Chapter Twenty

8.9K 179 13
                                    

JULIAN did not waste anymore time, he takes the check out from his jeans backpocket and writes the amount and signs it. He then puts it on the table and put the white card in his shirt's front pocket.

Lahat sila ay nakatingin na hindi nakapaniwala sa kaniyang ginawa. Napatiim-bagang si Rex dahil hindi nito inakala na susunggaban niya ang offer nito.

"You're a crazy son of--"

"Shut your mouth, Aries!" angil niya sa sasabihin sana nito.

"Are you serious, huh, Julian? A person like you who picks up pennies in the street because you think it has a value will pay a million for a fucking prostitute? You've got to be kidding me, or you hit your head somewhere and not in your mind right now," maging si Duke na hindi masyadong namumuna, ngayon ay nagsalita na rin.

"Yes, I was. I must be insane but I don't want to run away from my past anymore. She...her name is Katrina and she was my Kat before she became Trina to everyone. It was my fault...it's my fault," he let go of the feelings he's been keeping.

Tumalikod siya sa mga ito at humarap sa bintanang salamin at tumingin sa kalangitan. Maging ang makulimlim at umuulang kalangitan ay nakikiisa sa kaniyang nararamdaman. Subalit sa miserableng pakiramdam niya ngayon ay alam niyang wala lang kumpara sa kalagayan ni Kat. Hindi na niya mahihila ang panahon para baguhin ang mga nakalipas na, pero may panahon pa siya para bumawi.

Sa totoo lang ay hindi na niya alam ang dapat maramdaman at isipin. Okupado ni Katrina ang kaniyang buong kaisipan at damdamin at ang pagsirit ng kunsensiya dahil sa kalagayan nito ngayon. Pakiramdam niya ay may kasalanan siya rito at gusto niyang bumawi.

***

"Mards, okey ka lang?" nilapitan ni Lucy ang kaibigan, nasa loob sila ng apartment na inuupahan nilang pareho.

"Lucy, nakita ko siya...nakita ko uli siya," pinahid nito ang luhang bumasa sa pisngi.

"S-si...si Julian ba ang tinutukoy mo?" naupo siya sa harapan nito, katapat nang bintana at pinanonood ang malakas na ulan ng hatinggabi.

"Natupad na niya ang pangarap niya, he looks so....dignified. Ikakasal na siya, Lucy."

"T-talaga..." iyon lang ang tangi niyang naisagot.

"At ako...nanatili sa putik na inaasahan niyang makikita. Pinatunayan ng kalagayan ko ang mga salitang binitiwan niya sa akin noon. At ang masakit...binili niya ako, Lucy at ipinamukha niya sa akin iyon," hinapit nito ang dibdib na tila hirap sa paghinga.

"K-Kat..." naluha siya, awang-awa sa kaibigan.

"Ang sakit pa rin...ang sakit pa ring makita na hanggang sa ganito na lamang ang aming pagtitinginan. Akala ko ay wala na ang sakit ng nakaraan pero...pero mas masakit pa rin dahil...dahil walang nabago...siya pa rin siya, at ako pa rin ang dating ako. Lucy, pagod na ako. Nawawalan na ako ng pag-asa na makikita ko pa ang aking anak. Gusto ko ng sumuko. Natatakot ako sa bawat araw sa naiisip na wala namang patutunguhan ang mga ginagawa ko."

Sa tatlong taon na nilang pananatili rito sa Laguna, wala itong ibang ginawa kung hindi ang pagurin ang sarili sa pagkayod may maipanustos lang sa paghahanap sa nawawalang si Junjun. Minsan ay gusto niyang sumbatan ang Diyos sa mga trahedyang nangyayari sa kaibigan. Para kasing galit Ito dahil hindi man lang Nito binigyan ng kahit isang dahilan para ngumiti ang kaibigan.

"Pero alam mo kung ano ang mas masaklap, Lucy...nang makita ko siya...gusto kong umiwas, tumakbo, magtago, kasi...kasi ang dumi-dumi ko...at nang haplusin niya ako at angkinin, naramdaman ko na...narito pa rin siya sa puso ko, na mahal ko pa rin siya pero...pero wala na akong karapatang gawin iyon kasi...noon magpahangga ngayon, magkaiba pa rin kami ng mundong ginagalawan. Masyado na siyang matayog samantalang ako, nakalublob na sa putikan na inaasahan niyang mangyayari sa akin."

BETRAYALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon