Chapter Eight

9K 226 15
                                    



Chapter Eight

NANLALATA at bagsak ang balikat na pumunta si Julian sa silid na bakante since praktis pa rin nila sa field para sa graduation. Sumandig siya sa black board. Minumura niya ang sarili. Nagagalit. Hindi na niya alam kung ano ang dapat isipin.

Humangin sa bintana at gumalaw ang mga kurtina roon. Napansin niya na may nakaipit sa gilid ng pinakasulok ng bintana na gawa sa bakal. Nilapitan niya iyon at sinuri. Parang papel. Kinuha niya iyon at saka ibinuklat sa pagkakalukot.

Hindi niya sana papansinin iyon dahil poster ito ng isang babaeng modelo o bold star na walang anumang saplot sa katawan. Litaw na litaw rin ang malulusog na dibdib nito. Lalakumusin sana niya uli iyon ng mahagip ng kanyang paningin ang mukha niyon. Mabilis niya uling binuklat iyon at saka pinakatitigan ang litrato.

Mukha ni Kat ang nasa poster. Mukha nitong nakatagilid ang kuha. Idinikit iyon sa katawan ng isang babaeng walang saplot. It's photoshopped! Sinong gumawa nito? Bakit nila ginawa ito? Bakit...teka, alam ba ito ni Kat? Tanong niya sa sarili.


"Julian." May tumawag sa likuran niya. Kahit hindi niya lingunin, alam niya na kung sino iyon. Hindi siya lumingon.

"Sa'n mo kinuha iyan? Matagal ko na iyang hinahanap ah. Sino nagbigay sa'yo niyan?" agaw ni Ramon sa poster na hawak.

"Alam mo ba ang tungkol dito?" nagtitimpi niyang tanong.

Ngumisi ito, nakakalokong ngiti. "Pinagawa ko sa pinsan ko sa bayan. Sa computer shop siya nagta-trabaho. Kinuhanan ko ng picture si Kat at saka niya nilagay sa katawang no'ng nakahubad na nasa poster. Ang galing 'no? Bagay na bagay. Paniguradong ganyan din kalaki ang boob---"

Sinuntok niya sa panga si Ramon. Hindi na niya ito pinatapos sa sinasabi. Lumabas na ang galit na kanina pa niya tinitimpi. "Gago ka palang hayop ka eh! Ito ba ang ginamit mo para pilitin si Kat na magpagalaw sa'yo, ha! At may gana ka pang saktan siya, tarantado ka!" tinadyakan niya ito sa katawan.

Sumigaw ito sa sakit pero hindi siya tumigil sa pagtadyak dito. Kung puwede lang pumatay ay ginawa na niya. Lumuhod siya para kuwelyuhan ito. May dugo nang nakabahid sa gilid ng mukha nito pero hindi pa iyon sapat sa mga ginawa nitong pananakit at pananakot kay Kat. Binigyan niya uli ito ng ilang suntok sa mukha hanggang sa halos hindi na ito kumilos.

"Gago ka, Ramon. Hindi mo laruan si Katrina. Tao siya at hindi hayop na 'tulad mo." at saka niya ito pinawalan.

Umubo-ubo ito. Dugo ang lumabas sa bibig nito pero hindi siya nakaramdam ng awa rito. He deserves it, all of it! 

Iniwan niya itong nakahandusay sa sahig ng silid-klase nila. Alam niyang hindi tama ang ginawa niya, maaari pa ngang mauntol ang pagpunta niya ng Maynila at ang scholarship niya kapag nagkaro'n siya ng bad records pero hindi na niya napigilan ang sarili.

Inosente si Kat. Inosente ang nobya niya. Hindi siya nito niloko. Hindi siya nito pinaglaruan. Oh god, how he was so wrong to accused her of cheating on him. Sinaktan niya ito. Sana ay mapatawad siya nito, sana lang ay tanggapin siya uli nito.


Tatlong araw na hindi dumalo sa klase si Kat. Natapos na rin ang praktis nila sa pagmamartsa. Next week na ang kanilang graduation. Gusto niyang makita ito. Gusto niyang humingi ng tawad sa ginawa niyang pananakit sa nobya.

Pauwi na siya nang madaanan ang ilog. Nahinto siya sa paghakbang, Kat likes to go to the river, it's her favorite place...her secret haven. Naroon kaya ito ngayon doon? Natanong niya sa sarili.

BETRAYALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon