Assume 20

62 2 1
                                    

"Naniwala ka naman, Bro?" Inakbayan niya ako. "Hindi ko iiwanan ang Baby ko sa iyo," ngumisi siya.

Naaamoy ko ang hininga niya. Pati ang pabango na gamit niya. Ang bango niya. Shet lang. Nakaya ko pa talagang mag-isip ng ganito sa gitna ng sitwasyon ngayon.

"Gaya nang sabi ko kanina, magde-date pa kami." Tiningnan niya ako. "So, tara na!" Hinatak niya ako papunta sa hagdan.

Bago pa man kami makababa ay hinawakan ako ni Epal sa kamay. Ang higpit ng pagkakahawak niya rito.

Nilingon siya ni Bryan. Nakangisi parin siya kahit na masama ang tingin ni Epal sa kanya.

Hinatak ako ni Bryan palapit sa kanya. Hinatak din ako ni Epal. Ako ang naloloka sa kanilang dalawa.

"Teka lang! Masakit na ang braso ko. Pwede bang huwag niyo akong pagtripan sa paglalaro niyo ng tag of war. Hindi ako lubid." Tumigil naman sila.

"Sorry, Wifey/Baby!"

"Ano ba talagang plano niyong dalawa? Hindi ko kayo maunawaan." Pinaypay ko ang kamay ko sa may leeg ko. Gindi ko kakayanin ang dalawang ito. Nagsisisi tuloy ako kung bakit naging dyosa ako. Sakit sa bangs kahit wala akong bangs.

"Magde-date tayo." Sabay pa nilang sagot.

"Teka. Sino ba sa inyo?"

"Ako." Sabay na naman nila. Shet lang talaga. Walang nagpapaawat sa kanilang dalawa.

Gusto kong sumama kay Bryan. Pero ewan. Parang gusto ko rin samahan si Epal. Bwisit naman ito, oh. Kung hindi pa umepal si Kienth, siguradong tuloy na ang date namin ni mylabs.

"Sa akin sasama si Wifey." Hinablot niya ang kamay ko at hinatak palapit sa kanya. Sumubsob ako sa dibdib niya. Kumapit ang braso niya sa beywang ko.

Ang tigas. Ang bango pa niya kahit napapawisan na siya. Napakalalaki ng amoy niya tapos humalo pa ang pabango niya. Ano kaya ang gamit niyang perfume? Ang sarap kasi sa ilong.

"No. She's coming with me. Ako ang unang nagsabi sa kanya na magde-date kami." Lumingon ako sa kanya. Akmang hahatakin niya ako mula kay Epal pero hindi niya nagawa. Hinarang kasi ni Epal ang sarili niya sa akin, nakaharap ang likuran niya kay Bryan.

"Umalis ka kanina kaya sa akin na siya sasama. Kaya umalis ka na, Bro," seryosong sabi ni Epal.

"No. Hindi ako aalis nang hindi ko kasama si Baby."

Ilang oras pa silang nagsagutan. Hindi ko na nga alam kung ano na pinagsasabi nila. Kung saan-saan na kasi umaabot. Sa huli, walang nangyari. Nandito parin kami sa loob ng tree house.

Nilantakan ko nalang ang dalang snacks ni Epal. Iba't-ibang kulay ng cupcakes ang snack na dinala niya. Homemade ata ito kasi wala iyong parang papel na nilalagay dito.

Hindi sila nagpapansinan.

***

"Baby, tingnan mo ito." Tumingin ako sa kanya. Nakaupo siya sa lapag, naka-cross ang mga ginti niya. May hawak siyang isang photo album. "Upo ka rito," t-in-ap niya ang kanang kamay niya sa sahig sa tabi niya.

Tiningnan ko muna si Kienth kaso wala siya sa inuupuan niya kanina. Hindi siya mahagilap ng mga mata ko.

Tumayo ako't lumapit sa kinaroroonan niya.

"Naaalala mo pa ba ito, Baby?"

Tiningnan ko ang tinuturo niyang picture. May limang bata na masayang naglalaro - tatlong batang lalaki at dalawang batang babae - na sa tingin ko nasa park kasi may swing sa likuran nila. Inilapit ko ang mukha ko sa photo album para makita kong mbuti ang mga mukha ng mga nasa litrato. Nanlaki ang mga mata ko. Teka lang. Kailan ito kinunan? Bakit hindi ko matandaan na may picture kaming lima? Hindi naman malabo ang tingin ko para pagkamalan na hindi kami ni Mae ang dalawang batang babae at si Epal, Bryan at Jaymarkent ang nasa picture.

Diary ng Assuming (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon