Chapter Twenty Two - Final

21.1K 365 180
                                    

ATTENTION: RAW AND UNEDITED.  EXPECT ERRORS AND TYPOS.

FINAL CHAPTER

"GALIT na galit si Ramon nang malaman niyang tayo. Nang gabing iyon, sinigurado niyang hindi mo ako maisasama sa Maynila kaya pinalanghap niya ako ng pampatulog at kinaladkad sa lugar na nalaman niyang pinagtatagpuan natin. Ginahasa niya ako Julian, binaboy niya ako."

Hindi niya naitago ang pagsinghap sa narinig. Nanumbalik sa kaniyang alaala ang nangyri nang gabing iyon, tila sariwa pa rin ang sugat ng tagpong iyon.

"Nang matagpuan mo kami, siya namang pagbalik nang aking malay pero...inunahan ka na ng iyong galit at kawalang tiwala sa akin. Iniwan mo ako, sinaktan, at ibinasura. Tinalikuran mo ang pangako mong kahit anong mangyari ay pakikinggan mo ako. You left me, Julian...sa pangalawang pagkakataon, sinaktan at binigo mo ako. You killed me."

Nanlabo ang kaniyang paningin, naramdaman niya ang mainit na likidong pumatak sa kaniyang kamay. Hindi niya mapigilan ang luhang pumapatak mula sa kaniyang mga mata.

"Nalaman kong buntis ako pagkalipas ng tatlong buwan. Nang tanungin ako ng nanay ko, sinabi kong si Ramon ang posibleng ama ng dinadala ko. Itinulak niya ako kay Ramon at saka niya ako iniwan kasama ang aking mga kapatid. Iniwan din nila ako, Julian at si Ramon na lang ang tangi kong makakapitan."

"Hindi niya ako pinakasalan. Nagsama kami at impiyerno ang naging buhay ko sa kaniya. Sinasaktan at ginugulpi niya ako kahit buntis ako, at nang maisilang ko si Junjun, hindi rin nakaligtas ang anak ko sa kaniya, hindi ko matanggap na pati ang anak namin ay kinanti niya."

Muli nitong pinahid ang luha. God knows gusto na niya itong patigilin sa pagkukuwento dahil naramdaman niya ang galit na namumuo para sa sarili. What has he done to her? He caused her pain and suffering. He made her this way. Hindi niya mapapatawad ang sarili.

"Walang araw at gabi na hindi ako tinigialn ni Ramon. Ilang beses kong tinangkang tumakas at iwan siya, pero palagi na lang niya akong nahuhuli at ginagawang panakot at hostage si Junjun para huwag siyang iwanan. Kailangan niya ako para gamitin panustos niya sa kaniyang pagkakautang," humagulgol na ito.

"Binaboy niya ako, Julian...ginamit niya akong pambayad. Hinayaan niyang pagpasahan ako nang mga lalaking pinagkakautangan niya. Pero okey lang sana iyon eh...pero ginamit pa niya si Junjun para pambayad utang. Kinuha nila ang anak ko at inilayo sa akin. Inilayo nila si Junjun sa akin..." hawak ang dibdib na tila hirap na hirap ito sa paghinga.

Wala siyang lakas na haplusin ito. Wala siyang tatag ng loob kahit isipin man lang ang mga pinagdaanan nito. Halos mabinat ang kanyang mga ugat sa madiin na pagkuyom ng kaniyang mga kamao. Kung maari lang niyang bugbugin ang sarili ay gagawin niya, gagawin niya!

"I was out of myself when I lost Junjun. Days after that, Ramon was found dead. I was going to kill myself but Lucy stopped me. She made me realized that I can still find Junjun here in Manila."

Tumingin ito sa kaniya, ngumiti. "Nagkatotoo ang sinabi mo, naging katulad din ako ng aking ina. Wala ng mawawala sa akin dahil wala ng natira pa. Maging ang dignidad na pinanghahawakan ko ay naglaho na nang gabing iwanan mo ako. Pero Julian, may kaibahan ako kay Nanay, nagpakababa ako dahil sa kagustuhan kong mahanap ang aking anak..." tumalim ang mga tinig nito.

"Nagbenta ako ng aliw dahil iyon ang pinakamadaling paraan para mabilis kong makita si Junjun. Dahil kung aasa lang ako sa gobyerno..." umiling-iling ito, "I'll never be able to find him."

"Hindi ko gustong magtagpo tayong muli. Hindi sa ganitong kalagayan. Matayog ka na, Julian, pinatunayan mong muli na magkasalungat ang ating buhay. At nang makilala ko si Faith...I know, you made the right decision then...that's why...I want to end the past that's connecting us."

BETRAYALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon