KABANATA TRES
Sa isang iglapCelestina
TUNAY nga namang mahirap ang pagiging prinsesa. Hindi ito masarap na buhay ayon sa iba, isa ito sa mabigat na responsibilidad dahil ikaw ang tanging inaasahan ng iyong nasasakupan at nakasalalay sa iyong mga desisyon ang buhay ng buong nayon.
Naranasan ko yan sa loob lamang ng mabilis na panahon. Hindi ako makapagluksa sa namayapa kong pamilya dahil bilang kanilang pinuno at natitirang maharlika, ay kailangan kong maging malakas at matatag para sakanila.
Dahil alam ko saakin din sila kumukuha ng lakas.
Hanggat ako'y nabubuhay.. Aalagaan ko ang natitirang mamamayan ng aming nayon na syang pinangalagaan ng aking ninuno maging ng aking ama sa loob ng mahabang taon at ngayon, nakasalalay sa aking mga desisyon.
"Prinsesa Celestina, nakuha ko pong iligtas ang kwintas na magpapatunay na kayo ang prinsesa ng kanlurang nayon. Marapat lamang na suotin nyo ito upang makilala tayo ng punong nayon." Ani Eve. Habang pinapakita saakin ang kwintas ko.
"Salamat Eve." Ngumiti ako habang pinagmamasdan ang nag-iisang alahas na meroon ako maliban sa kwintas na gawa sa ruby na suot ko ngayon galing saaking nakatatandang kapatid.
Dalawang kwintas na lamang ang meroon akong alahas na nagpapatunay na isa akong princessa ng nayon.. Marapat lamang na ito'y aking pangalagaaan..
Marahan akong tumingin sa tanawin na nagmumula sa siwang ng bintana mula sa kalesang aming sinasakyan.
Kanina pa kami nakaalis mula ng makumpirmang wala ng ibang nakaligtas maliban saamin. Nagkaroon ng malawakang pag-ulan ng apoy sa aming nayon.. Halos lahat ng kabahayan ay natumpok ng sunog. Walang natira kahit isa..
Maging ang aming karatig palasyo ay hindi nakaligtas.. At ngayon nga ay halos hindi lalampas sa isang daang mamamayan na lamang ang natira..
At nag-iisa na lamang akong maharlika.. Hindi ko alam kung anong uunahin ko.. Naipit ako sa dalawang desisyon, Ang pagluluksa sa namatay kong pamilya o ang pagiging isang matapang na prinsessa.. Ngunit sa huli, pinili ko ang nararapat.. Kailangan kong maging matatag para sa natitirang mamamayan ng aming nayon..
Sa ngayon, kaming lahat ng mga natira ay patungo sa punong nayon upang pansamantalang manirahan at humingi ng tulong para sa nasirang nayon. Nais ko ring mabigyang hustisya ang ganitong trahedyang aming naranasan..
Nasa unahan ang mga kawal na sakay ng mga kabayo habang pumapangalawa ang aming kalesa, nasa likod ang mga mamamayan sakay ng kalesa habang may grupo pa ng mga kawal sa pinakalikod na nakasakay sa sari-sariling mga kabayo..
May mga kawal din na nakasakay sa mga kabayo sa kaliwa't kanan ng aming mga kalesa na syang sumasabay sa amin.
Saglit akong natulala. Punong-puno ng katanungan ang aking isipan. Kakayanin ko ba to? Paano na ang aming nayon? Paano na ako?
"May paparating!"
"Magsihanda ang lahat!"
"Protektahan ang prinsesa!"
Nagkagulo ang lahat. Huminto rin ang aming karwahe, maging si Eve na nasa aking harapan ay hindi na mapakali.
Kumunot ang noo ko.