Dahan-dahan akong naglakad papunta ng main door ng bahay nang umalis na si Epal sa kabilang side ng kalye.
Hindi ko alam kung bakit ganoon siya makatingin sa akin. Alam naman niya na si Bryan talaga ang gusto ko, ang mahal ko. Galit ba siya dahil hinalikan ko si Bryan? Eh, siya nga itong ilang ulit nang nagnakaw ng halik sa akin. Tapos siya pa ang galit? Hay naku. Hindi ko talaga maunawaan ang Epal na iyon. Kinlaro ko naman sa kanya dati pa na hanggang magkaibigan lang kami.
"Oy Plax, nakita ko 'yon," bungad ni Mae sa akin pagkapasok ko ng bahay.
"Ha? Ang ano?" Dumiretso ako sa hagdanan.
"Na hinalikan mo si Bryan. Ikaw, ah! Aggresive ka na masyado. Sa pagkakaalam ko hindi ka basta basta humahalik kahit kanino. Kayo na ba?" Nakasunod lang siya sa akin. Feel at home na talaga siya rito sa amin. Kita niyo nga, hindi pa umuuwi.
Umakyat ako ng hagdan. Sumunod parin siya. "Ah eh," napakamot ako sa batok ko.
"I knew it! Kailan pa?" Pinipigilan niya ang pagsigaw. Hinawakan niya ako sa balikat at tumalon-talon sa harap ko.
Hindi ako sumagot. Nginitian ko lang siya. Tinanggal ko ang kamay niya. Pumasok ako sa kwarto.
"Hoy, Plax, kailan nga? Kanina ba noong umalis ako? O noong nakita kita na hinalikan mo siya?"
Umupo ako sa kama. Hindi ko mapigilan ang mapangiti nang maalala ko ang mukha ni Bryan nang sinagot ko siya. Hindi maipinta ang mukha niya sa gulat, parang hindi siya makapaniwala na sinasagot ko na siya.
"Para kang timang diyan, Plax. Ngiti ka nang ngiti, para kang baliw." Tumabi siya sa akin. "So, ano nga? Hindi mo sinasagot tanong ko."
Tiningnan ko siya. "Oo, kami na. Kanina ko pa siya sinagot, bago ko siya hinalikan sa pisngi."
"I'm so happy for you, Besh! Parang kailan lang nagde-daydream ka lang tungkol kay Bryan na hindi ko naman pinapaniwalaan." Tumawa siya.
Natawa rin ako sa sinabi niya. Parang siya pa ang mas kinikilig sa aming dalawa. Parang siya ang nagka-boyfriend. Sa totoo lang, hindi ko nga inakala na magiging kami talaga dahil nagpatulong pa siya sa amin ni Epal sa pagbabalikan kuno nila ni Erika. Sa mga araw na 'yon nawalan talaga ako ng pag-asa na mabibihag siya ng dyosa kong kagandahan at napakatinik na alindok na nananalaytay sa katawan ko.
Binatukan ko siya. "Parang ikaw ang nagka-boyfriend. Mas masaya ka pa ata sa akin."
"Syempre masaya ako sa iyo, sa inyo. Aba! Naniniwala na talaga ako sa sinasabi mo na dyosa ka. Share mo naman pagiging dyosa mo, Plax," pabiro niyang sabi at tumawa.
"Kung pwede lang, Mae. Kung pwede lang. In born na ito sa akin, eh." Ngumiti ako ng nakakaloko. Sabay kaming natawa sa sinabi ko nang ma-realize namin na para kaming mga baliw.
Tumigil siya sa pagtawa. "Nga pala, Plax. May napapansin ka ba kina Bryan at Kienth?" Seryoso niyang tanong.
"Na ano?" Taka kong tanong pabalik. Naguguluhan ako sa kanya. Bigla nalang sumeryoso.
"Ah... wala. Huwag mo nalang isipin. Baka guni-guni ko lang iyon," ngimiti siya. "Siya nga pala. Kakain na ng hapunan. Tapos na kaming magluto ni Matha."
"Mauna ka na. Mag-aayos muna ako. Susunod nalang ako."
Tumayo siya. Tumingin sa akin. "Siguraduhin mong susunod ka." Ginamit pa niya ang dalawang daliri niya sa pagturo sa mga mata namin bago lumabas ng kwarto. Hindi talaga ako magtataka kung bakit naging bestfriend ko siya.
Pasalampak akong humiga. Huminga ako ng malalim. Ang daming nangyari ngayong araw. Kailangan ko itong isulat kay Diary. Sure ako na miss na niya ang dyosa niyang may-ari.
BINABASA MO ANG
Diary ng Assuming (Editing)
Umor[Highest Rank Achieved #128] Si Plax ay isang dakila, certified, proven and tested na assuming. Tingin niya sa kanyang sarili ay siya ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa at ang lalaking kanyang magugustuhan ay may gusto rin sa kanya. Hindi la...