Assume 5 (Part 2)

423 14 1
                                    

       Tumingin siya sakin pero ang seryoso niya. Ano kaya iniisip niya? Nag-iisip kaya siya kung paano niya yunsabihin sakin? "Ahmm Plax, tungkol doon gusto sana-" nagdadalawang isip siyang sabihin? Bakit naman? Hindi ko naman siya irereject. Pathrilling pa talaga itong si Bryan ko.

       Ang tagal niya namang sabihin . Ganun ba yun kahirap itanong?

       "Plax, gusto ko sanang humingi ng tulong sayo. Alam kong makakatulong ka kasi isa ka ring babae," bigla niyang sabi. Hindi ko siya maintindihan. Tulong kailangan niya ng tulong? Para saan naman? Pero tutulongan ko pa rin siya dahil love na love ko siya.

       "Tulong? Anong klaseng tulong?"

       "Magpapatulong sana ako sayo na magkaayos kami ni Erika," hopeful niyang sabi sakin. Sa mismong harap ng mukha ko. Hindi ako makasagot. Parang nanuyo bigla ang katawan ko sa narinig ko.

       "Siya ba yung pinakilala sakin sa may gate na kasama mo, di ba?"

       "Oo," matipid niyang sagot.

       Girlfriend niya ba talaga yun? Akala ko, akala ko kaibigan niya yun. Ang sakit. Di ko matanggap.

       "Ok, s-sige tutulungan kita," sabi ko nalang bigla nang nakatungo. Bakit ganito nalang kasakit ang nararamdaman ko? Para akong inipit ng langit at lupa.

       Niyakap niya ako. Hindi ko alam ang mararamdaman ko, matutuwa o malulungkot ba ako dahil nakayakap siya ngayon sakin. "Thank you, Plax! Maaasahan ka talaga," kumalas siya sa pagyakap niya.

       "Ah wala yun masaya akong tulungan ka dahil kaibigan din kita, that's what friends are for," pilit akong ngumiti sa kanya.

       Sinabi na niya ang plano niya sakin. Kasabwat din pala namin si Kienth sa plano niya. Sabi niya siya na raw ang bahala sa place, ang kailangan lang namin gawin ay papuntahin namin si Erika sa lugar na yun. Alam naman siguro ni Kienth kung saan makikita si Erika at kung aning section nito. Kaya hindi ko na yan iisipin.

       Kahit ayaw kong gawin yung wala akong magagawa. Kaibigan ko rin siya kaya kailangan ko pa rin siyang tukungan sa abot ng aking makakaya.

       "Anyare sayo? Sinagot mo na ba si Bryan?" tanong ni Mae pagkaupo ko sa assigned seat ko sa claasroom namin.

       "Hindi," tipid kong sagot sa kanya.

       "Ha!? Bakit? Di ba sasagutin mo na siya?"

       Bumuntong hininga ako. "Paano ko siya saaagutin kong hindi naman pala siya manliligaw sakin at saka may girlfriend na siya," medyo humina ang boses ko sa pagsabi ng last part ng sinasabi ko. Ito napala ko. Masyado kasi akong nag-assume na may gusto sakin si Bryan at manliligaw siya sakin. Humalumbaba ako sa mesa. Nangingilid na ang mga luha ko pero dapat hindi ako umiyak. Kasalanan ko rin naman ito.

       "Ok lang yan, friend. Marami pa namang papable diyan," hinimas niya ang likod ko. Napangiti ako sa sinabi niya. "Ano ba? Nag-eemo ako dito tapos kung anu-ano yang sinasabi mo, may papable pa."

       "Hahaha! Pinapatahan lang kita."

       "Pinapatahan? Hindi naman ako umiiyak ah. Bakit mo naman ako papatahanin?"

        Binatukan ba naman ako. "Huwag ka ngang mangbatok, ang sakit." Ngumisi lang siya at may ininguso sa likuran ko. Nangunot ang noo ko ano namang nasa likuran ko. "May papable sa likuran. Hinahanap ka yata," bulong niya sakin.

       Dahil maganda ako, nilingon ko yung sinasabi ni Mae na papable.

       (Anong connect ng pagiging maganda sa paglingon?)

       Basta may connection yan, di ko lang nakikita.

       Isang gwapong mukha agad ang sumalpak sa harap ko. Shet! Ang lapit na mukha niya sa mukha ko.

       "Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap," nakangiti niyang sabi. Bakit nandito siya sa loob ng classroom namin?

       "Ah doon muna ako sa kabiĺa. Hehe!" Walangya 'tong si Mae iniwan ako sa epal na'to.

       "Ano kailangan mo sakin?"

       "Di ka pa kumain?" nakangiti pa rin siya. May sapak na ba ito?

       "Kumain na ak-"

       Grrrrrrr!

       Punyemas na tiyan na'to ang traydor. Lalong lumaki yung ngiti niya. "Oh ito. Kainin mo alam kong hindi ka pa kumakain ng lunch," sabi niya at lumabas na ng classroom namin. Naiwan naman akong nakanganga. Ano bang nangyayari?

☆☆☆☆☆

A/N:

       Pasensya na kung masyadong maikli. Wala na akong maisip. Tapos na kasi yung scene ng assume 5 tapos nahati pa sa dalawa. Hehe! Sana nagustuhan niyo.

       Comment. Vote. Be a fan.



Poging writer,
       Franciz/MusicSavvy


Diary ng Assuming (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon