Assume 19

56 1 4
                                    

"Epal, saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko. Kanina pa niya kasi ako hinihila. Sumunod nalang ako sa gusto niya, wala rin naman akong magagawa dahil hindi niya ako titigilan at nagpaalam na pala ang Epal kina Mama at Papa. Alam niyo 'yon? Masyadong feeling close sa parents ko.

"Basta. Sumunod ka lang. Sigurado akong magugustuhan mo ito." Hinawakan niya ang kamay ko at nagpatuloy sa paglalakad.

Shet lang. Ano ba itong nararamdaman ko? Ang lambot ng kamay niya tapos parang may nararamdaman akong kakaiba mula sa pagkakahawak niya; parang ang safe ko habang hawak niya ang kamay ko.

Pumasok kami sa gate ng bahay nila. Nanlaki ang mga mata ko sa naisip ko. Hindi kaya... no. Hindi ko ito isusuko sa kanya kahit ano pa gawin niya.

Tumigil ako sa paglalakad. Babalik na ako. Ayokong ma-rape ng isang Epal, okay lang sa akin kung sa Bryan ang gagahasa sa akin. Hehe! Pero seryoso, bata pa ako. Hindi ko ito ibibigay.

"Te-teka lang. Bakit nandito tayo sa inyo?"

Nilapit niya abg mukha niya sa mukha ko. Tinaas ko ang isang kilay ko, nakatingin ako sa kanya. Ngumiti siya, ngiting hanggang tenga.

"Akala ko ba gusto mong-"

Tinulak ko siya bago pa niya matapos ang sasabihin niya. "Hindi, ah. At hinding hindi mangyayari iyon."

Tumawa siya sabay hawak sa tiyan niya. "Ano bang iniisip mo, Wifey?"

"Wala."

"Magde-date lang naman tayo. Wala na tayong ibang gagawin. Kaya tara na." Hinatak na naman niya ako.

Hindi kami pumasok sa loob ng bahay nila. Dumaan lang kami sa gilid ng bahay nila. Infairness ang laki ng bahay nila; ang ganda ng design, may garden na madadaanan bago ang mismong bahay, at swimming pool sila.

"Saan ba talaga tayo pupunta? Bakit nasa likod tayo ng bahay niyo?" Kinakabahan na ako, nanginginig na rin ang kamay ko. Shet lang. Wala pa naman akong tiwala dito kay Epal, baka may gawin itong masama sa akin. Hindi ko iyon makakaya kapag nagkataon.

"Basta sumunod ka lang. Alam kong magugustuhan mo ang ipapakita ko," tumingin siya sa mga mata ko. "Okay ka lang, Wifey? Nanlalamig ang kamay mo." Nangungusap ang mga ito pero hindi ko makuha kung ano ang pinapahiwatig niya. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi kaya? No! Hindi talaga pwede.

"O-okay lang ako," iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Ano ba itong nangyayari sa akin? Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Pinagpatuloy na naman ang paglalakad. Nakasunod lang ako sa kanya habang hawak niya parin ang kamay ko. May nakita akong malaking puno sa 'di kalayuan. Familiar ito sa akin. Ewan ko ba pero mukhang nakapunta na ako rito dati pa.

Nang nasa tapat na kami ng puno ay pinatingala ako ni Epal. May tree house rito.

"Pa-paano... Ba-bakit... I-ikaw..." Nanlalaki ang ang mata ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

Tumango muna siya bago niya ako nginitian. "Naalala mo na?"

"Walangya ka! Ikaw pala si Junjun. Bakit hindi ko sinabi?" Binatukan ko siya. Atsaka pinunasan ko ang luhang kumakalat sa pisngi ko.

Niyakap niya ako. "Surprise?"

Tinulak ko nga siya. "Surprise mo mukha mo," hinampas ko ang braso niya. Nakakabwisit lang. Pinaiyak pa talaga ako. "Ano ba talaga nangyari at umalis kayo dati?"

"Secret!"

"Okay pa ba ang tree house na 'to?"

"Oo naman. Inayos ko kaya 'yan bago ko pinakita sa iyo."

Hindi ako nagdalawang-isip na akyatin ang puno. May mga blocks na kahoy namang nakapako sa katawan ng puno para magsilbing hagdanan.

"Dahan-dahan lang, Wifey. Baka mahulog ka," hinawakan niya ako sa bewang.

"Hoy! Bitawan mo nga ako. Chansing ka na," sinampal ko ang kamay niyang nakahawak sa akin, nakakapit ang kanang kamay ko sa isang sanga.

"O sige," bumitaw naman siya. "Sasaluhin naman kita kapag nahulog ka," kumindat siya.

"Gindi ako mahuhulog. Asa ka pa." Umakyat na ako ng tuluyan. Tinulak ko ang pinto paitaas para bumukas ito. Double purpose ang pinto, eh, nagiging sahig siya kapag nakasara.

Tumingin muna ako sa baba bago ako pumasok ng tuluyan sa tree house.

Nakapagtataka. Nawala bigla si Epal sa kinatatayuan. Ibinaba ko ng kunti ang ulo ko para silipin kung nasa tabi-tabi lang siya ngunit wala talaga siya.

Hay nako, Plax. Bakit mo hinahanap ang isang iyon? Gusto mo nga na layuan ka 'non.

Pumasok na ako ng tree house. Isinara ko ang pinto. Na-miss ko ang lugar na 'to. Iginala ko ang paningin ko, nandito parin ang mga pangalan namin na inukit namn sa mga sanga ng puno. Limang pangalan, puro palayaw.

Huminto ang mga mata ko sa isang sulok. Kinusot ko ang mga mata ko baka namamalik-mata lang ako. Ilang ulit din akong pumikit pero nandoon parin siya, nakatayo.

Akala ko ba may emergency sila sa bahay nila? Anong ginagawa niya rito?

"B-Bryan... akala ko ba umuwi ka kasi may emergency sa inyo?"

Tumawa siya ng mahina. "Bakit? Ayaw mo bang makita ako, Baby?" Lumapit siya sa akin.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Shet. Abnormal na nga siguro ako dahil kay Bryan. Pero okay lang iyon kasi nabaliw ako dahil sa kanya. Kung ano-ano na rin nakikita ko't naririnig - may mga kumikinang na ilaw sa paligid ng mukha niya habang nakangiti, at may naririnig akong kanta na sobrang romantic. Ang sarap sa pakiramdam.

Kung panaginip man ito, sana hindi na ako magising. Pinapangarap ko lang ito dati't pinapaginipan na sana mangyari.

Sobrang lapit na niya sa akin.

"Wifey, kain muna tayo ng meryenda." Bumukas ang pinto, iniluwa nito ang nakangiting si Epal. Ngunit nawala ang ngiti niya nang makita niya ang position namin ni Bryan. Kumunot ang noo niya.

Inilapag niya sa maliit na mesa ang dala niyang pagkain at juice. Binalik niya ang tingin niya sa amin. Masama ang tingin ni Epal kay Bryan. Ang nakapagtataka lang ay nakangiti lang si Bryan.

"Akala ko ba umuwi ka?"

Medyo dimistansya ako kay Bryan. Ang awkward ng atmosphere. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Aanong problema ng dalawang ito? Sila lang ang mag-bestfriend na nakita kong ganyan. Kahit kami ni Mae, hindi kami umabot sa ganyan.

Ano bang nangyayari?

★★★★★

A/N:

*Me zips my mouth* xD

Bryan o Kienth? Baby o Wifey? Mylabs o Epal?



Franciz

Diary ng Assuming (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon