Nakaupo si Papa sa sofa nang pumasok ako ng bahay. Tiningnan niya ako ng sobrang seryoso. Ito ang pinakauna na ganyan ako tingnan ni Papa.
"Matutulog na po ako." Paakyat na ako papunta ng kwarto ko pero pinigilan niya ako.
"Maupo ka nga rito, Plax. Mag-uusap pa tayo."
"Inaantok na po ako, Pa."
"Upo."
Wala na akong nagawa kundi ang umupo sa isa pang sofa na kaharap nito. Kapag seryoso talaga siya dapat mo talaga siyang sundin lalo na ngayon na ibang level ang pagkaseryoso niya.
"Ano ba ang meron kayo ni Kienth? Kayo ba talaga?"
"Pa, ilang ulit ko na ngang sinabi na magkaibigan lang kami. Siya lang iyong feeling at pinagpipilitan na boyfriend ko raw siya."
"Pero nanliligaw ba siya sa iyo?"
Natigilan ako sa sinabi niya. Nanliligaw nga ba si Epal sa akin? Sweet siya sa akin, iyan ang alam ko. Pero nanliligaw? Ewan.
"Hindi ko alam." Napayuko ako, nakatingin lang sa sahig.
Bumuntong hininga siya. "Okay. Pero kung nanliligaw man siya o manliligaw palang siya sa iyo, botong-boto ako sa kanya, Plax."
"Papa, naman! Hindi ko siya type. Si Bryan ang gusto ko."
"Mabait siyang bata at kilalang-kilala ko siya. At sa Bryan naman na iyan, saan mo siya nakilala?"
"Dito sa atin. Mag-bestfriend kasi sila ni Ep- este Kienth."
Tumawa siya bigla kaya napatingin ako kay Papa.
"Manang-mana ka talaga sa akin, Plax. Walang duda." Tumatawa parin siya.
"Ha?" Nakatulala lang ako. Kailangan ko na atang tumawag sa mental hospital, nababaliw na si Papa.
Lumipat siya sa tabi ko. "Alam mo, Plax. Ganyan na ganyan din ako noong kaedaran mo pa ako, habulin at maraming nagkakagusto." Ginulo niya ang buhok ko.
"Papa, naman. Akala ko nababaliw ka na. Ang seryoso mo kanina tapos bigla kang tatawa." Sumimangot ako. "Atsaka huwag niyo po pagtripan ang buhok ko."
"Pero seryosong usapan, 'Nak. Ayoko sa nakita ko noong nakaraan sa labas. Dapat makilatis ko muna ang Bryan na 'yan." Tumayo siya. "Sige, Plax, matutulog na ako." Umakyat na siya. Tumigil siya nang nasa last step na siya ng hagdan. "Pero kapag nanligaw sa iyo si Kienth, sagutin mo na."
Napanganga ako. As in literal na nakanganga. Bwisit. Gusto niya talaga na kami ni Epal ang magkatuloyan. No! It's a big no no. Kadiri lang. Ayoko sa mga Epal lalo na siya.
"Oyyy, Plax! Tulaley ka diyan?" Palapit siya sa akin. Umupo sa tabi ko. "Anong nangyari? Anong sinabi ni Fatha? Ipapakasal na ba kayo ni Kienth?"
"Hindi ah! Never! Over my gorgeous sexy body. Hindi ako magpapakasala sa kanya."
"OA ka maka-react, Plax. Tinatanong ko lang. So, ano nga sinabi ni Fatha?" Pangungulit pa niya.
"Ayon nga ang problem. Botong-boto siya kay Epal. Pero gigisahin pa niya si Bryan mylabs."
"Ayon naman pala. Gigisahin lang naman, huwag OA, hindi naman siguro siya papatayin ni Fatha. Hindi nga ba?" Tinaas-baba niya ang mga kilay niya.
Kinuha ko ang isang unan, iyong nilalagay sa sofa. Hinampas ko iyon kay Mae. "Ang sama mo. Papatayin mo pa talaga. Maiwan na nga kita diyan." Tumayo ako at naglakad papuntang kwarto.
"Saan ka naman pupunta?"
"Malamang sa kwarto, Mae. Paakyat nga, diba? Matutulog na ako. Kailangan ko na mag-beauty rest."
BINABASA MO ANG
Diary ng Assuming (Editing)
Humor[Highest Rank Achieved #128] Si Plax ay isang dakila, certified, proven and tested na assuming. Tingin niya sa kanyang sarili ay siya ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa at ang lalaking kanyang magugustuhan ay may gusto rin sa kanya. Hindi la...