KABANATA OTSO: Pagsusulit

227 10 1
                                    

KABANATA OTSO
Pagsusulit

Celestina

Hinugot ko ang aking punyal mula sa dibdib ng aking nasaksak.

Agad akong tumalikod upang salubungin ang isa pang lalaki na pasugod rin sa aking direksyon.

Hawak ang maliit na dagger, sinalubong ko ang hawak nyang katana. Nang tangkain nyang kunin ang bag na nakasuot sa aking likuran, agad kong itinaas ang aking kanang paa. Sinipa ko sya sa tyan dahilan upang tumilapon sya.

Napahinga ako ng malalim. Muntik nang nakuha ang supot.

Itinaas ko ang ang aking damit at agad isinukbit ang aking punyal. Kinagat ko muna ang aking tali at agarang sinikop ang buhok na agulo mula sa pakikipaglaban, upang itali.

Prente akong naglalakad habang inaayos ang aking buhok.. habang kagat ang tali sa bibig, habang nakatalikod walang pakundangan kong sinipa ang lalaking nagtangkang saksakin ako mula sa likod.

Kasabay ng aking pagsipa ay ang pagkuha ko ng punyal sa aking bewang. Mabilis ako umikot at walang pakundangang inihagis ito sa kanyang direksyon.

Mabilis ang aking kilos.. sa isang iglap dalawa na ang nakabulagta sa aking harapan.. Wala ng buhay.

Humalukipkip ako.

Hindi na muling binalingan ng tingin ang wala ng buhay na la'bi.

Unti unti akong lumapit sa isa 'pang wala naring buhay. Sumasabay sa aking paglakad ang pag-alon ng aking buhok.

Yumuko ako at matamang pinagmasdan.

Nakadilat pa ang mga mata nito na syang indikasyong hindi pa siya handang mamatay.

Ilang segundo pa ng mapagdesisyunan kong kunin ang nakatarak na dagger sa kanyang noo. Umagos na ang dugo mula rito ng akin na itong nahugot.

Pinaglaruan ko sa aking daliri ang punyal habang mataman itong sinusuri.. Tumaas ang aking kilay nang may mapansin ako.

Inilapit ko sa aking mukha ang punyal. Inilabas ko nang dahan-dahan ang aking dila saka ko dahan dahang pinadaan ang aking dila sa patalim. Waring gutom.. hindi ko pinalagpas ang bawat patak..

"Sinayang mo ang paglalakad ko, kanina pa sana ako nakarating kung hindi mo lamang ako hinarang..." napangiti ako ng wala sa sarili.

"Buhay ka pa sana ngayon kung hindi mo lang sana iniligtas ang iyong kaibigan."

"Celestina! Umakyat ka na sa pader! Aalalay ako sa iyong likod."

Sinaksak ni Trive ang lalaking sumugod mula sa kanyang likuran nang hindi man lang ito tinitingnan. Kitang kita ang pagdanak ng dugo mula sa kanyang patalim.

Kita ko pa ang ang dahan-dahan nyang paglabas ng kanyang dila at ang dahan-dahang paglapat nito sa patalim ng kanyang punyal..

Mabilis akong tumango at agad syang sinunod. Agad na ako nag-atubiling tumakbo papunta sa pader.

Bumaling ako sa gawing kanan ng may maramdaman akong presensya. Walang pag dadalawang isip akong yumuko. Walang atubili kong kinuha ang aking punyal sa aking binti.

Wala pang isang segundo ng aking paliparin ang aking punyal sa kanyang direksyon.

Bullseye.

"Wala ka pa ring kupas Celestina!"

Nilingon ko si Sun. Ngumisi sya saakin, "Ano pang hinihintay mo? Akyat na!"

Midnight Blood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon