Assume 1

1.7K 38 12
                                    

       Ayoko na talagang magpaiwan dito sa bahay kapag may lakad ang pamilya namin. Gusto ko lang naman talagang matulog kaya ako nagpaiwan eh. Pero hindi rin ako makatulog dahil ako pa ang pinabantay ng tindahan namin. Aist! Wala naman akong magagawa dahil wala dito si yaya, day off niya ngayon. Like hello! Sunday kaya ngayon, family day. Kaya nga pinabantay ako ng tindahan na nagsilbing parusa ko sa hindi pagsama sa lakad ng pamilya.

       Kunin ko na nga lang tablet ko magpapamusic nalang ako. Kinabit ko na ang headset sa tenga ko.

       ~Its her hair and her eyes today

       That just simply take me away

       And the feeling that I falling further in love

       Makes me shiver but in a good way~

       Sinabayan ko ang kanta. Favorite song ko kasi 'to eh. Pumikit ako at nilabas ko ang napakaganda kong boses. Wag na kayong umangal maganda talaga boses ko.

       ~All the times I have sat and stares

       As she thoughtfully thumbs through her hair~

       Ang ganda talaga nito sana may kumanta nito sakin.

       And she purses her lips, bats her eyes as she plays

       With me sitting here slack jawed and nothing to say~

       Huminga muna ako ng malalim. Ibibirit ko na ang chorus.

       ~Cause I love her with all that I am

       And my voice shakes along with my ha-~

       "Excuse me miss." Bwisit sino ba 'tong epal sa pagkanta ko? Feel na feel ko na nagcoconcert ako eh bwisit talaga. Tiningnan ko yong epal sa pagkanta ko nasa labas kasi siya ng tindahan.

       "Anong kailangan mo?" pagsusungit ko sa kanya.

       "May gusto kasing manghingi ng number mo miss," ngumiti pa ang epal kung alam lang niyang gusto ko na siyang tisirin ng buhay. Pinapatay ko na nga siya sa isip ko eh kung ikaw kaya feel na feel mo na ang pagkanta tapos may eepal? Tingnan lang natin kung anong gawin niyo.

       "At sino naman?"

       "Yung kaibigan ko."

       "Eh yung kaibigan mo pala ang gustong manghingi eh siya dapat ang pumunta rito," ang swerte naman nun kung ibibigay ko kaagad number nuh.

       "Eh nahihiya daw siya eh," sabi ni epal sabay kamot sa ulo.

       "Nahihiya? O sadyang pangit lang talaga siya para hindi siya mismo ang manghingi?" Baka pangit yun dahil hindi siya mismo ang manghingi. Kung ganun nga hindi ko talaga ibibigay number ko over my dead body bahala siya.

       "Ang dami mo pang arte miss. Bigay mo nalang number mo," aba at ako pa maarte?

       "Di ko ibibigay number ko pag di siya nagpapakita sakin baka pangit talaga yang kaibigan mo," pag-iinarte ko pa. Bahala siya sa buhay niya.

       "Basta bibigay mo number mo pag nakita mo siya ah," sabi niya at aba nakangiti pa ang epal.

       "Depende kung may mukha siya," sagot sa kanya. May tinuro siya sa may poste. Di naman kalayuan yung poste nasa kabilang side ng daan lang naman which is katapat lang ng tindahan namin.

       O_O

       Nagsmile at kumaway pa ang lalaking nasa poste. Sh*t ang gwapo! What to do? What to do?

Diary ng Assuming (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon