Naalimpungatan ako sa walang humpay na pag-ring ng cellphone ko. Hinanap ko ito gamit ang kanang kamay habang nakapikit pa rin. Ang aga-aga nambubulabog ng taong natutulog. Halos mag-iisang oras pa nga siguro akong tulog dahil hindi agad ako dinalaw ng antok.
Una kong tiningnan ang oras nang mahawakan ko ang cellphone. Ala-sinco pa lang ng umaga. Nag-ring nanaman ang cellphone ko. Nagdadalawang isip akong sagutin ito, unknown number kasi ang nakatatak na caller. Tinitigan ko lang ito hanggang sa naging missed call ito at ngayon ko lang napansin na marami na siyang missed call.
Sino ba 'to? Ang lakas ng loob niyang putulin ang tulog ko.
Baka si Bryan 'yan. Gustong makipagbalikan dahil na-realize niya ikaw talaga ang mahal niya, Plax.
Hindi 'yan. Impossible. Sinabi na niyang si Epal talaga ang mahal niya. Kaya tigilan mo na ako, gaga ka.
Gaga ka din. Nag-suggest nga lang ako. Malay mo naman, 'di ba? O baka naman si Kienth 'yan. Alam mo na grabe rin ang kapit 'non sa 'yo.
Impossible rin 'yon. Atsaka huwag mo na nga ako guluhin. Hindi ka nakakatulong sa akin. I don't have time with you now. Bwisit kasi. Dahil sa 'yo nag-assume ako na may gusto talaga sila sa akin. Alam ko naman na maganda ako pero bakit ganoon? Hindi sila tinablan ng alindog ko.
Biglang may tumamang uman sa ulo ko. Natigil ako sa pakikipag ko sa sarili ko. Nababaliw na nga siguro ako sa kakaisip ko.
"Plax, sagutin mo na nga 'yan. Kanina pa nag-iingay 'yan cellphone mo. Magpatulog ka naman," sabi ni Mae. Halatang inaantok pa talaga siya, nagtalukbong pa nga at tinakpan ng unan ang mga tainga niya.
Tumunog na naman ang cellphone ko. Hindi ba siya titigil sa kakatawag. I'm sure hindi naman Ito si mama o si papa kasi magtetext naman agad sila kung Hindi ko masasagot ang tawag nila.
Kahit wala pa ako sa mood makipag-usap ay sinagot ko na ang tawag, inaantok pa talaga ako. Itinapat ko sa tainga ko ang cellphone.
"Hello," walang gana kong sagot. "Hello?" pag-uulit ko. Walang sumasagot. Tiningnan ko ang screen baka binaba na ng nasa kabilang linya. "Hello?" pag-uulit ko na naman. Walang pa ring sumasagot. Pinagtitripan ata ako nito. Walangya. "Kung wala lang magawa sa buhay pwede ba magpatulog ka naman. Inaantok pa ako. At huwag ka nang tumawag ulit sa akin kung sino ka man."
Hinintay ko ng ilang segundo bago ko binaba ang tawag baka kasi magsalita bigla ang tumawag. Kung sino man siya, wala along paki. Binulabog pa ang beauty sleep ko.
Pinatay ko ang cellphone para hindi ko na ito ng marinig na mag-ring at para makatulog ako ulit ng maayos kahit na alam kong hindi maayos ang nararamdaman ko ngayon sa kaloob-looban ko.
***
Nagising along mula ng ginising ako ni Mae habang niyuyugyog ako. In-on ko ang cellphone ko para tingnan kung anong oras na. Malapit na palang mag-alas otso.
"Bilisan mo na diyan, Plax. Kakain na raw tayo ng breakfast. Kanina pa kita ginigising pero nakaligo at nakapag-ayos na ako, tulog ka pa rin."
"Sorry naman, ah. Alam mo naman na 'di agad ako nakatulog kagabi."
"Oo nga. Bilisan mo nalang kumilos diyan, sabay na tuyong bumaba. May chika pala ko sa 'yo. Haba talaga ng hair mo. Kainis ka," may pagmamaktol na kinikilig na ewan niyang sabi.
"Magtigil ka nga diyan. Para kang ewan."
"Basta bilisan mo na. I can't wait na." Sinabit niya sa balikat ko ang tuwalya at pinagtulakan niya ako papasok ng banyo.
Hindi ako nagtagal sa loob ng banyo dahil halos kada segundo pinapaalala ni Mae na bilisan ko raw. Nahiya naman ako sa paghihintay niya kaya nagmadali na ako.

BINABASA MO ANG
Diary ng Assuming (Editing)
Humor[Highest Rank Achieved #128] Si Plax ay isang dakila, certified, proven and tested na assuming. Tingin niya sa kanyang sarili ay siya ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa at ang lalaking kanyang magugustuhan ay may gusto rin sa kanya. Hindi la...