Chapter Fourteen

7.7K 181 21
                                    


***Salamat kay savannacruz sa pag-follow. I am dedicating this chapter sa'yo sana ay okey lang, kung ayaw mo, let me know para maiba ko. Tnx!


Chapter Fourteen

NAGPUMILIT si Katrina na bumangon. Ni hindi alintana ang halos hubad na katawan. Mabilis siyang kumilos kahit hindi pa rin nakababawi ang katawan sa sakit na nadarama. Kahit hindi siya magkagulapay sa pagkilos, pinilit niya, inipon ang lahat ng natitirang lakas para mahabol ang mga lalaking iyon na pangko ang natutulog na anak.

"Hu-huwag...maawa kayo...Junjun anak...Junjun..." Nanginginig ang mga kamay na ginawa niyang sandalan ang manipis na dingding para gamitin sa kanyang paglakad.

Nasa bukana na siya ng pintuan at nakita niya ang paghagis ng pera noong kalbong lalaki kay Ramon. Kulang na lang ay maglaway sa tuwa ang reaksiyon ni Ramon sa ginawang pagdaklot sa pera at binilang pa nito iyon. Gusto niyang mabaliw sa nakikita!

"Sige, kung hindi lang kami nagmamadali ay talagang uulit pa kami sa misis mo pero kailangan na naming umalis. Kapag may alam kang puwede naming mabiling bata sabihan mo kami, may komisyon kang makukuha sa'min." nakangising sabi naman nang isa.

"Walang problema." Hindi tumitinging sagot ni Ramon, sa pera pa rin nakatutok ang kumikinang na mga mata nito.

"Huwaaaaag! Junjuuuun! Junjun anak! Huwag, maawa kayo! Junjun!" sigaw niya nang papaalis na ang mga ito. Subalit walang lingon likod na lumisan na ang mga lalaki.

Binilisan niya ang paghakbang! Pilit hinahabol ang mga ito. Nasadlak siya sa lupa pagkalabas niya ng bahay. Gumapang siya. Mabilis, Hindi alintana ang hubad pa ring katawan at nagagasgasang katawan sa paggapang. "Junjun! Ibalik ninyo ang anak ko, maawa kayo! Junjun!"

Sumakay ang mga ito sa dalang owner type jeep at mabilis na pinaharurot. Nang mapagtantong wala na sa kanyang paningin ang anak, halos kumbulsyunin siya sa takot at pag-aalala para sa anak. Hindi! Hahanapin siya ng anak niya. May kapansanan ang anak niya, baka...baka kung ano ang gawin sa kanya ng kung sinumang makakakuha sa anak. Hindi!


Hindi niya alam ang gagawin. Gusto niyang mabaliw! Iyak lang siya nang iyak. Nahihilo siya. Hindi alam kung kanino hihingi ng tulong. Ahh...! Aaaaaaah! Junjun...anak ko, pagtangis niya. Nanginginig siya, buong katawan niya, isip at kaluluwa. Lumingon siya sa bahay nila. Nanlisik ang kanyang mga mata!

Bumangon siya. Paika-ikang humakbang pabalik sa bahay. Luhaan ang kanyang mga mata. Kuyom na mahigpit ang kanyang mga palad. Nakasadlak ang ulo ng tulog na si Ramon sa mesang hapagkainan habang sa kamay ay mahigpit na hawak ang pera. Nakita niya ang kutsilyo sa papag sa may paanan nito. Humakbang siya roon at dinampot iyon.

Mahigpit niyang hinawakan ang kutsilyo. Nagtagis ang kanyang bagang! Lalong nanlisik ang kanyang mga mata! Lahat ng kahayupan nito ay bumalik sa kanyang isipan. Nagsimula noong gabing sapilitan siya nitong gahasain...noong gabing nakita sila ni Julian na magkaniig pitong taon na ang nakararaan. Noong palanghapin siya ng kung anong pampahilo para magawa nito sa kanya ang pag-angkin sa kanyang walang lakas na katawan.

At nang mabuntis siya dahil sa kagagawan nito. At noong sapilitan siyang ibigay ng ina rito dahil doon, at walang oras at araw na hindi siya nito sinaktan. Subalit hindi siya nagreklamo, oo...alam niya, katangahang patuloy siyang kumapit dito dahil wala siyang ibang alam na makukuhanan ng tulong, ito lang, at dahil ito rin ang ama ng kanyang anak. Iniwan na siya ng ina, at takot siyang mag-isa, ayaw niyang mag-isa.

Akala niya... akala niya ay magiging maayos din ang lahat, na magbabago ito. Pero hindi, lalo pa itong mas masahol! Kaya nagtangka siyang tumakas, nila ng anak niya dahil hindi niya kayang makita araw-araw na sinasaktan nito ang anak. Siya na ang saktan nito pero huwag ang anak nila. Pero lagi na lang siya nitong nahuhuli, kinukuha ang kanyang itinatagong pera at pinagtatangkaan gamit ang anak nila na ilalayo raw sa kanya.

BETRAYALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon