Humiga agad ako sa napakalambot kong kama. Hayy! Ang daming nangyari ngayong araw. Ang haba talaga ng buhok ko. Sabi na nga bang may gusto talaga sa akin si Bryan sadyang umepal lang si Kienth at Erika sa pagmamahalan namin ni Bryan.
Lumingon ako sa bedside table ko para i-off na ang ilaw pero nakita ko ang diary ko na nakapatong doon. Matagal-tagal na ring hindi ko ito nasusulatan.
Nabasa kaya ito ni Epal kanina habang tulog ako? Shet. Nakakahiya. Pero okay rin para malaman niya na patay na patay ako kay Bryan mylabs. Hahaha!
Kinuha ko ito.
♡♡♡
Dear Diary,
Long time no write, Diary. Isang buwan na rin pala na hindi kita nasulatan. Don't worry, Diary, baka masusulatan na ulit kita araw-araw dahil nanliligaw na si Bryan sa'kin. For real na talaga, Diary.
Ang daming nangyari ngayong araw. Lalo na 'yong mga ginawa ni Bryan. Hindi ko 'yon inexpect pero wala e kinikilig ako sa kanya. Hindi ko lang pinakita sa kanya dahil baka sabihin niya na patay na patay ako sa kanya kahit totoo naman. Hehe!
May tanong pala ako sa'yo, Diary. Binasa ka ba ni Epal kanina noong pumasok siya sa lungga natin habang tulog ako? Huwag kang sumagot, baka masunog kita bigla. Hahaha!
Good night, Diary!
Pinakamagandang Dyosa,
Plax♡♡♡
Binalik ko na si Diary sa lamesa.
Halos isang oras na rin pero nakatunganga pa rin ako sa ceilling. Hindi ako makatulog palagi kong naaalala 'yong paghatid ni Bryan sa'kin pauwi. Nahawakan ko pa ang abs niya. Masarap sigurong dilaan ang abs niya, ang gwapo pa ng Bryan mylabs ko. Shet lang. Kinikilig ako.
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko, dalawang bese. May nagtext. Tiningnan ko muna kong sino. Si Bryan mylabs.
"Susunduin kita bukas. Good night, Plax! Dream of me. ;)" laman ng text niya.
Hindi ko mapigilang ma-excite. Susunduin niya ako bukas. Dapat makatulog na ako ngayon para hindi ako haggard bukas. Tapos dream of him daw at may wink emoticon pa. Iba na talaga epekto ko sa kanya.
"Sige. Good night din, Bryan. Palagi naman kitang napapaniginipan e. Hehe!" reply ko.
Napindot ko na ang send nang marealize ko na dapat nagpapakipot ako. Bakit sinabi ko sa kanya 'yon. Shet. Nakakahiya. Dapat pa-demure effect ako sa kanya para hindi siya ma-turn off sa'kin.
Nag-vibrate ulit phone ko.
"Talaga? I love you, Plax!" reply niya.
Hindi ko na sita ni-reply-an baka kung ano pa mai-reply ko sa kanya.
***
Nagising ako dahil pakiramdam ko may humahawak sa ulo ko at hinahaplos-haplos ang buhok ko.
Minulat ko mga mata ko. Isang gwapong mukha agad ang bumungad sa paningin ko. Ang taas ng pilik mata niya, matangos ang ilong, mamulamula ang labi niya at ang mata niya ay natingin lang din sa akin.
"Good morning, Wifey!" masigla't nakangiti niyang bati. "Baka matunaw ako sa titig mo, Wifey," tumawa siya pero mahina lang. Ang sarap pakinggan ng boses niya.
What? Wifey? Wait!
Napabalikwas ako ng bangon. Hinampas ko agad siya ng unan.
"Anong ginagawa mo rito, Epal? Lumabas ka nga ng kwarto ko. Sino nagpapasok sa'yo rito? Trespassing ka na naman."

BINABASA MO ANG
Diary ng Assuming (Editing)
Humor[Highest Rank Achieved #128] Si Plax ay isang dakila, certified, proven and tested na assuming. Tingin niya sa kanyang sarili ay siya ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa at ang lalaking kanyang magugustuhan ay may gusto rin sa kanya. Hindi la...