KABANATA SYETE
Nakakaakit ba?Celestina
"Tabi Celestina, hindi pa nagagawa ang daanan riyan."
Agad akong tumalima sa utos ni Trive at tumabi sa daanan. Bahagya ko pang iniwasan ang mga sanga na syang tatama sana saaking mukha.
Agad pumwesto sa gitna si Trive at iwinasiwas ang kanyang kanang kamay. Kita ng dalawa kong mata kung paano unti-unting gumalaw ang mga sanga galing sa mga puno, waring nagsasayawan ang lahat ng sanga ng mga punong gumagalaw, nagsama-sama ang mga ito at sa isang iglap ay bumuo ng isang tulay sa aming harapan. Halos hindi ko makita ang dulo kung saan nagtatapos ang tulay.
Bumaba ang tingin ko sa ibaba. Nakakalula. Hindi ko na makita ang nasa ibaba sa sobrang taas ng aming kinalulugaran.
Bumaling ang tingin ko kay Trive na syang tumingin din saakin. Mula sa pulang mata bumalik ito sa orihinal na kulay.
Ngumiti siya, "Tara na?"
Umangat ang gilid ng labi ko, at tumango. Nauna na ako sa pagtapak sa tulay.
Napangiti ako habang dinadama ang mga ugat sa gilid na syang nag sisilbing hawakan at alalay narin kung sakaling may matisod at hindi makabalanse't mahuhulog.
Umangat ang aking tingin. Punong-puno ng bituin. Rinig na rinig ang mga kulisap at damang-dama ang lamig ng hangin.
Napakurap ako nang isang malakas na hangin ang tumama saakin na syang dahilan ng pagsaboy ng aking buhok diretso mismo saaking mukha.
Tumawa ako habang inaayos ang aking buhok.
"Tabi." Halos sumubsob ako nang may tumulak saakin. Diretso ang landing ko sa hawakan! Sabi na nga ba at kakailanganin ito. Kung walang harang ay tiyak na nahulog na ako!
"Bagal maglakad." Kita ko ang paglampas ng bulto sa aking gilid.
Tumayo ako ng maayos at walang pasintabing sinundan ang lakad nito.
Nagawa ko pang tulakin si Sun dahil nakaharang ito saaking daanan.
Kinalabit ko si Dwi nang makalapit ako. Mabilis ang kanyang lakad kaya pilit ko ring binibilisan ang akin.
Napaismid ako ng hindi parin sya lumingon pagtapos ng pangalawa kong kalabit. Napaka talaga ng isang to!
Bumuga ang hangin kung kaya't kinailangan kong muling ayusin ang aking buhok na sumaboy. Kinalabit kong muli si Dwi, mas malakas na ngayon kumpara sa kanina. Inayos ko ang aking buhok at inilagay ang lahat sa kanang side lamang upang hindi na muling sumabog saaking mukha.
Pagkaayos ko ay sya namang paglingon ni Dwi saakin. Iritado ang kanyang eksresyon at nakakunot ang noo. Kita ko ang dahan-dahang pagbaba ng kanyang mga mata mula sa mukha ko hanggang sa aking leeg.. na nakalitaw.. dahil nasa kaliwa ang lahat ng aking buhok.
"Ano 'bang kelangan mo?" Tanong nyang hindi parin naaalis ang tingin saaking leeg.
Peke akong umubo upang maibaling nya saakin ang kanyang atensyon at hindi nga ako nagkamali! Dahil parang napaso at agad nagbawi nang tingin si Dwi saaking leeg.