KABANATA UNO
Ang simulaCelestina
Labing anim na taong gulang palang ako ng mamulat sa isang kasinungalingan na buong buhay ko.
Akala ko ay normal na lamang ang lahat ng nangyayare sa paligid ko.
Akala ko normal na lamang saamin ang matulog at magpahinga sa loob ng bahay at bawal na bawal ang lumabas tuwing umaga dahil meroong sakit sa balat ang nayon.
Naalala ko pa noon halos mapatay ako ng aking ama noong minsan akong magtangkang lumabas.
"Hindi ka maaaring lumabas Celestina! Sinusuway mo na talaga ako!"
Nandito ako sa tapat ng bintana ng balkonahe at bahagyang naka gilid ang mga kurtina dahilan para ma-inganyo akong lumabas.
"Ngunit Ama, nais ko lamang makipaglaro sa mga paro-paru.." katwiran ko.
"Hindi 'maaari Celestina! Hindi ka maaaring maarawan dahil sensitibo ang 'yong balat! Hintayin mo na lamang na magtakip silim kung saan wala na ang araw bago ka lumabas ng pamamahay!"
Napaismid ako, dahil tanghaling tapat pa lamang. "Ngunit Ama, napakatagal pa po ng takip silim. Napakataas pa po ng sikat ng araw."
Lumapit ito sa bintana ko nang mapansin nyang bahagyang nakagilid ang mga kurtina ko, dahan-dahan nya itong inayos matapos ay humarap saakin.
"Halika't ipagpatuloy mo na lamang ang pagbabasa sa silid-aklatan bilang paghahanda sa nalalapit mong kasal."
Labing anim na taong gulang pa lamang ako 'nun ngunit nakatakda na akong ikasal sa isang prinsipe sa kabilang nayon upang mas mapalawak ang nasasakupan ni ama.
Dahan-dahan akong yumuko. "Opo, ama."
Nagsimula nang lumakad si ama palabas nang aking silid kung kaya't pasimple akong sumilip mula sa maliit na siwang ng kurtina na hindi masyadong nasarado ni ama.
'Nais ko lamang sya makita..
Ngunit tanging likod na lamang ng batang lalaki ang aking nakita habang paalis ito saaming mansyon.
Nakakapanghinayang. 'Nais ko pa naman sana s'yang makalaro at mas makilala pa.
Gusto ko rin sanang itanong sakanya kung bakit sa lahat ng mamamayan na nandirito sya at tanging sya pa lamang ang nakita kong malayang nakakapaglakad sa ilalim ng sikat ng araw.
Tanghaling tapat kung kaya't siguro'y napakasakit tumama sa balat ng sikat ng araw.
Habang nakatitig, nagulat ako nang huminto ito sa paglalakad at unti-unting lumingon sa direksyon ko, dahang-dahan syang ngumiti saakin at itinaas ang kanang kamay sa direksyon ko na tila parang may inaabot sa kalangitan..
Muli, para nanaman nya akong iniingganyong lumabas ng bahay at maglaro sa ilalim ng araw..
"Celestina? Halika na anak! Marami kang librong sasauluhin bago kita papayagang maglaro sa labas mamayang takip silim!" Agad akong umiwas ng titig sa kapwa ko ka-edaran na lalake.
Sabi ni ina ay hindi raw ako maaaring tumitig sa mga kalalakihan dahil malaki itong kasalanan.
Agad akong tumalima saaking ama at nagsimula nang maglakad palabas ng aking silid.
Sa huling pagkakataon, muli 'kong sinulyapan ang lalaki at nanlaki ang mga mata ng makitang wala na ito sa kinatatayuan nito kanina lamang..
Agad akong nagmadaling lumakad palabas, mangiyak-ngiyak kong tinawag si ama.