Chapter Four

10.1K 264 22
                                    

TUMIGIL din sila sa pagtawa pagkalipas ng ilang minuto. Nasa ganoon pa rin silang posisyon. Nagdikit ang kanilang mga noo nang magtaas sila ng paningin. Eye to eye na uli sila. Halos magdikit na rin ang ibabaw ng kanilang mga ilong. Nararamdaman na rin nila ang pagbuga ng hininga sa isa't isa. Suddenly it feels so warm between them. The air feels so warm it's getting harder to breathe.

"J-uls..." kabadong-kabadong sambit ni Katrina.


Parang puputok naman ang ulo ni Julian sa pakiramdam na lumolobo iyon sa sobrang hilo. Pero lahat naglaho nang maramdaman ang paglalapat ng labi nila ni Katrina. Lapat lang pero pakiramdam niya ay napapaso siya.

Pagkuwan ay iginalaw niya ang labi. Hindi niya alam kung bakit pero parang iyon ang dapat kaya sinunod lang niya ang sariling instinct. Bumuka ang kanyang bibig at saka sinakop ang itaas na bahagi ng labi ni Katrina. Marahan niyang sinipsip iyon at saka banayad na inulit-ulit.

Naramdaman niyang ginaya siya nito at sa ibabang labi naman niya sumisipsip si Katrina. Dahan-dahan, parang tinatantiya kung masasaktan siya. Inulit-ulit nila ang pagsipsip doon, hanggang sa magpalit uli sila ng puwesto. Ibabang labi na ni Katrina ang sinisipsip niya at sa itaas ng labi niya naman ito.

Ganon' lang sila, papalit-palit ng labing hinahalikan. Naramdaman na rin nila ang pamamasa ng kanilang mga labi, natitikman ang laway ng bawat isa. Kung pakikinggan parang ang sagwa at nakakadiri pero hindi pala kapag ikaw mismo ang nasa eksena, everything feels so good and everything tastes so sweet.

Ang maliliit nilang halik ay lumaki. Ang mabagal at banayad nilang galaw ay bumilis. Ang mga labing nakadikit ay lalo pang dumiin sa isa't isa. Natagpuan ng mga daliri nila ang isa't isa at pinagsalikop nila ang mga 'yon, at saka nagdikit ang kanilang mga palad. Napatuwid sila sa pagkakaluhod nang hindi iniiwan ang labi nang isa't isa.

Julian is so deep into her. Hindi niya alam pero hindi niya mabitawan ang labi nito. Parang kapag ginawa niya iyon ay mapapatid ang kanyang hininga. Kaya naman lalo niyang ibinuka ang bunganga ni Katrina sa pamamagitan ng pagkalas ng isa nitong kamay na kasalikop nito at ipinaloob iyon sa batok nito. Ibinaon niya ang mga daliri sa likod ng buhok ni Katrina at saka ito hinila para mapaangat ang ulo nito.

Nahugot ni Katrina ang hininga at lalo ngang bumuka ang bunganga nito. Sinamantala naman iyon ni Julian at mabilis na ipinasok ang kanyang dila sa bunganga nito at hinanap ang kay Katrina. Hindi naman siya nabigo dahil sinalubong naman siya nito at agad niya iyong sinipsip.

Saglit na binabawi iyon ni Katrina subalit hindi niya ito pinayagan. Their tongues swirl, suck and fight as if defending their own territories. It is getting harder to breathe but he does not want to stop. No, he could not stop; it feels so good to stop.


Napasabunot ang mga kamay ni Katrina sa buhok ni Julian. Hindi na siya makahinga. Pero ayaw din naman niyang tumigil sa ginagawa si Julian. Nawawalan na siya ng lakas sa pagluhod kaya isinandig niya ang katawan sa dibdib nito. Lalo siyang napatingala at napayuko naman si Julian sa kanya.

Lalo pang lumalim ang halikan nila sa isa't isa. Nang pakiramdam nila ay sagad na talaga ang kanilang paghinga, halos sabay din silang bumitaw sa isa't isa at animo nanggaling sila sa pinakamalalim na bahagi ng dagat at pilit humuhugot ng hangin para lang mabuhay.

Napasadlak din sila sa buhangin, nakatingin sa isa't isa habang mabilis na nilalagyan ng hangin ang kanilang dibdib. Taas-baba ang mga 'yon, at unti-unti na ring bumabalik ang kulay sa kanilang pisngi. Mayamaya lang ay bumagal na ang kanilang paghinga, hudyat na nakabawi na rin sila at steady na ang kanilang heart rate.

BETRAYALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon