Chapter Thirteen

8.1K 186 32
                                    


***To one of my partners, i dedicate this chapter to you, salamat sa pag-like. HopelessWings, for you ;)


Chapter Thirteen--Warning, ma-drama po itong chapter na ito kaya tiis na lang muna. 


"ANO ba!? Bitawan mo nga si Junjun. Bakit ba sinasaktan mo na naman ang anak natin? Nakainom ka na naman ba?" saway ni Katrina sa asawang si Ramon sa ginagawa nitong pananapak sa ulo ng anak.

Dahil sa ginawa niya, siya naman ang hinarap nito at dumapo sa pisngi niya ang malakas na sampal ni Ramon. Hinawakan niya ang pisnging nasaktan. Nalasahan pa niya ang dugong namuo sa labing nasugatan.

Mabilis niyang kinuha ang anak at iniharang ang sarili rito para hindi na ito mahablot pa ni Ramon.

"Lumayas ka sa harap ko! Akina ang batang abnormal na iyan at ng mapatay ko na!" sigaw nito. Halos hindi na ito magkagulapay sa pagtayo ng matuwid subalit may lakas pa ring saktan ang anak.

"Walang ginagawang masama si Junjun sa'yo. Bakit lagi mo na lang siyang pinagdidiskitahan?" sigaw niya.

"Ah leche! Hindi ko anak ang abnormal na batang iyan. Hindi akin iyan. Anak mo iyan sa ibang lalaki, puta ka!" at saka siya hinablot sa braso at muling dumapo ang kamay nito sa isa pa niyang pisngi.

Umilag siya subalit lalo lang itong nag-ulol sa galit. Dinampot siya nito sa buhok at saka hinila at ibinalibag sa dingding nilang gawa lamang sa manipis na plywood kaya nagiba iyon ng masadsad siya roon.

"T-tama na, Ramon. Nasasaktan ako!" sigaw niya.

"Leche! Puro kamalasan na lang ang nangyayari sa buhay ko mula ng makasama kita. Wala ka nang idinulot kundi reklamo at pagbubunganga. Ni wala kang pakinabang. 'Tang'ina. Kapag ako hindi nakabayad sa pinagkakautangan ko, ibebenta ko iyang anak mong abnormal!" ibinalibag nito ang maliit na mesang gawa sa rattan sa kanya. Nasapul siya sa mga brasong ginawa niyang pananggalang sa kanyang dibdib na tatamaan sana nito.

Saka lang ito dumiretso sa kanilang silid at nakatulog na marahil dahil wala na siyang narinig na ingay mula rito.

Mabilis niyang dinaluhan ang anak. Basa ang mukha nito sa mga pagluhang ginawa subalit hindi niya narinig na umiyak. Walang pagbabago sa reaksiyon nito. Niyakap niya ito sa sobrang awa. Hindi niya alam kung ano ang diperensiya nito.



Pagkuwa'y dinala niya ito sa labas papunta sa bahay nina Lucy. Sa bayan na sila naninirahan mula ng magsama sila ni Ramon pitong taon na ang nakalilipas. Doon kasi ang kanilang mga trabaho kaya roon na rin sila namalagi.

"Mare?" bungad ni Lucy nang pagbuksan siya sa pagkatok sa pinto ng bahay nito.

"Mards, puwedeng tumuloy saglit?" nahihiya niyang pakiusap. Lagi na lang kasing ganito. Ito lang naman kasi ang kaibigan niya at mahihingan ng tulong.

"Naku! Pasok kayo. Punyeta! Sinaktan na naman kayo ng gagong asawa mo?" sigaw nito ng makita ang kanilang itsura.

"Lasing kasi ulit. Mukhang natalo na naman sa sugal." Paliwanag niya.

"Mards naman, kailan ba huminto sa pag-inom at pagsusugal ang Ramon na iyon? Ginagawa ka na nga niyang punching bag, pati ba naman ang ang batang walang muwang ay idinamay pa niya. Naku, kawawa naman itong inaanak ko oh." Sita niya sa mukha ni Junjun na may pasa ng nakikita.

BETRAYALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon