Finally. Summer na din. Haaaaaaaaaaay! Ito talaga 'yung inaantay ko. Sa wakas! Makakalayo din ako. Mwuahahahahahahahahahaha isang tawag lang inaantay ko ngayon, tapos, KABOOOOM! Aalis na ako! \m/
Sabi kasi ni mama, tatawag na lang daw siya kapag pupunta na ako dun sa kanya, pero para magbakasyon lang naman, pag-college pa ata ako pupunta dun sa kanya for good eh.
Mag-iisang linggo na rin naman ang bakasyon. At di pa naman kami nagkaaayaan na lumabas, bakasyon o kahit ano, 'di ko din alam kung magsa-summer class ang barkada, pero sorry nalang, aalis ako! HAHAHAHAHAHA. :D
Ang tagal nga ni mama na tumawag eh. -____-
*riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*
YES! Ito na ata ang inaantay kong tawag.
"Hello?"
"Hello! Bestfriend!"
"Oh Bakit?" 'di pa pala ito 'yun -_____-
"Wala lang, kamusta?"
"Ito maayos naman, napatawag ka?"
"Labas sana tayo." Labas? kami lang? o.O uhh... bigla naman akong kinabahan... bakit ba? o.O
"Huh? Saan tayo pupunta?"
"Beach tayo. 'dun sana sa rest house nina tita, maganda 'dun tayo-tayo lang."
"Eh? Ganun ba? Uhm, pwede next month na lang? Kasi ano eh, aalis ako, tsaka akala ko ba magsa0summer class kayo?"
"Ah, oo nga noh! Sige, next month na lang... kapag sinagot niya na ako."
"Ah-ah-eh, uhm. Oo naman! Oo, syempre, Oo, kapag ano, kapag kayo na! Para celebration! Sige, bye." Tapos binaba ko na agad. Kung sakali man... sana kapag nangyare 'yun wala ako dito.
Haaaaaaaaaaaaay, si mama naman kasi! Antagal naman tumawag >.< Nakuuuuuuuuuu. Pag-ako 'di nakaalis lagot na. >.< Waaaaaaaaaaah Ayokoooooooooooooo! TT^TT
After 1 week.
Haaaaaaaaaaay, isang linggo na, at, nakatawag na din si mama. TT^TT 'di nalang daw ako pupunta doon. Masyado daw siyang busy this summer, tapos, magsummer class na lang daw akoooo T^T kaya tinext ko nalang sila.
To: Mga Baliw (Group name po nung 9 sa phone ko.)
Uy, 'di na po ako aalis, kelan ba summer class, mag-aattend na lang ako.
-- end --
Nagreply naman agad sila about sa details, at bukas din ay simula na nung summer class na 'yun -____- Haaaay, kakabagot, 3 weeks lang daw 'yun eh, half day half day ata. Ay ewan, basta papasok lang ako.
Nakuuuuu talaga. Ayoko sana ehh, kaso sayang naman 'yung baon, tsaka wala naman akong gagawin sa bahay, Sina kuya Greg at kuya John, may work na, samantalang si Kuya Ryan, na lagi ko sanang kasama, eh wala naman, busy na 'yun kasi next year college na din, kaya no choice na ako.
Kinabukasan.
1st day ngayon ng aming summer class, actually, 15 students lang kami, at kami 'yung sampo. Kung anong subject? Trigo. Meron na daw kasi next school year, kaya math. T^T kahit naman magagaling na 'yung tatlong boys sa math, siguro nanghinayang din sa baon. HAHAHAHAHA >:D
Astig naman pala ang Trigo eh. Medyo mahirap pero maayos naman, kasi okay naman 'yung teacher namin, magaling magturo, kaya madali kong magets.
Ganun din naman sa mga sumunod na araw, half day lang 'yung class namin, umaga lang lagi. Kaya kapag hapon, minsan lumalabas-labas din naman kami. Minsan, kumakain kami sa labas, o kaya nag-aarcade sa mall. Ganun. hehehehe. Gaya ngayon.
"Guys, baka 'di ako makasama ngayon." -- Ysabel
"Bakit? Starbucks sana tayo." -- Ree
"Oo nga, wala kang pera noh?" -- pagbibiro naman ni Josh
"'Yan walang pera?" -- Kit
"Oo nga, 'yan wala? Suuus, baka naka-budget na sa Load! :P" -- Aira
"O baka naman pang dota?" -- Ako. Tapos tinginan sila sa akin ng Seryoso-ka-ba-sa-sinasabi-mo-look
"Oh, chill lang, papatayin niyo naman sa tingin 'tong si sungit." -- Jay. Tapos umakbay pa.
"Oh, teka pare, hands off naman sa bestfriend ko!"
"Hands off ka diyan, eh ikaw nga kay Kit! Ano --" -- Han
Napatigil siya kasi tinignan siya ng masama ni Kit.
"Hala, nag-blush on si Kit ooh!" -- Cass.
"Tama na nga, kung saan saan na nakaabot 'tong usapan natin eh. Aalis na nga ako, importante lang, next time talaga."
"O sige na nga. Alis na!" Pagtataboy ni Cass.
Kaya andito kami ngayon, sa Jollibee. HAHAHAHAHAHAHA Joke lang 'yung Starbucks kanina, mas trip namin ang jollibee ehh. Kunwari Starbucks kanina para 'di umalis si Ysabel, pero 'di papigil ehh. Ang ingay na naman namin dito. HAHAHAHAHA buti na lang wala nang masungit, dati kasi napagalitan kami dahil sa ingay namin.
Pero napapaisip ako... may mali kasi ehh. Medyo tatahi-tahimik nung mga nakaraang araw si Gael. Ewan ko, ano kayang nangyare? Napansin ko rin na minsan niya lang kung hawakan 'yung phone niya. May mali talaga.
-- end of Chapter 16 --
Waaaaaaaaaaaaah >.< Antagal ko lang mag-update XD
Sorry po, kung sakali mang may nag-aantay ng update, kung sakali lang :)
-- Lovelots <3 :) :*
BINABASA MO ANG
Love's Journey.
Fiksi RemajaLove is a long journey, are you willing to follow the signs? take the right path, or just go on to what's left? Tao lang po ang nagsusulat nito. And wala pong perfect na tao. I know may mga typo po ito, kaya pasensya na po :)