Kabanata sinco
AlaalaCelestina
NAPAHAWAK ako saaking ulo nang sumakit ito. Rumagasa ang mga ala-alang saglit kong nakalimutan kanina lamang.. Ang kaninang magaan na pakiramdam ay bumigat.
Sa isang iglap nandito akong muli sa tapat nilang tatlo suot ang bestida na punit-punit at katatayo lamang galing sa kamang gawa sa sanga.
Nanlaki ang aking mga mata ng maalala ang lahat. Ang trahedya, ang aking pamilya.. Si.. Si Eve! Nasaan na ang aking kaibigan?
"Mukhang nakakaalala na ang dalaga Sun."
Dumako ang tingin ko kay Dwi na nakaupo parin sa sanga. Hawak nya ang sanggol na ngayo'y gising na at bahagyang humihikab.
Nakita kong natigilan si Sun sa pagtingin sa paligid, dahan-dahan syang lumingon sakin habang nanlalaki ang mga mata.
"Wala pang ilang minuto mula nang sya'y magising ngunit naaalala nya na ang lahat? Kayang-kaya nyang lunasan ang iyong kapangyarihan Sun,"
Bumaling sakin ang nakangising si Trive. "kahanga-hanga ka mahal na prinsesa." Lumawak ang kanyang ngisi.
Kumunot ang aking noo dahil sa mga pinagsasabi nilang hindi ko maintindihan.
"H-Hindi.." Dumako muli ang tingin ko kay Sun na hindi magkanda-ugaga sa pagsalita.
"P-Paano mo nagawa iyan? Wala pang sinuman ang nakatakas sa aking kontrol!" Bahagya ng tumaas ang boses ni Sun habang naguguluhang nakatingin sakin.
Kahit ako'y naguguluhan narin sakanila.
"Ibahin mo ang mahal na prinsesa Sun. Kayang-kaya ka nyang talunin.." Pagak na humalakhak si Trive habang natutuwang nakatingin saamin.
- Realidad -
IBINALIK ko ang tingin sa daan, diretso kong pinagpatuloy ang pagtakbo.
Nakatakas ako sakanilang tatlo. Tatlong oras na ang nakakalipas..
Mali.. Pinatakas nila ako kasama ang sanggol na ito..
Simula nang makababa ako galing sa puno ay wala na akong ginawa kundi ang tumkbo ng tumakbo. Paulit-ulit.. Hanggang sa naramdaman ko nanaman itong pag-kauhaw.
Labis ang aking pagkagutom kung kaya't gayun na lamang ang pagmamadali kong pumunta sa gitna na nayon upang humingi ng tulong..
Kaunti na lamang.. Hirap na hirap ako sa pag-pipigil na muling tingnan ang sanggol dahil alam ko sa oras na tingnan ko ito..
Hindi ko na alam kung makakaya ko pang kontrolin ang aking sarili..
"Makakarating tayo sa ating paroroonan. Ikinatitiyak ko.." Bulong ko sa sanggol habang patuloy sa matuling pagtakbo.
Ngunit agad ding napahinto ng may biglang galing sa taas ng puno ay may lalaking bumagsak sa harapan ko mismo.
Napasinghap ako at agarang huminto sa pagtakbo dahil nakaharang sya sa daraanan. Humigpit ang yakap ko sa sanggol sa aking bisig.