"Salamat, Mae."
Inabot ni Mae sa kanya ang bag ko. So, magkasundo pala sila. Hindi ko pa napansin na nakasunod siya sa akin.
"No problem, Kienth," aniya at tiningnan ako. "Have na great day ahead, Plax," tumawa siya ng pagkalakas-lakas, umiral na naman ang pagiging loka-loka.
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "Ano ibig mong sab-" hindi ko natapos ang sasabihin ko.
"Wala tayong pasok ngayong umaga. Tara na baka maunahan na naman ako," hinawakan niya kamay ko at kinaladkad.
"Saan tayo pupunta?"
"Basta."
***
"Anong gagawin natin dito?" Tanong nang pumasok kami sa Mcdo.
"Malamang kakain kaya nga nasa fast food tayo," aniya, nakahawak pa rin siya sa kamay ko. Parang wala siyang pakialam na may makakita sa amin na magkahawak kamay. "Nagutom ako."
Lumapit siya sa counter. Nakasunod lang ako, ayaw kasi niyang bitawan ang kamay ko. Tinry ko kanina na bawiin ito pero hinigpitan niya lang ang pagkakahawak niya rito.
"Two chicken fillet, two large fries and two caramel sundae," sabi niya sa babae na nagbabantay sa counter.
Walangya. Kung makangiti naman si Ate, ang landi. Tss.
"Ano drinks niyo?" Tanong niyo na halatang nagpapa-cute kay Epal.
"Sprite, Ate," sagot ko sa kanya.
"Dine in or take out?" sabay kindat niya.
"Dine in, Ate," mataray na sagot ko sa kanya. Nakakainis kasi. Ang lakas niyang manlandi. Hindi niya ba nakikita na magkahawak ang kamay namin?
Napansin ko na nagpipigil ng tawa si Epal. Sinamaan ko siya ng tingin.
Aba! Hindi man lang ako pinansin. Kinuha niya ang wallet niya sa likurang bulsa ng slacks niya. Inilagay niya ang bayad sa counter. Kinuha ito ni Ateng cashier at binigay kay Epal ang sukli, inabot niya ito kay Epal.
Kinabig ko ang kamay ni Epal, ako ang kumuha ng sukli at binigay kay Epal. Sumimangot si Ateng malandi, tumalikod siya at inasikaso ang in-order ni Epal.
Tiningnan ko si Epal. Halatang-halata kasi na pinipigilan niya talagang matawa lalo na't nakahawak siya sa akin, gumagalaw ang balikat niya.
"Nginingiti mo?"
"Wala. Ang cute mo kasi kapag nagseselos," humagalpak na siya ng tawa, pero mahina lang.
"Hindi ako nagseselos."
"Talaga?"
"Oo nga."
"Deny pa, Wifey."
"Hindi nga ako nagseselos. Kulit din ng lahi mo."
"Here's your order, sir." Sabay kaming tumingin sa babae na nag-aasikaso ng order ni Epal.
"Paano ba 'yan kailangan kong bitawan kamay mo, Wifey, para madala ko itong kakainin natin."
"Edi mas okay. Kanina ko pan gustong bumitaw sa pagkakahawak mo," binawi ko ang kamay ko. Buti nalang hindi siya umangal.
Sumimangot siya. "Ang sama mo talaga sa akin, Wifey. Nakakatampo." Kinuha na niya ang tray na pinaglagyan ng in-order niya.
Nauna akong maglakad. Naghanap ako ng bakanteng upuan na nasa dulo para walang makakita sa amin. Mahirap na baka kung ano ang isipin nila, baka isipin nila na nagde-date kami.
May nakita akong bakante sa may corner. Naglakad ako papunta roon, nakasunod lang si Epal. Sinigurado ko talaga na walang makakakita sa akin sa pwesto ko.
BINABASA MO ANG
Diary ng Assuming (Editing)
Humor[Highest Rank Achieved #128] Si Plax ay isang dakila, certified, proven and tested na assuming. Tingin niya sa kanyang sarili ay siya ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa at ang lalaking kanyang magugustuhan ay may gusto rin sa kanya. Hindi la...