KABANATA 12
ApoyCelestina
"Hala, astig!"
Nag-niningning ang mga mata ni Sun habang lumilibot sa malaking bilihan ng mga gamit. Marami 'ring mga estudyanteng paroo't parito upang bumili ng kanilang mga gamit para sa nalalapit na pasukan.
Ikatlong araw na namin sa Midnight Blood Academy kung kaya't namimili na ng kagamitan para sa paghanda sa nalalapit na pasukan.
"Bakit hindi masulatan?" Kunot noong pinagmasdan ni Trive ang papel sa kanyang harapan.
Sinulyapan ko ang hawak kong notebook na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mabuksan.
"Itong notebook na hawak ko. Choosy pa. Ayaw bumuka."
"Ay, di man gumagana itong ballpen?" lumapit saamin si Sun habang nakakunot ang noo sa hawak ng ballpen.
"Bulok mga gamit." Sabay-sabay naming sabi.
"Ay, mga tanga." We heard a voice murmur at our back.
"Hindi kami jejemon!" Sabay naming sigaw sa antipatikong nasa aming likuran walang iba kundi si Dwi. Sino pa nga ba.
Base sa nakakunot nyang noo. Iritado sya sa kung ano mang pinang-gagawa namin.
"Hindi kami jejemon! Sadyang bulok ang mga gamit dito!" Sigaw ni Sun.
Hindi ko rin sinaway ang malakas nyang boses dahil gusto kong marinig ng lahat ng tagapag-silbi sa eskwelahan na 'to kung gaano ka walang kwenta ang kanilang mga kagamitan.
"Hindi masulatan ang mga papel!" Iritadong sigaw ni Trive.
"Hindi bumubukas ang mga notebook! Ano 'to kelangan pa ng susi?!" Umismid naman ako.
"At higit sa lahat walang tinta lahat ng ballpen! Sa tingin mo paano ako makakapag-aral kung walang ballpen?!" Seryosong wika ni Sun.
Napatanga kaming lahat 'kay Sun.
"Aral daw oh, kami pa niloko mo. Lumayas ka sa paningin ko Araw. Nagdidilim paningin ko." Nagtaas ako ng kilay kay Sun.
Imbis na mainis binigyan nya ako ng nakakairitang ngiti. "Kaya nga mas magandang nasa tabi mo ako. Ako ang liliwang sa nagdidilim mong mundo."
Tinaas baba nya pa ang dalawang kilay habang nakangiti ng nakakaloko sakin.
Isang malakas na siko ang kanyang natanggap mula sa aming tatlo. Isang malakas na aray din ang aming narinig.
"Try mo kasi! Tingnan natin kung sinong hindi marunong gumamit." Ngumisi saakin si Sun.
Umirap ako at hinablot sakanya ang ballpen na hugis balahibi. Agad ko itong isinulat sa isang papel ngunit parang walang tinta.
"Baka kailangang isawsaw 'to?" Nagtatakang sabi ko.
"Ay bulok!" inis kong sabi. Ano ba naman 'tong mga gamit na 'to! Hindi gumagana lahat!
"What the fuck.." An irritating voice enterupt us.
Halos sabay lang nang lumingon kaming tatlo sa aming likod kung saan makikita ang isang bampirang mapag-mataas na walang habas na binibigyan kami ng nakakairitang tingin.
His arms are crossed habang tinitingnan kami ng may halong pagmamayabang.
"Anong sabi mo? anong wika ang 'yong ginamit! Baka minumura mo na kami ah!" Sun hissed.