Chapter One

32.4K 400 31
                                    

"HI pogi." Napapitlag si JULIAN sa babaeng tumabi sa kanya.

Si KATRINA MANDAYO--labing-anim na taong gulang katulad niya at parehong nasa ika-apat na taon ng sekondaryo. Maganda. Maamong mga mata. Nakabibighani ang mga ngiti. Mahaba ang itimang mga buhok. Bilugang mga mata na bumagay sa katamtamang tangos ng ilong. Kaaya-aya din ang mapula ang makipot nitong mga labi. Morena ang kutis at makinis, parang nakahihiyang ihaplos doon ang makalyo niyang palad. At higit sa lahat...syota raw ito ng bayan.

Nangasim ang kanyang sikmura sa huling tinuran. At bakit hindi, iyon ang bansag ng buong baryo rito. At ang pakikipaglapit dito ang kahuli-hulihang bagay na nais niyang gawin. kaya naman kung maka-iiwas, gagawin niya.

Nasamyo niya ang mabango nitong buhok na hinangin pagawi sa kanya. At dahil humarang ito sa kanyang harapan, tumiyad sa kanyang mukha, mas nakita niya ang kagandahan nitong mapang-akit nang mas malapitan. His heart suddenly thumped against his control.

"Uuwi ka na?" Her smile caught him off-guard. His eyes couldn't avert from those natural red rose colored lips. 

Tumango lang siya.

"Pasabay ha?" Humilig ang leeg nito pagilid. Kumagat ang ngipin sa ibabang labi. 

Napalunok siya. Mabilis niyang iniiwas ang paningin, at umatras tsaka gumilid ng daan para iwasan ito.

"Totoo palang pipi ka?" Pahabol nito habang humahanay sa kanyang malalaking mga hakbang. 

Huminto siya tsaka humarap dito, kunot ang noo. "Anong pipi?"

Sa halip ay humalakhak ito. Hinampas pa ang kanyang balikat. Tuwang-tuwa sa kanyang reaksiyon. Magkagayon man, hindi nakabawas iyon sa angkin nitong kagandahan. Lumitaw ang maliit nitong dimple sa kaliwang pisngi. When he found out he was being mesmerized by her, he snapped himself. Muli siyang humakabang. Mabilis. Nais makalayo rito.

"Uy, saglit naman." Habol uli nito. "Pikon ka pala. Para binibiro ka lang e. Ayaw mo kasing magsalita kaya napipi tuloy kita," paliwanag nito.

"Ano bang kailangan mo?" Hindi niya itinago ang pagka-irita, sinadya pa nga niyang ipakita. Ayaw niyang amining naaapektuhan siya sa mabango nitong buhok. Natutukso siyang isuksok ang mga daliri roon, at langhapin nang mas malapitan.

"Crush kasi kita e. Wala ka namang nobya 'no? Wala kasi akong nakikitang kasa-kasama mo sa pag-uwi." Natural na lumabas iyon sa bibig nito na para bang nagtatanong lang ito ng direksiyon ng daan.

Napapalatak siya. Nadismaya sa ugali nito. "Hindi ko kailangang ipaalam kung mayroon man o wala." Patuloy siya sa paglakad.

"Ang sungit mo talaga. Sandali naman! Ba't ba ang bilis mong maglakad?" Nahirapan ito sa paghanay sa kanya.

Lalo pa niyang binilisan ang paglakad para lalong magka-agwat ang pagitan nila. Subalit natigil nang marinig ang pag-aray nito. Lumingon siya. Nakita niyang nakadapa ito at nakalugmok sa lupa. Nang maupo ito'y napansin niya ang munting dugong umagos sa tuhod nito. Bago pa siya nakapag-isip, mabilis niya itong dinaluhan.

"Okey ka lang?" Hinugot niya ang puting panyo na nasa bulsa ng pantalon at inilapat sa gasgas nito.

"Hala, puti iyan! Bakit iyan ang ginamit mo? hindi na mawawala ang mantsa niyan." Sinaway siya nito, itinulak ang kanyang kamay.

"Panyo lang iyan. Kaya mo bang maglakad?" He felt guilty about it.

"Oo naman. Malayo ito sa bituka." Nagbiro pa ito. Hindi niya naiwasang mangiti. Hindi naman pala ito maarte katulad nang naisip niya.

"Tutulungan na lang kitang tumayo." At inihanda nga niya ang sarili sa pag-alalay rito. Nagsimula silang humakbang, subalit pinigilan siya nito sa braso pagkalipas ng ilang minuto.

BETRAYALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon