energetic talaga ever! Tapos nagsiuwian na kami, andito na rin kasi si Tito.

Saturday

'Nak, gising na, mamamalengke lang kami, nasa baba na 'yung almusal, andun din mga kuya."

"Ah, sige po ma." sagot ko habang naaalimpungatan pa.

"excited na ata 'yung prinsesa natin ahhh." Bungad ni Kuya John pagkababa ko. Mang-aasar na naman ang mga 'to panigurado, kaya 'di nalang ako sumagot tapos, nag-almusal na lang.

Naglinis nalang ako ng bahay para mamaya, baka kasi magsidatingan na ang mga 'yun. Buti nga ay tinulungan ako nina kuya na maglinis.

3:00 pm

Nagsidatingan na sila. Pinapasok ko naman agad, mamaya ko nalang ata sila ipapakilala kay mama, busy pa kasi sila ni Tita sa paghahanda sa kusina eh, nakipagkulitan naman 'yung tatlong lalaki sa mga kuya ko habang 'yung girls naman busy sa paglalaro sa mga gadgets ko, ipinahiram ko kasi sa kanila eh.

"Anak, meryenda muna kayo dito." Tawag sa amin ni mama.

"Opo ma." Tapos tinawag ko na sila papunta sa dining area. Isa-isa ko naman silang ipinakilala kay mama. Tuwang tuwa nga si mama sa kanila eh, 'di niya daw ineexpect na maiingay mga friends ko. Tapos kinwento naman nila kay mama mga kalokohan ko sa school -____-

Dito nga rin pala sila matutulog. Dalawa naman kasi 'yung guest room dito, kasi malaki kung sa malaki naman talaga ang bahay nina tita.

Nung gabi na, panay kwentuhan kami, tapos sinet-up na ni Tito 'yung sa Magic sing. Ayun, kantahan sila, OP mode ako, 'di ako kumakanta eh. Pero dahil baliw mga kaibigan ko, gagawin lahat para lang makakanta ako.

"Oh, para fair, papaikutin natin 'yung mic, bale, si Tito ang magsstop nung kanta, kung kanino tumigil, siya kakanta nung kantang andun, bawal pumili, okay ba?" Suggestion ng napakabaliw na si Ree.

Tuwang-tuwa silang um-oo sa suggestion niya, kaya, ganun nga ang nangyare. -_____-

swerte ko na lang, 'di pa ako natitigilan nung mic! BWAHAHAHAHAHAHAHAHA. :D

Pati sina mama kasali, kaya ayun, tuwang tuwa kami sa pagkanta nina Kuya. Pare-pareho kasi tono ng mga voice namin eh. Hanggang sa..

"Gael! Ikaw na!" 'Di ko namalayang hawak ko pala 'yung mic nung tumigil. Wala naman akong magawa, palakpakan pa nga sila.

Pero, pagtingin ko sa Screen, Bat ganun 'yung kanta? Ba't 'yun paaaaaaaaaaaa????? TT^TT

-- end of Chapter 11 --

Medyo mahabang Chapter. :)) Abangan bukas ATA 'kung ano bang kanta ang natapat kay Gael. Nagsisipag po si Author kaya medyo mabilis mag-update xD

BE A FAN. COMMENT. VOTE.

-- Lovelots :) :* <3

Love's Journey.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon