KABANATA NUEBE
WagasCelestina
Sampung minuto..
"Malapit nang magsara ang tarangkahan!"
Sa sigaw na 'yon na nagmula kay Sun, walang atubili kong binilisan ang pagtakbo. Hindi inalintana ang kaninang masamang karanasan.
"Celestina, ako ang 'yong bantay sa 'yong likuran." Anas ni Trive na nagmumula sa aking likuran.
Lumingon ako at nagbigay ng isang ngiti. "Maraming salamat Trive.."
Gumanti lamang sya ng isang ngiti saakin. Matapos ay walang humpay na kami sa pag-akyat ng matayog na pader.
"Bilisan na natin! Bago pa kumalat ang lason sa buong paligid!"
Isang pang iinganyo mula sa isang bampirang nagsusumikap na makaakyat din sa eskwelahan na 'to. Anim sila sa grupo. Tatlong babae na halos kasing edad ko lamang at isang batang babae, dalawang lalaki na halos kasing edad ko rin.
"Hindi na natin kakayanin pa, masyado pang matayog ang pader na kakailanganing akyatin." Wika nang isang lalaki na halatang nahihirapan na rin.
"Kung hindi ngalang napilay itong si Anie kanina pa sana tayo nasa itaas.." Ani ng isang babaeng bampira. Halos sabay-sabay silang napalingon sa lalaking may kalong-kalong sa likuran na batang babae. Duguan ito sa bandang kaliwang paa.
Malungkot na napayuko ang batang babae.
"Pasensya na.. Alam kong pabigat ako sa inyong grupo magmula ng sumali ako sainyo. Paumanhin.."
"Bakit ka ba kasi sumama saamin?! Alam mo namang dilikado ang ganitong digmaan lalo na sayo na bata pa lamang! Ni hindi ka nga marunong humawak ng kutsilyo!"
Magsasalita pa sana ang batang babae. Bumuka ang kanyang bibig ngunit ilang segundo rin ay isinara na nya itong muli. Mukhang naubusan ng sasabihin ang bata.
"Iwan nalang natin sya 'ryan Julio! Hindi tayo makakausad sa taas kung kasama natin sya!"
"H'wag nyong lalaitin ang nobya ko saaking harapan! Kung nais nyo, mauna na kayo sa tuktok. H'wag n'yo na kaming hintayin. Kaya naming makaakyat sa tuktok ng walang tulong galing sainyo."
Nanlaki ang aking mga mata sa ibinulalas ng lalaking may bitbit sa batang babae.
Nobya nya ang batang babae na iyon?! As in GF? Basit? Jowa? teka, san ko ba natutunan ang ganoong lengwuahe.
Isang itong kalapastanganan! Hindi maaaring nobya nya ang batang iyon! Wala pa ito sa wastong gulang para maglandi!
"Teka.. San ko ba natutunan ang ganoong lengwuahe? Kakaiba sa pandinig.." mahina akong napabulong saaking sarili.
"Hindi, maaari! Kailangang kasama ka namin sa pagpasok sa tarangkahan ng eskwelahan na 'to! Ano ba Julio! Iwan mo na ang batang babae na 'yan-"
"Ang batang babae na nilalait mo ay ang aking nobya!" Pagputol nang lalaki. Halos dumagundong ang malamig nyang boses sa buong lugar!