Chapter Ten

9.1K 235 12
                                    

Chapter Ten

KANINA pa nakatayo si Julian sa harap ng maliit na clinic sa bayan. Kararating lang niya galing sa Maynila at naisip niyang gumawi rito para...muli siyang kinabahan.

Nahihiya siya sa totoo lang pero malakas ang bugso ng damdamin na makuha ang kanyang sadya. Medyo may kamahalan kasi ang sadya niya bukod sa it comes in a pack at hindi ibinebenta ng isa lang.


May pumasok na isang lalaki sa clinic, nasa gitnang edad na ito at sumunod siya sa likod nito. Umupo 'yong lalaki sa harap ng desk kung saan may isang volunteer nurse na babae na nakatao roon, nasa mid-thirty's siguro ito.

Tumayo siya para magtanong pero nahinto ng makita sa counter top ng desk ang isang basket na kanyang sadya. Biglang kumabog ang kanyang dibdib.

"May kailangan ka?" tanong no'ng nurse.

"H-ha?" hindi siya mapakali.

Tiningnan lang siya no'ng nurse, naghihintay sa kanyang sasabihin.

"Ahm...ano kasi...ano po..." papalit-palit ang tingin niya rito at doon sa laman ng basket. Sumunod ang tinign no'ng nurse sa kanyang tinitingnan at saka ngumiti.

"Sige, kumuha ka lang kahit ilan. Libre naman iyan." Lalo pa itong ngumiti.

Alam niyang namumula na ang kanyang mukha at nakatingin pa sa kanya 'yong lalaking sinundan niya kanina at dalawang babae na nasa gitnang edad din na nakaupo rin sa mga silya habang naghihintay sa kanilang appointments.

Parang gusto niyang tumalikod at kumaripas ng takbo.

"Sige na, huwag ka ng mahiya. Mas makakatulong sa inyo ng girlfriend mo ang paggamit mo ng condom. Safe sex means safe life." Kindat pa no'ng nurse.

Medyo tinakpan ng kanyang kamay ang kanyang mukha na para bang maitatago niya ang kanyang kahihiyan. Pagkuwa'y dumaklot 'yong nurse ng ilang condoms at iniabot sa kanya. Ito pa mismo ang nagsuksok ng mga iyon sa kanyang kamay.

"Safe sex, okey?" ulit pa nito.

Mabilis siyang tumango at nagpasalamat dito bago mabilis na tumalikod at umalis na. Mabilis din niyang ipinasok sa sukbit na backpack ang ilang condoms at itinago iyon. Nanginginig pa rin siya sa ginawa, nahihiya.

Tinakbo niya ang sakayan ng jeep papunta sa kanilang baryo. Tumakbo siya ng mabilis para pakalmahin ang nararamdamang panginginig at alanganin sa sarili. Pagkatapos niyang kastiguhin ang sarili, natawa siya. Tumatawa siya sa sariling kalokohan habang tumatakbo. "Gago!" sigaw pa niya sa sarili.


Dalawang linggo siyang nawala para asikasuhin ang dapat niyang asikasuhin sa Maynila para sa kanyang nalalapit na pagtira roon kapag nagsimula na ang kanyang kolehiyo. Nakangiti siyang sinalubong ng ina at kapatid na si Juliet.

"Nagkasya ba ang perang ibinigay ko? Hindi ka ba nagutom? Okey ka lang ba?" sunod-sunod na tanong ng nanay niya.

"Opo, 'nay. Mayroon pa nga pong natira. Heto nga po pala at binilhan ko kayo ng pasalubong." At saka may hinila sa loob ng kanyang bag, kasabay noon ang paghugot sa mga condoms at nahulog iyon sa papag na sahig.

Napalunok siya at biglang kinabahan. Mabilis niya iyong dinampot at isinuksok sa bulsa ng suot na pantalon. Natatakot na mapansin ng kanyang ina.

Kumunot ang noo nito na tumingin sa kanya. Lalo siyang kinabahan. "Ano iyon?" nawala ang ngiti nito.

"Ah, wala 'yon 'nay, ano lang...kendi." Pagsisinungaling niya.

BETRAYALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon