KABANATA LABING DALAWA: Nag-liliyab

223 6 2
                                    

KABANATA LABING DALAWA
Nag-liliyab

Celestina

"Penge tubig,"

"Luh."

Naningkit ang aking mga mata. "Bilis Sun. Kunan mo ako tubig nauuhaw ako!"

Mas lalong nanlaki ang kanyang mga mata at walang pakundangang nagsabi ng.. "Luh?!" Mas malakas kesa sa sinabi nya kanina.

Inambahan ko sya ng suntok. "Isa pang luh, makakatikim ka sakin! Kunan mo ako ng tubig!"

"Luh-" Sumama ang aking tingin. "-di joke lang," Agad syang umalis.

Unti-unti akong bumangon mula sa pagkakahiga. Dumaing dahil sa masakit na likod. 'Tong kama na 'to ang tigas tigas!

"Kamusta pakiramdam mo?"

Halos mapatalon ako sa gulat ng may magsalita sa gilid ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang si Trive iyon.

"Ikaw lang pala, kanina ka pa dyan?"

"Oo, magmula ng mahimatay ka kanina binantayan ka na namin. Kamusta? Okay na ba pakiramdam mo?" Ngumiti sya saakin at bahagyang lumapit.

Sinuklian ko sya ng ngiti. "Oo, ayos na pakiramdam ko. Bakit nga pala ako nahimatay?"

"Oh, tubig mo Celestina!" Marahas na inabot sakin ni Sun ang tubig.

"May galit ka sakin Sun?!" Marahas ko ring inabot sakanya ang baso.

Hindi sya nagsalita bagkus isang irap ang natanggap ko sakanya. Aba! Marunong na akong irapan ng damuhog na 'to?!

Sinipa ko ang kanyang binti habang umiinom sa baso. Napatalon sya sa gulat.

"Parang tanga, problema mo?" tinaasan ko sya ng kilay.

"Kanina ka pa Celestina ha! Kanina pa yang tanga na yan! Strike two ka na sakin!" nang-gigil na umalis sya.

Dumako ang tingin ko kay Trive, na kasalukyang nag-aayos ng iilang mga damit.

"Problema 'nun?"

Tumawa sya, "Nagtatampo yun. Kanina daw pag-gising mo hindi mo sya makilala. Nilait mo raw ng ilang beses pagkatao nya, ayun. 'Yaan mo yan. S'ya din lalapit sayo mamaya. Di ka matiis nyan."

Kumunot ang noo ko. "Nagising na ako kanina?"

Napatigil s'ya sa pagtupi at lumingon saakin.

"Oo. Hinimatay ka lang kanina nung hawak mo yung sanggol kaya ngayon ka na lamang nagising.." Napatigil sya ng may mapagtanto.

"Hindi.. mo.. maalala.." sa hina at bagal ng kanyang salita waring hindi ito tanong ng mag-rehistro saakin. Sigurado ang kanyang tono.

Nagtindigan ang aking balahibo. "Wala akong maalala." kumpormasyon ko.

--

Midnight Blood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon