Prologo

1K 32 9
                                    

Malamig ang simoy ng hangin. Pulang-pula ang bilog na buwan na siyang nagbibigay ng kaunting sinag sa aking pagtakbo.

"Tangina, dead end!" I cursed myself. Maling liko! Agad akong lumiko sa isa pang lagusan.

Rinig ang dagundong sa buong paligid.
Pati na rin ang dagundong sa aking dibdib.

"Saan ba ang daan?!"

Dito nakasalalay ang lahat.

Kapag nakita ako tiyak ang kamatayan ko.

"Shit!" Napamura ako ng maramdaman ang hapdi saaking kaliwang braso.

Pulang pula ang walang habas na pagragasa ng aking dugo. Amoy ko ang bango at tamis ng halimuyak ng sarili kong dugo.

Tiyak na hindi makakalampas ang ganitong amoy sakanila.

Huminto ako sa pagtakbo sa walang katapusang maze na pinasukan ko.

Daang libo ang daan. Daang Libo din ang dead end. Isa lamang ang tamang daan.

Sinong makakalabas dito sa loob lamang ng isang oras?

Malabo ang makalabas. Pero kapag hindi nakalabas sa loob ng isang oras, tiyak din ang kamatayan sa loob ng maze.

Makalabas man, hindi parin tiyak ang kaligtasan. Dahil sa dulo ng maze makakalaban ang pinakamalakas sa lahat.

Parehas lang din.
Walang mabubuhay.

It's like you only have two choices.

Death or death.

Para nila kaming pinasok sa loob para mamatay.

Pero tangina! May mga kaibigan akong nasa loob din! Hanggang ngayon wala pa akong nakikita kahit isa sakanila!

Puntanginang school 'to!

"Ah!"

Isang malakas na sigaw sa paligid ang aking narinig. Malapit lang saakin.

Mabilis akong nagmasid sa kapaligiran. Mahigpit kong hinawakan ang dagger saaking kanang kamay. Habang nakasabit sa likod ko ang aking boomerang. Hinayaan nang bumulwak ang dugo sa kaliwang braso.

Shit. Mahihirapan ako. Kaliwete ako. Mas mabilis sana kung magagamit ko ang kaliwang kamay ngunit hindi maaari dahil sa malalim na sugat na natamo.

Sigurado akong amoy na ng lahat ang dugo ko. Bibilang ako ng ilang minuto para makarating saakin ang mga kalaban.

If only I can use my power..

"There you are.." Isang babaeng may hawak na malaking maso ang nakangisi ng lumabas mula sa likuran ko.

Hindi na ako nagulat nang sya ang nakita ko. Alam ko na umpisa palang. Hindi dapat sya pinagkatiwalaan.

'Tangina hindi ko maramdaman presensya nya.

Fuck the rules.

"Traydor ka," I spat.

Pinapaikot ikot nya ang malaking bakal na maso sa wrist nya. Bumaba ang tingin nya kaliwang braso ko. Mas lalong lumawak ang ngisi sa nakita.

Midnight Blood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon