"Hoy, Epal! Bitawan mo na nga ang kamay ko. Pinagtitinginan na tayo," sita ko sa kanya. Aba! C-in-areer niya talaga na kaladkarin ako papuntang canteen. At dahil maganda nga ako at lahat ng boys na nadadaanan namin ay may gusto sakin, head turner na naman ako.
What the! Ngayon ko lang naisip. Kung lahat ng boys may gusto sakin, maliban kay Bryan, it means na may gusto si Epal sakin. Syet lang!
"Ayaw mo ng holding hands? Sige," lumapit siya sakin. Halos magdikit na talaga ang mga balat namin dahil sa sobrang lapit namin sa isa't-isa. Inakbayan niya ako. "Ito. Okay na ba?" ngumisi pa ang Epal. In all fairness, may maskel ang biceps niya. Parang ang sarap niyang dilaan. Fuck. Ano ba 'tong pinag-iisip ko. Hindi ito maari. Hindi.
Dahil sa pagkakaakbay ni Epal sakin, naramdaman ko na naman ang mga nanlilisik na mata mula sa mga babaeng nadadaanan namin. Siguro mga may gusto kay Epal kaya tinitingnan ako ng ganyan. Mga impakta! Wala akong ginagawa kung bakit nakaakbay sakin si Kienth the epal king. Siya sisihin niyo.
"Oh natahimik ka? Kinilig ka, nuh?" tumawa siya. "Sabihin mo nalang kasing may gusto ka sakin," at ngumisi naman siya.
"Kung tahiin ko kaya 'yang bibig mo para hindi ka na makangisi ng ganyan?"
"Okay lang. Gagawin at tatanggapin ko lahat ng gusto mo. Basta para sa'yo," hinigpitan niya pagkakaakbay niya sakin at nilalapit niya ang mukha niya sakin. Huwag mong sabihin... hahalikan na naman niya ako.
'Gusto mo naman mangyari. Hindi ka nga nakatulog dahil 'don.' sabi ng isip ko.
Che! Tigilan mo nga ako.
"Oy! Ano ba, Kienth! Ilayo mo nga 'yang mukha mo, ayokong ma-issue," tinulak ko ang mukha niya palayo sakin. Naririnig ko naman ang mga chismoso't chismosa sa gilid ng hallway na halatang kami ang pinag-uusapan.
Nasa tapat na kami ng pinto ng canteen kaya nnauna na akong pumasok. Takot ko lang na kung ano na naman ang gagawin ng Epal na 'yon ang lakas pa naman ng trip 'non.
Narinig ko lang siyang tumawa at naramdaman ko na naman ang presence niya sa tabi ko. Napapansin ko na talaga na napapadalas na ang paglapit niya sakin.
"Sorry na, wifey," at inakbayan na naman ako. "Anong bibilhin mo? Ako na bibili ng pagkain mo," tanong niya sakin na alam kong narinig 'din ng mga tao na malapit sa kinatatayuan namin. "Maghanap ka nalang ng mauupuan natin," ngumiti pa siya. Pero hindi katulad nang kanina na nang-aasar... parang ang sincere. Che! Ano na naman ba 'tong iniisip ko. Erase. Erase.
"Anong wifey pinagsasabi mo diyan? Tigilan ko nga 'yang panti-trip mo. Atsaka isang cheese burger at pineapple juice sakin," iniwan ko na siya sa pila at tiningnan ko ang mga tables kung may bakante pa.
"Wala namang problema kung tatawagin kitang wifey. Girlfriend naman kita," pahabol niya.
Napalingon ako bigla sa kanya. Take note, nakanganga at nanlalaki pa ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Magsasalita na sana ako nang bigla nalang tumahimik ang canteen at ilang saglit lang ay naririnig ko na ang pangalan ko at pangalan ni Epal. Syet lang. Lagot ka talaga saking Epal ka pag-uwian natin. Ano nalang sasabihin ni Bryan sakin pagnalaman niya 'to. Baka isipin niya na nagchi-cheat ako sa kanya.
Naramdaman ko nalang na may umakbay sakin mula sa likuran ko. Iginiya niya ako sa isang bakanteng table. Sino na naman 'to? Ang lakas ng loob na umakbay sakin. At sa ikalawang pagkakataon nanlaki na naman ang mata ko. Syet! Si Bryan pala.
"So totoo pala ang naririnig ko kanina na kayo na ni Kienth," bulong sakin habang naglalakad kami papunta sa table.
"Ha-ha?" wala sa sariling sambit ko. "Hindi 'yon totoo. Pinagti-trip-an lang ako ng Epal na 'yon. Huwag ka maniwala 'don."
BINABASA MO ANG
Diary ng Assuming (Editing)
Humor[Highest Rank Achieved #128] Si Plax ay isang dakila, certified, proven and tested na assuming. Tingin niya sa kanyang sarili ay siya ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa at ang lalaking kanyang magugustuhan ay may gusto rin sa kanya. Hindi la...