KABANATA SAIS: Dede

309 12 2
                                    

KABANATA SAIS
Dede

Celestina

"Magpakatatag ka Celestina.. Nagtitiwala ako sayo. Alam kong kaya mong lagpasan ang problemang 'yan."

Madilim ang paligid hindi ko makita kung sino ang nagsasalita, ngunit ayon sa boses.. babae.

"S-sino ka?! Ano ang iyong ibig sabihin?"

Unti-unting naaninag ko ang liwanag. Nakita ko sa aking paningin ang isang dalaga. Magandang dalaga..

Ngumiti saakin ang dalaga. "Babantayan kita Celestina.." Matapos ay sa hindi malamang dahilan.. Lumiliit sya saaking paningin..

"T-teka.. Hindi mo sinasabi saakin kung sino ka, hindi ka maaaring umalis na lamang!" Halos magmadali akong tumakbo upang abutan sya ngunit kahit anong bilis kong tumakbo hindi ako makalapit sakanya..

Waring hindi ako umaalis sa pwesto kahit alam ko sa sarili kong sobrang bilis na ng takbo ko.

"Mag-iingat ka lagi Celestina, paalam.." At sa isang iglap naglaho na ang dalaga.


NAGISING akong basang-basa ng pawis.. Mabilis din ang aking paghinga. Mabigat din ang aking katawan na wari mo'y tumakbo ng ilang milya.

"Celestina, ayos ka lang ba?" Napadako ang tingin ko sa aking kaliwa kung saan kinukusot pa ang matang bumangon si Sun.

"Pasensya na binibini, nakatulog ako rito sa loob habang nakaupo. Hindi ko namalayan. Paumanhin.."

Natulala ako..

Ngunit unti-unti rin akong napangiti.

Hinampas ko sa braso si Sun, "Napakaginoo mo naman.. Ngunit dapat ay hindi kana mahiya saakin. Halos sabay naman tayong lumaki hindi ba?" Lumawak ang ngiti ko.

Napakurap si Sun at umiwas ng tingin. Kumunot ang noo ko sa kanyang reaksyon.

Tipid syang tumawa, "Ikaw ay babae kung kaya't marapat lamang na ika'y galangin." Bumaba ang kanyang tingin.

"Ayon din sa batas bawal magtabi sa pagtulog ang babae at lalake hangga't hindi sila mag-asawa. Isa iyong kataksilan." Lumingon ako sa malamig na boses na galing sa labas ng punong bahay.

Nagmula ang malamig na boses kay Dwi. Malamig ang kanyang titig na waring may galit sakin.

"Lumabas muna kayo riyan.." Ani Trive mula sa labas nang..

Teka ano to? Pinagmasdan kong mabuti kung saan kami natulog at pansamantalang nagpahinga mula sa nakakapagod na paglalakbay.

Nasa taas nanaman kami ng puno marahil dahil sa ibang simoy ng hangin na aking naaamoy.

Patag ang daan na marahil ay kagagawan nanaman ni Trive. Ang alam ko'y may kontrol sya sa mga kalikasan kung kaya't napapasunod nya ang mga puno, ugat at maski mga dahon nito.

Gumawa si Trive ng isang ligtas na mapapagpahingahan sa pinakatuktok ng puno. Sobrang taas nito at sa hindi malamang dahilan umaayon ang kulay ng puno sa kulay sa kapaligiran. Parang... chameleon, kaya't walang makakapansin nito..

Ginawang patag gamit ang mga ugat upang meroong kongkretong lalakaran, sa may bandang gitna ay ang parang iglog na nagsisilbi naming pahingahan sa gabing ito. Sa loob ay malawak at meroong banig, unan at kumot na lahat ay gawa sa mga dahon kung saan nakalapag ang sanggol.

Nilagyan ko muna ng tela bago ko inihiga ang sanggol sa banig upang nang sa gayon ay maprotektahan sa kung ano mang impeksyon. Dahil ang sanggol ay sensitibo.

Midnight Blood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon