Saturday ngayon diba? Bakit ang aga kong nagising? At kung hindi masakit ang ulo ko, iisipin kong hindi talaga ko nalasing kagabi. Imagine naubos na ang natitira sa sweldo ko sa kakalaklak ng alak kagabi pero pag uwi ko hindi parin ako makatulog at hindi parin mawala sa isip ko si Caleb. New record yun ha?
Tumingin ako sa alarm clock ko 6am am pa lang at sa pag kakaalam ko alas tres na ng madaling araw e dilat na dilat pa ko. Bumaling naman ang tingin ko sa terrace, naiwan ko pa lang bukas ang venetian blinds at kurtina ng pinto sa terrace ko. Ang ganda ng sikat ng araw. Sign ba yun na maganda ang araw na to?
Teka..
Kumurap kurap naman ako sa nakita ko.
Bakit may lalaki sa terrace ko?! O_O
At dahil kagigising ko lang at wala pa kong suot na contact lens kaya hindi ko makita kung sino yun.
Sinampal ko pa ang sarili ko dahil baka nananaginip lang ako.
And take note, kahit malabo mata ko alam kong naka topless ang lalaking yun!
WTF! O_O Wala naman akong kasamang lalaki kagabi at sigurado ako dun!
Kinapa ko ang reading glasses sa drawer sa tabi ng kama ko.
Mabilis kong sinuot ang glasses ko at napanganga sa nakita ko.
“C—Caleb?!” O_O
Bumangon ako sa kama at lumabas papunta sa terrace.
Isang topless na Caleb ang nasa harap ko ngayon.
Umagang umaga Caleb nanaman?! Nag ha-hallucinate na yata ako.
FVCK!!!
KAILAN PA NAGKARON NG BILLBOARD SI CALEB SA TAPAT NG CONDO KO?!! :O
Wala pa yan kahapon ng umaga, Hindi ko ba yan napansin kagabi? Saktong sakto pa talaga sa pwesto ng unit ko at ng kama ko.
Pffffft!!! Padabog akong pumasok sa kawarto at sinarado ang pinto at kurtina sa terrace.
*Krruuuuuu*~~
“A-aaww..”
Hinawakan ko ang kumukulo at nag rereklamong tiyan ko. Tsshhh! Siguro gutom lang to for sure.
I shake my head. This is bad! Umagang umaga pa lang, Caleb nanaman ang nasa utak ko.
Dumiretso ako sa kitchen para kumain ng toasted bread at uminom ng coffee.
Hoo! Feels great. Inenjoy ko muna for the mean time ang breakfast ko.
Pero nag tataka parin ako kung bakit hindi ko napansin yung billboard kagabi? >_< Tinadhana ba na sa tapat ng condo ko ilagay yung billboard niya?! Sign ba yun na dapat ko na siya kausapin dahil namimiss ko na siya? Or talagang hindi ko na maiiwasan si Caleb? One week pa lang kami na mag kaaway pero pakiramdam ko ilang months na kami hindi nag kikita!
BINABASA MO ANG
Partners in Crime
RomanceA party girl and a certified alcoholic may be the first few things to describe her. She's an ordinary working college girl who's brave and strong enough to live independently in her life. But once her heart got broken.. She met an extraordinary wom...