Assume 5 (Part 1)

448 13 2
                                    

     "Plax, bakit late ka? First time mong malate ah," bungad na tanong agad sakin ni Mae nang makaupo ako. "Wala lang. Trip ko lang magpalate," napangiti na naman ako ng napakalapad. Naaalala na naman yung sinabi ni Bryan na magkita raw kami. Di na ako makapaghintay. Sana magbell na.

       (Franciz: Agad agad? Kakasimula lang ng klase magbebell na agad?)

       Pabayaan mo nalang ako kuya author. Excited lang talaga ako. Eh kasi naman e.

       "Oy, Plax! Ok ka lang?" Kinakausap pa pala ako ni Mae. Hehe. Pasensya na, hindi ko na siya napansin.

       "Ok lang," masigla kong sagot.

       "May tinatago ka."

       "Wala ah."

       "Meron yan. Makangiti ba naman ng ganyan ka wagas. Sabihin mo na kasi," bulong niya.

       "Oo na nga," nakangiti pa rin ako.

       "Kwento mo naman. Sigurado akong maganda yan. Ahehe."

       "Ah eh si Bryan kasi."

       "Anong meron kay Bryan?"

       "Sinabi kasi ni Bryan na magkita raw kami mamayang lunch sa likod ng buil-"

       "The two of you, get out!" sigaw ng teacher namin.

       Tumayo na ako at lumabas ng room. Buti naman pinalabas kami, ang boring naman kasi puro lecture lang, ang dry. "Oy Plax, anong sabi ni Bryan? Epal kasi ni ma'am di ko tuloy narinig." Nakasunod na pala 'to. Ang bilis a. "Sabi niya magkita raw kami mamayang lunch sa likod ng building may sasabihin dae siya sakin. Ehhhhh di na ako makapaghintay, Mae. Tatanungin niya kaya akong maging girlfriend niya? I'm so excited." Umupo kami sa isang brnch malapit lang ng room namin.

       "Talaga? Ang haba ng hair mong impakta ka. Ano sasagutin mo na ba?" Binatukan ko nga siya. "Hoy! Hindi ako impakta, diyosa kaya ako. Baka ikaw ang impakta, bagay kasi sayo," binatukan naman niya ako. "Ang kapal ko ah. Pero seryoso sasagutim mo agad si Bryan pagtatanungin ka niya mamayang lunch?"

       "Ahmmm pag-iisipan ko muna," nilagay ko ang isa iung kamay sa baba ko na parang nag-iisip. "Syempre, oo. Sayang grasya na yan eh." Binatukan na naman ako ng gaga. Ang sakit na ah, nakakadalawa na siya. "Pinag-isipan mo pa talaga? Alam ko namang sasagutin mo naman agad."

       "Tigilan mo nga yang pambanatok mo. Ang sakit na ah. Baka gusto mong ihambalos ko mukha mo ngayon," hinimas-himas ko ang parteng binatukan niya.

       Buti naman uindi na nagsalita ang gaga. Tiningnan ko ang wrist watch ko. Maaga pa naman kaya iidlip muna ako. Hehe! Wala naman akong gagawin dito. Tiningnan ko si Mae. Ayun busy sa pagkalikot ng cellphone niya.

       "Oy, Mae, bantayan mo ang diyosa mong kaibigan. Iidlip lang ako sandali."

       "Ok," nakatingin pa rin sa screen ng cellphone niya.

***

       "Plax, gising na," kinamot ko ang ilong ko.

       "Five minutes pa."

       "Pag di ka diyan gumising hahalikan na talaga kita."

       Automatic na bumukas ang mga mata ko. At shet! Ang lapit ng mukha niya sakin. "Ano ba ilayo mo nga yang mukha mo." Tinulak ko siya palayo. Tumawa lang ang epal. Bwisit! "Anong kailangan mo sakin?" singhal ko. Hinawakan niya ang kamay ko. "Tara lunch tayo," nakangiting sabi niya. "Lunch?" naguguluhan kong tanong. "Oo, twelve na kaya. Kanina pa kita ginigising diyan. Ang hirap mo palang gisingin. Tulog mantika. Hahaha!" at hinatak na niya ako.

       "Ano ba eps, i mean Kienth, bitawan mo nga ako may puountahan pa ako," binawi ko ang kamay ko. "Saan? Samahan na kita."

       "Wag na. Epal ka lang sa lovelife ko."

       "Lovelife? May boyfriend ka? Boyfriend mo pupuntahan mo?"

       "Ang daming tanong ah, uso po ang isa-isa lang. Oo, lovelife. Wala pa akong boyfriend-" nakahinga siya ng maluwag. Ano namang problema ng isang 'to? "-dahil magkakaroon na ako ngayon. Hehe!" Tumakbo na ako palayo sa kanya habang tulala pa si epal. Ewan ko sa kanya ba't bigla bigla na lang lumalapit sakin.

       Teka! Asan na si Mae? Hindi ko na siya nakita nang magising ako a. Bahala na nga siya sa buhay niya, malaki na naman siya. Ang iisipin ko nalang kung paano ko sasagutin si Bryan.

       Hmmmm. Kung gayahin ko kaya yung sa commercial ng fita dati, yung pinakita ng babae ang dalawang peraso nito. Eh baka kainin lang din ni Bryan tulad ng nasa commercial. Ah alam ko na! Isulat ko gawa sa app na glow, yung lights na gumagalaw. May application ako nun sa cellphone ko. Oo, yun nalang. Ang talino ko talaga, Plax.

       "Ang lalim ng iniisp mo, Plax. Baka mabunggo ka niyan." Napalingon ako sa nagsalita, si Bryan lang pala akala ko kung sino na. Teka lang. Si Bryan? Nandito na pala ako sa likod ng building hindi ko man lang namalayan. Masyado akong nadala sa pag-iisip na magandang paraan para sagutin siya. Ahehe!

       "Ah wala lang 'to. Nag-iisip lang ako kung paano-" napatakip ako sa bibig ko. Letseng bibig na'to kung ano-anu sinasabi baka mabuko pa ako niyan.

      "Kung paano?" naguguluhang tanong niya. Umupo muna ako sa tabi niya at saka nagsalita "Ah wala lang yun. Kalimutan mo nalang. Hehe!" Shet! Hindi ako makatingin sa kanya, nahihiya ako.

       "Ok." Ilang minuto rin kaming nasa ganoong position nang walang nagsasalita. Ano ba yan ang tagal naman niya akong tanungin. "Ah Bryan, bakit mo nga pala ako pinapunta dito?" tiningnan ko siya. Ang gwapo niya talaga. Ako na ang magiging pinakamasayang babae pag boyfriend ko na siya.

       Tumingin siya sakin pero ang seryoso niya. Ano kaya iniisip niya? Nag-iisip kaya siya kung paano niya yunsabihin sakin? "Ahmm Plax, tungkol doon gusto sana-" nagdadalawang isip siyang sabihin? Bakit naman? Hindi ko naman siya irereject. Pathrilling pa talaga itong si Bryan ko.

☆☆☆☆☆

A/N:

       Bukas na ang part 2 nito. Inaantok na kasi ako. Hope you like it! Comment. Vote. Be a fan.




Pogibg writer,
       Franciz/MusicSavvy

      


Diary ng Assuming (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon