Assume 25

36 2 0
                                    

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Gusto kong magalit sa sarili ko kung bakit ako tumakbo, kung bakit hindi ko hinayaang magpaliwanag si Bryan. Pero hindi ko rin kayang pihilan ang sakit at kirot na bigla kong naramdaman nan makita ko ang paghalik ni Kienth kay Bryan. Kitang-kita ng dalawang mata ko ang hindi pagpigil ni Bryan kay Kienth sa ginagawa niyo sa kanya. Siguro nabigla nga siya kaso ilang segundo na ang lumipas hindi niya pa rin ito pinigilan. Parang... parang gusto niya rin ito.

Tama ba ang desisyon ko na maging girlfriend ni Bryan? O naging sagabal lang ako sa kanilang dalawa?

Pinahid ko ang mga luha sa aking mga pisngi. Umupo ako sa isang malaking bato. Napatingin ako sa direksyon ng resort. Malayo-layo na rin pala ang natakbo ko. Tanging ang mga ilaw na lamang ng resort ang nakikita ko. Napahikbi ako nang maramdaman ko na naman ang pagtulo ng mga luha ko.

Ang tanga ko rin. Nagpadala agad ako sa mga panunuyo nila, nahulog ako. At ang tanga ko dahil nagpadala ako sa nararamdaman ko sa kanila lalo na kay Bryan. Oo. May nararamdaman din ako para sa Epal na Kienth na 'yon lalo na noong time na halos gawin na niya ang lahat para lang mapasaya ako dahil sa sakit na nararamdaman ko mula kay Bryan. Feeling ko napaglaruan nila ako at ang galing nila.

Ito na yata ang karma sa lahat ng mga nagawa ko lalong-lalo na sa walang humpay ko na pagpapapansin kay Bryan. Sa lahat ng nakilala kong lalaki ay siya lang ang hindi agad tinablan ng alindog at kagandahan ko. Napapansin ko kasi iyon sa mga kilos niya. Ibang-iba sa mga nakikilala ko na nagpapapansin agad sa akin. Ito siguro ang dahilan kung bakit ganoon siya. Pero aaminin ko, umasa ako noong una ko siyang nakita, noong hiningi ni Epal ang number ko. Akala ko gusto niya ako. Akala ko lang pala iyon.

"Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap, Baby."

Hindi ko siya nilingon. Nakatingin lang ako sa dagat.

"Baby, magpapaliwanag ako." Umupo siya sa harap ko, hinawakan ang mga kamay ko.

Gusto kong bawiin ang mga kamay ko pero hindi ko magawa. Parang may sarili itong pag-iisip na kung bibitawan ko ang kamay niya ay tuluyan na siyang mawawala sa akin.

"B-bryan..." Tiningnan ko siya sa mga mata. Nakatingin din siya sa akin na parang nagso-sorry siya sa akin. Ayoko mang mag-isip ng masama pero hindi ko mapigilan ang isipin na baka ito na ang huli ko siyang mahahawakan.

"Baby, kung may tanong ka, huwag kang magdalawang-isip. Sasagutin lahat."

"M-mahal mo ba talaga ako?"

Pinihit niya ang tingin niya mula sa akin papunta sa buhangin.

"Oo naman, Baby, mahal kita. Mahal na mahal kit-"

"Pero mahal mo rin ang best friend mo? May nararamdaman ka rin kay Kienth?" Hindi ko siya pinatapos sa sasabihin niya. Hindi ko na kayang pigilan itanong ang mga naglalaro sa isipan ko. Kahit ano ang maging sagot niya ay tatanggapin ko kahit pa na masaktan ako. Gusto ko lang na malinawan ako. Alam ko naman na may mali rin ako.

"B-baby." Hindi siya makatingin sa akin. Iniiwasan niya akong tingnan.

"Ano? Totoo ba ang hinala ko? Ginamit mo lang ba ako para maging kayo? O ako ang dahilan kung bakit hindi naging kayo ni Kienth? Sagutin mo ako, Bryan." Hinawakan ko ang mukha niya paharap sa akin. "Sabihin mo nga sa akin ang lahat. Hindi ba sabi mo magpapaliwanag ka? Ito na oh. Sabihin mo na lahat sa akin, Bryan."

"Sorry."

Tumayo na ako. Dahan-dahan akong naglakad pabalik ng resort. Gusto ko nang magpahinga. Nandito kami para magsaya, i-celebrate ang birthday ni Epal at hindi ang magdrama.

Kahit isang salita lang ang sinagot niya ay alam ko na lahat. Isang salita lang, tapos na ang lahat. Hindi naman ako bobo para hindi ko agad maunawaan ang gusto niyang ipabatid.

Diary ng Assuming (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon