Saktong paglabas ng teacher namin sa last subject namin sa umaga ay lumapit si Jaymarkent sakin. Ewan ko ba bakit palaging lumalapit at nagpapapansin ang isang ito sakin. Siguro isa siya sa mga nabihag ng alindog ko. Chos! Ang haba talaga ng hair ko.
"Plax, totoo bang kayo na ni Kienth? Wala na ba akong pag-asa?"
Ano ba pinagsasabi nito? Hindi nga siya nanligaw sakin. Oh my gosh! Sabi na nga bang nagpapapansin siya dahil gusto niya ako. Pero hindi ko siya type.
Sasagot na sana ako pero may humatak sakin. Napatayo ako at napasubsob sa dibdib ni... teka sino ba 'tong nanghahatak nalang? Tumingala ako. Kaya naman pala. Si Epal pala ang nanghatak sakin. Trip niya talaga akong hatakin.
"A-ano bang ginagawa mo, Kienth?" utal-utal kong tanong. Hindi ko na kasi siya maunawaan. Kung pinagti-trip-an niya lang ba ako o ano ba.
Hindi niya ako pinansin. Tiningnan niya lang si Jaymarkent ng seryoso.
"Diba sinabihan na kita kanina na huwag kang lalapit kay Plax. Ayokong nakikita kitang umaaligid ka sa kanya."
Natahimik ang lahat na nasa loob ng classroom. Nakatingin silang lahat sa direction namin.
Tahimik lang si Jaymarkent na hindi usual sa kanya. Palipat-lipat ang tingin niya sakin at kay Epal.
Kinuha ni Epal ang bag ko at hinatak na naman ako palabas. Sumunod si Mae samin dahil palagi naman talaga kaming sabay kumain ng lunch.
Bago kami makalabas ng classroom ay liningon ko muna si Jaymarkent. "Sorry," bulong ko. Sa tingin ko ay nakuha naman niya ang sinabi ko dahil sumagot na okay lang.
Wala kaming imikan ni Epal habang naglalakad. Si Mae naman ay mukhang nahalata niya na ang tahimik namin kaya bugla nalang siyang nagsalita.
"Possesive boyfriend lang ang peg, Kienth? Mahirap 'yan! Baka pati mga pinsan at close friends ni Plax ay pagseselosan mo."
Wala pa ring nagsalita saming dalawa.
"Ano ba kayo? Wala ba kayong balak magsalita? Hindi ako sanay na ang tahimik niyo."
"Mae, ano ba? Pinagtitinginan na nga tayo."
"Sus! Ngayon ka pa nahiya? Palagi naman taying pinagtitinginan kahit dati pa."
"Plax, anong sayo? Ako na bibili," pagpansin ni Epal sakin.
"Pineapple juice nalang. May baon kasi ako," naghanap na ako ng mauupuan namin. Magkasabay kami ni Mae dahil may baon din siya. Hindi kaya kami mayaman para pati lunch ay bibili lang din dito sa canteen.
"Ba't hindi mo pinapansin si Kienth?"
"Ah naiilang kasi ako."
"Bakit ka naman maiilang? Eh palagi mo bga siyang binabara at inaaway dati. Dahil ba sa sinabi niya kanina?"
"Ewan. Basta simula kaninang break time feeling ko ang awkward kapag siya ang kasama ko."
"Oh anong nangyari kaninag break time?"
Kinwento ko nga ang nangyari kanina mula sa paghatak ni Epal sakin papunta rito sa canteen hanggang doon sa usapan nila ni Bryan na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ma-gets kung bakit ako ang pinag-uusapan nila. Teka. Ako nga ba ang pinag-uusapan nila? Wala kasi silang sinasabi na ako ang pinag-uusapan nila.
"Payong kaibigan lang friend, gawin mo ang sa tingin mo ay tama," kinuha na niya ang baon nuya sa bag niya, kaya nilabas ko na rin ang baon ko.
Nakatulala lang akong nakatingin sa baon ko. Nag-iba yata ang ihip ng hangin. Hindi ko dapat iniisip ang mga nangyari kanina dahil sigurado akong pinagti-trip-an lang ako ng dalawa. Ang lakas kaya nang tama ng dalawang 'yon. Sigurado na ako na nangjo-joke time lang sila kahit hindi nakakatuwa. At mukhang kasabwat pa nila itong si Mae.
BINABASA MO ANG
Diary ng Assuming (Editing)
Umorismo[Highest Rank Achieved #128] Si Plax ay isang dakila, certified, proven and tested na assuming. Tingin niya sa kanyang sarili ay siya ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa at ang lalaking kanyang magugustuhan ay may gusto rin sa kanya. Hindi la...