Chapter 27

36 0 2
                                    

PS tinatamad po ako mag-POV ng kahit na sino, kaya.. here, hahahaha gagamit ako ng third person's POV

Sa mga nakalipas na mga araw ay naging sobrang mahirap para kay Gael ang makitungo sa kanyang barkada... Kaya, simula nung araw na iyon ay 'di siya sumasama sa lakad ng barkada. Isang linggo rin ang lumipas, at pasukan na ulit. Siguro'y mas lalo itong mas naging mahirap para sa kanya dahil na rin sa classmates sila, at bestfriends, at the same time.

Mahirap nga ba ang mainlove sa bestfriend? Siguro... Sobra.

Mali nga ba ang mainlove sa bestfriend? -- Paulit ulit na tumatakbo sa isipan ni Gael. Isang tanong, na siguro'y nasagot na nung kaarawan ng bestfriend niya.

Walang mali sa pag-ibig... Siguro nga'y mahirap magmahal sa isang bestfriend, dahil gaya ni Gael na ngayo'y nasasaktan, dapat sinasabi niya ito ngayon sa bestfriend niya... Kung ikaw ba, maglalakas loob kang sabihin ito sa kanya?

Dalawa lang naman kasi ang pagpipilian sa ganyang sitwasyon, ang ipahayag mo ang iyong nararamdaman, ngunit masisira ang pagsasama niyo (depende) o itatago mo lahat ng sakit, para lang hindi mawala ang inyong pagkakaibigan.

Pilit niyang kinakalimutan ang nararamdaman niya, pero hindi niya naman magawa. Hindi naman kasi isip ang nakakaramdam, puso, hindi siguro alam ng puso kung paano ba makalimot.

Ilang araw din siyang nagkulong, umiyak, nagmukmok. Text, facebook o kahit ano mang koneksyon sa kanila ay panandalian niyang pinutol. Akala niya kasi, makakalimutan niya lahat... pero 'yung tinik? Lalo lang lumalim.

 Wala namang magawa ang kawawang si Jay. Nagmumukha ng tanga, tuloy pa rin siya. Ginagawa niya lahat, siya ang sumasagot sa tanong ng barkada kapag 'di na talaga alam ni Gael kung ano ba ang nangyayari sa kanya.

Mahirap din ang kalagayan ni Jay ngayon dahil kung masakit ang magmahal sa taong hindi ka mahal, mas masakit siguro ang ipagtabuyan ka palayo ng taong mahal mo.

Halos araw-araw ay nagtitiis si Jay sa kahihiyan at pagsigaw nang lalong sumungit na si Gael.

"Umalis kana!" sigaw nito isang araw habang nasa canteen sila. Pero hindi ito ginawa ni Jay. Matigas ang ulo eh. Nginitian niya lang ito at ipinagpatuloy ang pagkain. Wala namang magawa si Gael kundi ang tumahimik na rin.

"Bingi ka ba? Sinisigawan na kita kanina pa, hindi ka pa rin umaalis!"

"Magsalita ka nga!"

"Bingi ka na, pipe ka pa?"

"Gael, walang pipe o bingi sa pag-ibig, tanga, marami, at sinasabi ko sa'yo na isa na ako dun." Sagot naman ni Jay sa kanya. Wala uling naiimik si Gael.

Bakit ba kasi tayo nagmamahal ng iba kahit nasasaktan na, eh meron din namang iba na nanghihintay lang na mapansin at mahalin natin. Hindi ko rin alam...

Nababahala na rin ang iba sa barkada, pero wala naman silang magawa... Nasanay kasi silang laging nagbabangayan ang dalawa, kung baga, natural na ito.

Lumipat na rin pala sa school na pinapasukan nila si Red. Kaya't lalong naguluhan si Ysabel. Si Troy ay hindi na lumipat kasi graduating na rin naman siya. Nagstart namang maging busy ang barkada dahil 'yun nga third year na sila.

Bakit kasi 'di maintindihan ni Gael na sa panahon ngayon ay walang ibang makakaintindi sa kanya kundi si Jay? Two weeks na rin mula nung magpasukan pero wala pang ibang nakakaalam na nililigawan ni Jay si Gael.

Masyado pang magulo ang sitwasyon... para sa kanilang dalawa.

Nailipat din sa section nila si Kent kaya naman lahat sila ay pinagsama-sama sa iisang section na. Isang araw naisip ni Jay na humingi na ng tulong kay Ken, medyo nagdalawang isip pa siya kasi nasaktan nga ni Ken si Gael, pero, wala eh, kung may lubos na nakakalilala kay Gael sa lahat, siguro si Ken na iyon.

"Pare, this time pwede ko bang mahingi ang tulong mo?" Tanong nito kay Ken.

"Sige ba! Anong tulong ba kailangan mo pare?"

"Panliligaw...kay Gael."

"Finally! may lakas ng loob ka na ngayon!"

"Oo eh, kaso lagi niya na lang akong pinagtatabuyan."

'Hayaan mo muna siya pare, 'wag mong kukulitin, patapusin mo 'tong June... 2 weeks na lang naman eh."

"Bakit ko naman gagawin 'yun?"

"Kasi hahanapin ka rin naman niya after, ganyan 'yan."

"Ganun ba? Sigee, salamat."

Susundin kaya niya ang payo ng kaibigan? Kaya niya bang layuan ng ganun na lang si Gael?

-- end of Chapter 27 --

K. Ang pangit ng updaaaaaaaateeeeeeeeeee! SORRY TT^TT Hayaan niyo po, update agad ako ng Chapter 28. HAHAHAHAHA Peaceeeeeee! ^__^V

-- Lovelots :) :* <3

Love's Journey.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon