KABANATA KWATRO: Tadhana

349 15 9
                                    

KABANATA KWATRO
Tadhana

Celestina

MANGIYAK-ngiyak ako habang tinatahak ang nagtataasang damo at matatayog na puno ng paligid.

Hindi ko alam kung saan ako papunta. Basta lamang ako'y patuloy sa paglalakad.

Hindi ako magkumayaw sa paglingon kaliwa't kanan dahil sa walang hanggang mga puno habang hawak sa aking bisig ang natutulog na sanggol.

Pinagmasdan ko ang natutulog na sanggol, mabuti pa sya nakakapagpahinga samantalang ako'y hapong hapo at nagugutom na..

Tumigil ako at lumingon sa likod. Hindi nga sila sumunod sakin. Kasabay ng pag ihip ng hangin ang pagbalik sakin nang wala pang tatlong oras na ala-ala.

Ilang minuto ang nakakaraan..

"Akin na ang sanggol," saad ko habang naglalahad ng kamay upang kunin ang sanggol dahil sa biglaang pag-iyak.

Bahagya ko pang hinawakan ang aking ulo ng bahagya itong kumirot.

"Hindi maaari, hindi ka marunong mag-alaga ng sanggol." Walang pasubiling anas ni Dwi habang inilalayo ang sanggol saakin.

Sumama ang tingin ko kay Dwi nang magsimula na itong lumipat ng sanga, habang inaalo ang sanggol.

"Ako ang tagapangalaga ng sanggol kung kaya't marapat lamang na sya'y ibigay mo saakin!" Nagtitimpi kong bulalas, tumayo na rin ako mula sa pagkakahiga sa isang sanga ng puno.

Muntik na rin akong matumba at mahulog sa sanga ng mapagtanto kong nasa itaas kami ng puno! Nasa tuktok ng puno kung saan halos hindi ko makita kung anong meron sa baba dahil sa sobrang dami ng sanga at dahon na syang tumatakip saamin..

At ang aking tinutungtungan ngayon ay isang kama na gawa mismo sa sanga ng punong ito. Para bang hinulma mismo ang sanga upang kumorteng kama. Malambot na kama..

Nakakamangha!

Nakita ko ang pagtaas ng gilid ng labi ni Dwi habang nakatingin saakin. Waring natuwa pa na muntik na akong mahulog!

"Tama si Dwi, mahal na prinsesa. Hindi makabubuti sayo ang paghawak sa sanggol. Marapat na sya na lamang ang mag-aalaga muna sa ngayon.." Dumako ang tingin ko kay Trive na ngayon ay nasa mas mataas pa ng sanga ng puno.

"Ang sanggol na yan ay nasa pangangalaga ko, kung kaya't ako ang may pananagutan kung sakaling mayangyaring masama sakanya!" Hindi ko na napigilan ang pagsigaw, ngunit ilang sandali pa ay napahinga ako ng malalim..

"Dwi, ibigay mo sakin ang sanggol.." Ngayon, mahinahon na ang aking boses.

"Binibini, magtiwala ka samin.. Hindi mo pa kayang kontrolin ang iyong sarili, marapat lamang na kami muna ang hahawak sakanya.." Marahan ang pagkakasabi ni Sun, ngunit tila mas lalo akong nainis.

Dumako ang tingin ko kay Sun, "Sinasabi mo bang mapapahamak ang sanggol saaking mga kamay?"

Tila hindi naapektuhang ngumiti si Sun saakin, "Oo binibini, kung kaya't marapat lamang na sya'y saaming bisig muna.."

Kumunot ang aking noo, ngunit hindi na nagbigay pa ng argumento..

"Bakit nga pala nasa taas tayo ng puno?" Maya-maya'y aking tanong sa walang hanggang katahimikan.

Midnight Blood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon