KABANATA DOS: Sun, Trive & Threi

506 19 1
                                    

KABANATA DOS
Sun, Trive & Threi

Celestina


"Halos buong palasyo ang nasunog, walang natira kahit isa. Nagmistulang nawala na parang bula ang lahat!"

"Mabuti na lamang at nagawa kong makaligtas sa pamamagitan ng pagsunod kay master Dwi."

"It's Threi. Not Dwi and don't touch me, we are not close."

"Salamat master Dwi! Utang ko sayo ang buhay ko!"

"I said don't touch me!"

"Ito naman si master Dwi! Parang one touch lang eh! Kaisa lang talaga master!"

"I said no!"

"Aye master! No touch, off limits! Copy that sir!"

Kumunot ang noo ko sa ingay sa paligid. Hindi ko halos maintindihan ang kanilang lengguwahe, samahan pa ng dalawang malalakas na tawa ay talaga nga namang nakakairita sa tenga.

Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata.

"Hahaha- Ack." Nasamid 'yung lalaki.

"Gising na sya!" Nanlake ang mata nya habang nakaturo saakin.

"Sa wakas! Kanina ko pa 'nais maglakad upang tumungo sa kabilang nayon ngunit hindi maaari dahil sakanya."

Sa pagdilat ko nang aking mga mata. Malabo sa una ngunit unti-unting luminaw matapos ng ilang pagpikit ng mata.

Bumungad kaagad saaking paningin ang dalawang lalaking nakatunghay saakin.

"Kamusta binibini, ayos na ba ang iyong pakiramdam?"

Pareho silang nakangisi saakin, nanlaki ang mata ko ng unti-unti nilang nilalapit saakin ang kanilang mga mukha.

Sa sobrang gulat ay agad kong nahampas ang mukha ng dalawa.

Agad silang napaigik ng aray kaya naman sinamantala ko na iyon upang makatayo mula sa pagkakahiga sa damo.

"S-sino kayo? Ano ang nais nyo saakin!" Agad kong inilibot ang aking tingin sa paligid, gabi na kung kaya't wala din akong nakita, agad nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko ang lahat.

Ang lahat lahat.

Ama, ina, kuya..

Lahat sila nawala saakin na parang bula. Sa isang iglap, mag-isa nalang ako..

Agad namuo ang mga luha sa gilid ng mga mata ko.

"Kanina lamang ay gulat ang iyong ekspresyon samantalang ngayon ay malapit ka ng lumuha.." Sabi ng isang lalaki na matamang nakatingin saakin.

Nang pinakatitigan ko sya, naalala kong siya iyong lalaki sa loob ng bulwagan na nais akong iligtas, at nagtagumpay sya. Nakasuot ito ng tuxedo na kulay pula na bagay sakanyang medyo magulong buhok.

"Tunay nga namang kumplekado ang kababaihan," agad napadako ang tingin ko sa isang lalaking.. Gusgusin..

Magulo ang kanyang buhok, butas butas ang marurumi nyang mga damit na halos kakulay na ng itim, at meroon syang amoy na kakaiba.. Hindi pangkaraniwan ang kanyang amoy..

Parang nakakaakit.

Pinakatitigan ko sya ng mabuti, nakangiti ito ng malawak saakin habang panay ang taas baba ng kanyang mga kilay..

Nagulat ako ng mapansing sa isang iglap nagkaroon ng bagay na pumoprotekta sakanya.. Parang invisible.. na bula? Agad din itong nawala saaking paningin.

Midnight Blood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon