KABANATA DYIS: Akademya

221 9 7
                                    

KABANATA DYIS
Akademya

Celestina


Dumagundong ang buong paligid.

Nagising na lamang ako sa reyalidad ng makita kong waring bumagal ang oras. Nagkakagulo. Puno ng hiyawan, daing at sakit ang maririnnig sa buong paligid.

Naistorbo ako sa kampanang walang humpay sa pag-tunog. Malakas at matinis at tila indikasyon nang papalapit na sakuna. Nakakapanindig balahibo ang tunog.

Tiningala ko ang matayog na pader. Nasa ibaba na kami nito. Kung titingnan ng mabuti mula rito ay mukha lamang isang ordinaryong pader, ngunit sino nga namang mag-aakala na inabot kami ng ilang oras sa pag-akyat nito?

Nanlaki ang aking mga mata nang mapansin ko ang mga abong tila nagsasayaw sa hangin.

H-hindi ba't..

"Mga bampira." Si Trive ang sumagot ng aking katanungan na lumapit galing sa aking likuran. Inalalayan nya akong tumayo mula sa pagkakahiga sa damuhan.

"A-anong nangyare sakanila Trive?"

Ang mga abong iyon ay abo nang mga namayapang bampira.

"Namatay ang mga bampirang hindi umalis sa tuktok nang pader." malungkot nyang tugon.

Hindi ko maintindihan.. Marami ang nakarating sa tuktok. Halos kalahati ng mga sumabak ay nakaabot. Ngunit papatayin lamang nila?

"Celestina, tayo lamang lima ang nakapasa't nakatapak sa lupa mismo ng akademya.." Malungkot na tugon ni Sun. Karga nya ang walang malay na si Virgin. Bakas pa sa mga pisngi nito ang natuyong luha. Nalungkot ako nang maalala ko ang nobyo nito.

Hindi nakaabot ang kanyang nobyo. Nagsakripisyo ito upang tuparin ang kanilang pangarap.. Hindi ko alam kung anong mararamdaman nya sa oras na magising s'ya na wala na sakanyang tabi ang nobyo..

Malungkot akong napabuntong hininga. Napaka-komplikado ng pag-ibig.

"Walang tao sa paligid. Maglalakad tayo." Halos mapatalon ako sa biglaang pagsulpot ni Dwi sa aking likuran. Halos ihambalos ko sakanya ang hawak kong bag. Mabuti't nakapagpigil!

Nanlalaki ang mata na tiningnan ko sya, habang s'ya naman ay tila sarkastiko ang tingin saakin. Aba't tong ginoo na 'to!

"Ang bawat bampirang inabutan ng oras sa labas at tuktok ng pader ng akademya ay otomatikong mamamatay dahil sa lason. Mabuti't naisipan nyong bumaba, akala ko mamamatay na kayo sa tuktok."

Halos atakihin ako sa puso nang may lumundag saaking harapan. Nilingon ko pa ang paligid upang malaman kung saan sya galing.

Isang ginoo na may katamtamang tangkad. Nakatali ng pusod ang kanyang tingin ko'y mahabang buhok. May iilang takas nang buhok na hanggang balikat na syang sumasabay sa ihip nang hangin. Bughaw na mga mata at mahahabang pilik mata ang s'yang kapansin pansin sakanya.

"Isa, dalawa..." Tiningnan nya kami isa-isa. Ang kanyang dalawang kamay ay nasa kaniyang likod. Halos mapapigil hininga ako ng tumama saakin ang kanyang titig.

Midnight Blood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon