Assume 2

1.1K 26 7
                                    

       Maaga akong nagising. Alam niyo kung bakit? Malamang hindi, kaya sasabihin ko sa inyo. Makikita ko na naman kasi ang future boyfriend. Di ba kaibigan siya ni epal at malamang parehong school lang pinapasukan nila. And that means pareho kami ng school na pinapasukan. Pano nangyari yun? Simple lang tinanong ko kasi si mama kunh saan nag-aaral si epal pero Kienth ang sinabi kong pangalan baka ano pang gawin sakin ni mama kung epal ang sinabi ko.

       Anyway, naglalakad ako sa hallway ng school ngayon na may ngiti sa labi at patalon-talon. Binati ko pa lahat ng makakasalubong ko. Sila naman parang timang hindi makapaniwalang binati ko. Bahala sila kung hindi sila makapaniwala basta ako magkakaboyfriend na.

       Napahawak ako sa magkabila kong pisngi. Hindi na ako makapaghintay. Alam kong magtatatapat si Bryan mamaya sakin mamayang lunch o mamaya paglabasan na. Kyaaaaaah!

       "Plax, ok ka lang?"

       "Ay letus potatos with camatis and cabbage on top!" Ay letche! Sino ba 'tong biglang nagsalita humawak pa sa balikat ko? Kitang busy ako sa pagdedaydream dito. Napasigaw pa tuloy ako at nang mapatingin ako sa paligid nakatingin pa sa maladyosa kong mukha, ay mali uulitin ko dyosa kong mukha, ang ibang estudyante sakin. Huh, mainggit sila sakin. Ako lang ang may maladyosang mukha rito sa school at dahil sa mukha kong pangdyosa hindi 'to kayang tanggihan ni Bryan my labs.

       "Hoy Plax ok ka lang? May nalalaman ka pang letus potatos with camatis and cabbage on top ah. Pero masarap yun ah," tiningnan ko kung sino yung salarin sa pagsira nagpagdedaydream ko. At nakita ko lang naman ang bruha kong bestfriend. Nakatingala pa siya habang ang mga kamay niya na nasa baba niya na parang may iniisip.

       "Letche ka! Ano bang kailangan mo? Sinisira mo yung moment namin ni Bryan eh," sigaw ko kay Mae. Tumingin siya sakin ng mapang-asar. Duh as if tatablan ako niyan. "Sino naman yan si Bryan? Bagong imaginary boyfriend?" sabi niya at tumawa pa siya sa gilid ko. "Hindi ko siya imaginary boyfriend, totoo siya. Maiwan na nga kita diyan, malelate na ako nang dahil sayo," iniwan ko ni si Mae dun na nakatayo. Bahala siya dun.

       "Ito naman di mabiro. Pero seryoso Plax, sino nga si Bryan?" sumabay siya sa paglalakad ko. "Mamaya nang lunch ko sasabihin sayo. Masyado pang maaga para sabihin ko sayo," binehlatan ko siya at tumakbo na ako papunta ng room namin. "Ang daya mo talaga Plax. Share your bessings naman," sinasabi niya yan habang tumatakbo papalapit sakin. "Share mo mukha mo. Ayokong ishare sayo si Bryan. Akin lang siya pero wag kang mag-alala sasabihin ko naman kung sino siya mamayang lunch, diba?" Huminto ako para magkasabay na ulit kami papunta ng room namin. "Sige na nga. Wala naman akong magagawa."

       Sabay na kaming maglakad nang tumunog na yung bell. Ay shet! "Mae, bilisan mo niya diyan. Late na tayo," hinawakan ko yung wrist niya at kinaladkad siya. Oo kinaladkad ko talaga siya. Ang bait kong bestfriend nuh? Hahaha sanay na naman diyan si Mae eh.

       Pagkarating namin sa tapat ng classroom nakasarado na yung pinto. Malamang nagsisimula na ang klase kaya dahan dahan kong binuksan ang pinto ng room. Waaaah kinakabahan na ako, terror pa naman yung teacher ng first subject namin. Ang malala pa diyan math yung first subject namin ni Mae. Pagkabukas ko ng pinto dirediretsong pumasok si Mae parang di siya late. Ako naman nakayuko habang naglalakad papasok. Ayokong mapagalitan ng terror na teacher na yun nuh, over my dead hot sexy body.

       "Hoy Plax ok ka lang?" napatingin ako kay Mae.

       "Teka ba't di nag-iingay yung terror nating teacher?"

       "Wala pa naman siya," pagkasabi niya yun lumingon agad ako sa may board. Ay tanga! Nasapo ko ang noo ko tapos nahilamos ko ang mga kamay ko. Dumiretso nalang ako sa upuan ko sa bandang likod malapit sa bintana na nasa kanang side ng room malapit sa likurang pinto. Sumunod naman si Mae sakin. Magkatabi kami ng upuan bali nasa kaliwa ko siya. Umupo na ako sa upuan ko.

Diary ng Assuming (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon