KABANATA LABING ISA: Diretso

143 3 0
                                    

KABANATA LABING ISA
Diretso

Celestina

"Hindi na dapat kayo pumasok pa. Mas inilagay nyo lamang sa panganib ang iyong buhay."

'Nais kong imulat ang aking mga mata ngunit hindi ko magawa. 'Nais kong igalaw ang aking katawan ngunit tila isang mabigat na bagay na hindi ako makabangon mula sa pagkakahiga.

"Huwag mo nang pilitin ang iyong sarili. May mahika ang 'yong katawan kung kaya't hindi mo ito kontorolado.." Anang tinig mula sa kung saan.

Wala akong nakikita kundi pawang kadiliman lamang.

"Nasaan ako? Sino ka?" Kabado kong tanong, ni hindi ko alam kung nasaan sya. Ngunit ramdam ko na naglakad sya papalapit saakin.

Nasa harap ko sya alam ko. Pagak syang tumawa.

"Ang dali mo namang makalimot Celestina. Parang nakaraang araw lamang ng tayo'y magkasama.."

Hindi na ako nagulat sa kanyang sinabi. Pamilyar nga ang kanyang boses saakin. Parang nakaraan lamang ng magpakita sya saakin. Madilim rin noon.

"Anong kailangan mo saakin?" Tanong ko sa hangin. Sinubukan kong tumayo at kapain ang paligid.

Rinig ko ang tawa mula sakanya. "Nakakatuwa ka talaga Celestina. Sino ang hinahanap mo? Hindi mo ako makakapa sa paligid."

"Nasaan ka? Bakit hindi ko maramdaman ang presesensya mo sa paligid?"

"Hindi pa oras Celestina.. Sa ngayon nandito ako upang gabayan ka. Asahan mong lalabas ako sa oras ng iyong pangangailangan. Dadating ang panahon na makikilala mo rin ako.. at hindi na ako makapaghintay Celestina na masilayan mo ako ng mismong pares nang iyong mga mata.."

"Nasilayan na kita.." Aking nasambit sa paligid.

"Ngunit bakit tila hindi ko maalala ang iyong mukha nung una tayong magkita?" naguguluhan kong tanong sakanya.

"Hindi mo ako maaaring matandaan Celestina. Ang iyong buhay ang higit na mahalaga kesa saakin. Inalis ko ang alaala mo na iyon upang hindi mo matandaan ang aking itsura."

"Ano ba ang iyong 'nais?" Naguguluhan kong tanong.

"Nais lamang kitang balaan Celestina. Mali ang desisyon mong pumasok sa akademya. Hindi dapat nangyari 'to. Hindi ka dapat nakapasok sa akademya Celestina."

"H-hindi kita maintindihan... Bakit mali ang aking pagpasok sa akademya? Ito ang aking inaasam simula pa lamang pagkabata. Kaya't papaano mo nasabing mali ang aking ginawa?" Naiinis kong anas.

Nakakainis dahil hindi ko manlang alam kung sino at nasaan ang aking kausap. Para akong kumakausap ng hangin.

"Celestina.. Nais ko sanang i-ulit ang panahon kung kaya ko lamang ngunit hindi maaari. Ito ang itinakdang mangyari sa panahong ito. Hindi ko man lubos na matanggap ngunit kailangan kong tanggapin na ang iyong kapalaran ay ang makapasok sa akademya. Ang tangi ko na lamang kelangang gawin ay ang gabayan ka. Kailangan mo lamang maniwala saakin Celestina."

Kumunot ang aking noo. Sino ba ang babaeng 'to?

Pangalawang beses na magmula nang magpakita din sya saakin noon. Ngunit hindi ko manlang maalala ang kanyang mukha. Totoo nga ang kanyang sinabi na tinanggal nya saakin ang memoryang iyon. Hindi ko sya maalala.

"Hindi kita kilala. Paano ka nakakasigurong susundin ko ang iyong mga payo?"

Hindi ko nga alam ang kanyang itsura kaya bakit ako magtitiwala sa babaeng hindi ko kilala?

Midnight Blood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon