Assume 12

88 1 3
                                    

Hindi ko mapigilang mapaisip sa sinabi ni Epal pero wala talaga akong gusto sa kanya. Bahala na nga si Batman.

Lunch break na pero wala akong naintindihan sa mga lessons namin kahit kunti. Mahaba-habang basahan na naman ako nito mamayang gabi.

"Nandito na ang boyfriend mo," bulong ni Mae sa'kin.

"Tigilan mo nga ako. Pektusan kita diyan."

Aba ang Bruha hindi man lang pinansin ang sinabi ko, tumingin lang siya kay Epal.

"Oh Kienth, ang bilis mo atang nakarating? Kaka-bell palang ah," pansin ni Mae kay Kienth na papasok na ng classroom namin.

"Miss ko na kasi si Wifey," inakbayan niya ako at ngumiti.

Ang mga kaklase ko naman ay parang mga kiti-kiti. Sila ang kinilig kesa sakin.

'Pero aminin mo kinilig ka rin,' sabi ng utak ko.

Che! Never!

"Tara na," kinuha niya ang bag ko.

Nagpaalam si Mae na uuwi siya dahil hindi niya raw nadala ang mga libro niya sa subject namin sa hapon. Kaya ang resulta ang awkward namin habang naglalakad kami ni Epal sa hallway.

Bakit ba kasi siya manliligaw? Alam naman niya na si Bryan ang gusto ko.

"Ang tahimik mo, wifey. Iniisip mo ba 'yong sinabi ko kanina?"

"Hindi ah! Bakit ko naman iisipin 'yon? Alam ko naman na niloloko mo lang ako kanina. Atsaka hindi ka ba titigil sa kakatawag sa'kin ng wifey?"

"Seryoso ako sa sinabi ko kanina, wifey, pero hindi naman kita minamadali na sagutin mo 'yon, gagawin ko lahat para pumayag ka. At hindi ako titigil sa pagtawag sa'yo ng wifey, feeling ko kasi akin ka lang kung wifey ang tawag ko sa'yo," ngumiti siya.

Hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya. Seryoso nga siya. Ganoon na ba kalala ang epekto ng alindog ko sa kanya? Grabe sana siya nalang si Bryan, sa tingin ko kasi hindi talaga tatablan ng alindog ko ang lalaking 'yon. Hay!

Nauna na ako sa usual table na kinakainan namin habang si Epal naman ay bibili ng pagkain niya. Mayaman kasi kaya hindi nagbabaon.

Umupo na ako at kinuha ko muna ang cellphone ko. Sinaksak ang earphones sa tenga ko at nag-scroll sa mga kanta na nasa playlist ko. Makapag-relax man kahit kunti lang.

Naramdaman kong may umupo sa harap ko kaya kinuha ko na ang baon ko na nasa bag.

"Ang bilis mo atang nakabili, Ep-?" tumingin ako sa umupo.

Hindi ako makapagsalita, nabigla ako nang makita ko siya. Ilang araw na rin kaming hindi nagkikita nitong lalaking 'to. Napansin kong namamaga ang mata niya. Anong nangyari?

"Bryan/Plax," sabay naming sambit.

"Ikaw na mauna," sabi ko.

"Hindi. Ikaw nalang," sabi niya na halatang-halata sa boses niya na pagod na pagod siya.

"Anong nangyari sa mata mo," hahawakan ko sana ang mukha niya kaso dumating si Epal.

"Bro, anong ginagawa mo rito?" seryoso ang mukha niya.

Hindi ko nahawakan ang mukha ni Bryan dahil lumingin ito kay Epal. Tsk! Chance ko na 'yon eh. Epal talaga.

"May itatanong lang sana ako kay Plax kaso nakalimutan ko na." Tumingin siya sa'kin, "Mamaya nalang ulit, Plax," ngumiti siya sabay tayo niya.

Kahit na namamaga ang mata niya ay ang gwapo pa rin niyang tingnan. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko na gumuhit sa mga labi ko.

"Sige," nasagot ko nalang.

Diary ng Assuming (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon